wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA IKATLONG MARKAHAN

Total questions: 35

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng

ating kultura. Ito ay naglalaman ng mga balita tungkol sa kaganapang

nangyayari sa ating lipunan, nagbibigay rin impormasyon tulad ng

patalastas.

a)

pahayagan

b)

komiks

c)

balita

d)

magasin

2.

ito ay isang pormal na uri ng pahayagan, karaniwang

inilimbag sa malaking papel at ginagamit ang wikang

ingles. Ito ang pinakakaraniwang pormat ng diyaryo.

a)

pahayagan

b)

Broadsheet

c)

magasin

d)

komiks

3.

Ito ay isang uri ng impormal na pahayagan, naglalaman ito ng mga pang-araw-araw na kaganapan. Tinagurian itong "sensationalized journalism", ang mga kadalasang paksa nito ay tungkol sa korapsyon, karahasan o seks.

a)

pahayagan

b)

komiks

c)

Tabloid

d)

magasin

4.

Ito ay isang babasahing popular na kinakagalak ng mga Pilipino

dahil sa aliw at mga impormasyong hatid nito. Ito ay naglalaman ng

maikling kwento at nobela na naging susi upang umunlad ang

kaalaman ng marami sa kulturang Pilipino

a)

pahayagan

b)

magasin

c)

tabloid

d)

broodsheet

5.

Ano ang pinakasikat na magasin sa Pilipinas na

sinimulang ilathala noong Nobyembre 18, 1922?

a)

Liwayway

b)

captain barbel

c)

Darna

d)

FHM

6.

Magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw na atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa buhay ng mga pinakasikat na artista.

a)

YES!

b)

FHM

c)

T3

d)

Metro

7.

Magasing tungkol sa fashion at lifestyle, shopping

at "style" ng damit, at iba pang may kinalaman sa pagpapaganda ng sarili.

a)

cosmopolitan

b)

METRO

c)

FHM

d)

YES!

8.

Ang magasin na ito ay naglalaman ng mga sensitibong babasahin kung kaya't target nito ang mga mambabasa na nasa tamang gulang. Ito ay para sa kalakihan upang pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig, buhay at iba pa nang walang pag aalinlangan.

a)

YES!

b)

FHM

c)

METRO

d)

COSMOPOLITAN

9.

Binibigyang pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng mga kabataan. Ito ay gawa ng mga mas batang manunulat upang nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambaabasa.

a)

CANDY

b)

FHM

c)

YES!

d)

METRO

10.

Magasing nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya naging paborito ng maraming

kalalakihan.

a)

YES!

b)

FHM

c)

Men's health

d)

Metro

11.

Magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nilalaman nito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay

a)

FHM(for him magazine)

b)

Men's health

c)

T3 (tomorrow's technology today

d)

Good housekeeping

12.

Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang

ihatid ang isang salaysay o kuwento. Isang makulay at popular na

babasahin na layuning magbigay aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba't ibang kaalaman at magsulong ng kulturang Pilipino.

a)

MAGASIN

b)

KOMIKS

c)

TABLOID

d)

PAHAYAGAN

13.

Siya ang kauna-kaunahang Pilipinong gumawa ng komiks.

a)

MANUEL L. QUEZON

b)

DR. JOSE RIZAL

c)

ANDRES BONIFACIO

d)

DIOSDADO MACAPAGAL ARROYO

14.

Taong 2007, tinangka niyang buhayin at pasiglahin

ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga

ginawa nilang komiks sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

a)

CARLO J. CAPARAS

b)

ERIC MATTI

c)

LAURENCE DYOGI

d)

COCO MARTIN

15.

Taong,

1884 nailathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa

ang komiks strip na nasusulat sa Filipino.

a)

"Pagong at Matsing"

b)

"Ang Matsing at Ang Kuneho"

c)

"Ang Tipaklong at Ang Langgam"

d)

"Ang Pagong at Ang Kuneho"

16.

Ito ay isang anyong pampanitikan na maituturing na

maikling-maikling kwento. Bagama't walang katiyakan ang pinagmulan

sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop

ng mga Amerikano.

a)

Nobela

b)

Dagli

c)

Tula

d)

Sanaysay

17.

Bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

a)

kuwadro

b)

lobo ng salaysay

c)

larawang guhit

d)

pamagat ng kuwento

18.

Bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo.

a)

tagpo

b)

kahon ng salaysay

c)

kuwadro

d)

lobo ng usapan

19.

Bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan.

a)

lobo ng salaysay

b)

kuwadro

c)

pamagat ng kuwento

d)

tagpo

20.

Ito ay tumutukoy sa mga napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

a)

tsismis

b)

kuwento

c)

balita

d)

haka-haka

21.

Ito ang paraang ginagamit sa pagbabahagi ng balita kapag ang ginawang midyum ay ang radyo at telebisyon.

a)

pasalita

b)

pasulat

c)

pampaningin

d)

pagsasaling-dila / tsismis

22.

Ito ang paraang ginagamit sa pagbabahagi ng balita kapag ang ginawa ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.

a)

pasulat

b)

pasalita

c)

pampaningin

d)

pagsasaling-dila / tsismis

23.

Ito ang paraang ginagamit sa pagbabahagi ng balita kapag ang midyum ay ang telebisyon at sine.

a)

pasulat

b)

pasalita

c)

pampaningin

d)

pagsasaling-dila / tsismis

24.

Katangian ng balita na tumutukoy sa mga datos na inilahad nang walang labis walang kulang.

a)

kawastuhan

b)

katimbangan

c)

makatotohanan

d)

kaiklian

25.

Katangian ng balita na tumutukoy sa paglalahad ng mga datos ng walang kinikilingan sa magkabilang panig ng mga sagkot.

a)

kawastuhan

b)

katimbangan

c)

kaiklian

d)

makatotohanan

26.

Katangian ng balita na tumutukoy sa paglalahad ng mga impormasyon na tunay at hindi gawa-gawa lang.

a)

kawastuhan

b)

katimbangan

c)

makatotohanan

d)

pagsasaling-dila/ tsismis

27.

Katangian ng balita na tumutukoy sa paglalahad ng mga datos nang diretsahan at hindi maligoy.

a)

kawastuhan

b)

katimbangan

c)

kaiklian

d)

pagsasling-dila / tsismis

28.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI SANGKAP ng balita?

a)

kapanahunan

b)

kalapitan

c)

kabantugan

d)

katsismisan

29.

Sangkap ng balita na tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao sa kapwa tao, maaari itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao sa kanyang sarili.

a)

tunggalian

b)

kakalasan

c)

pagbabago

d)

kaunlaran

30.

Uri ng balita na diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuurang pamatnubay

a)

tuwirang balita

b)

pabalitang lathalain

c)

lokal na balita

d)

balitang pambansa

31.

Uri ng balita na hindi diretsahan ang paglalahad ng mga datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.

a)

tuwirang balita

b)

pabalitang lathalain

c)

lokal na balita

d)

balitang pambansa

32.

Ang tawag sa una at pangalawang talata sa balita. Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil ito ang pinakabuod ng balita.

a)

pamatnubay

b)

gabay

c)

kombensyonal

d)

kabuurang pamatnubay

33.

Uri ng pamatnubay na sumasagot sa tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?, at Paano? Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide kung saan ang mga mahahalaga ay nasa una at pangalawang talata. Karaniwang ginagamit ito sa tuwirang balita.

a)

kombensyonal o kabuurang pamatnubay

b)

makabagong pamatnubay

c)

masining na pamatnubay

d)

naglalarawang pamatnubay

34.

Uri ng pamatnubay na ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin ang kabuoan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain

a)

makabagong pamatnubay

b)

kombensyonal o kabuurang pamatnubay

c)

piramiding pamatnubay

d)

larawang pamatnubay

35.

Ito ay pagbibigay ng opinyon hinggil sa isang isyu upang malaman ng iba kung ano ang iyong pananaw dito.

a)

balita

b)

komentaryo

c)

komiks

d)

sanaysay