Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Karunungang-Bayan

Total questions: 34

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Kung kailan mo pinatay,

saka pa humaba ang buhay.

(a)  

2.

Nang sumipot sa maliwanag,

kulubot na ang balat.

(a)  

3.

Isang butil ng palay,

sakot ang buong buhay.

(a)  

4.

Ako ay may kaibigan,

kasama ko kahit saan.

(a)  

5.

Mataas kung nakaupo,

mababa kung nakatayo

(a)  

6.

Balong malalim,

puno ng patalim.

(a)  

7.

Maliit pa si kumpare,

nakaakyat na sa tore.

(a)  

8.

Kung gusto mong tumagal

ang aking buhay, kailangan ako ay

mamamatay.

(a)  

9.

Isang bundok,

hindi makita ang tuktok.

(a)  

10.

Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.

(a)  

11.

Ate mo, ate ko, ate nglahatngtao

(a)  

12.

Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.

(a)  

13.

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

(a)  

14.

Kay lapit-lapit nasa mata, di mo pa rin makita.

(a)  

15.

Kay lapit-lapit nasa mata, di mo pa rin makita.

(a)  

16.

Na kayo ko ang reyna, di nalalaglag ang korona.

(a)  

17.

Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kanin.

(a)  

18.

Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.

(a)  

19.

Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

(a)  

20.

May iba’t ibang uri ng Karunungang-bayan. Ang bugtong ay isang

uri ng palaisipang nasa anyong (a)   .

21.

Ang kasabihan naman

ay (a)   ang pagpapakahulugan.

22.

Ang sawikain ay mga

salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang

(a)   ang paraan ng pagpapahayag.

23.

Ang Salawikain

naman ay mga butil ng karunungan na (a)   ng

kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

24.

Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa

pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga

magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging

inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang

panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso

noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay.

a)

A. Kapag may tiyaga, may nilaga.

b)

B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

c)

C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.

d)

D.Bago mo linisinang dungis ng iba, lilisin muna ang putik sa iyong

mukha.

25.

Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing

kayo ang magkasama sa kaniyang panonood ng sine. Hindi ka pumayag

kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon.

Ipinagkibit-balikat mo nalang ang kaniyang ginawa. Dumating ang araw

humingi siya ng tawad sa kanyang ginawa at naibalik ang inyong

magandang pagkakaibigan.

a)

A. Ang tunay na kaibigan karamay kainlanman.

b)

B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.

c)

C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.

d)

D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili

sa katotohanan.

26.

Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos pusong

naglilingkod hindi lamang sa ating komunidad at sa ating bansa.

a)

A. bukal sa loob

b)

B. matalas ang ulo

c)

C. makitid mag-isip

d)

D. malawak ang isip

27.

Sa kinahaharap nating iba’t-ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring

mag bingi-bingihan lamang tayo sa mga pangyayaring ito. Kailangan

nating kumilos.

a)

A. taingang kawali

b)

B. mahina ang loob

c)

C. bahag ang buntot

d)

D. matalas ang pandinig

28.

Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng

bagong empleyado kaya nilapitan ni Arnel ang kakilala niyang

tagamahala ng kompanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,

hiningan siya nito ng halaga upang maipasok siya sa trabaho. Hindi

tumugo si Arnel sa nais ng kakilala sa halip pumila sa hanay ng mga

aplikante. Ipinagmamalaki niyang natanggap siya sa trabaho na dumaan

sa tamang proseso

a)

A. matalas ang ulo.

b)

B. mataas ang noo.

c)

C. malawak ang isip.

d)

D. ahag ang buntot.

29.

Ang mga matatalinghagang pahayag ay naiibang paraan ng 1.

(a)   ng kondisyon o kalagayan, at pagpapahayag ng

saloobin.

30.

Isa ito sa katangian na 2. (a)   ng ating wika.

Itinatago nito ang tunay na kahulugan.

31.

Taglay ng 3. (a)   pahayag ang kinis at sining

ng ating wika.

32.

4. (a)   sa mga pahayag ang

paniniwala, pamumuhay ng mga tao, pagpapahalagang-pangkatauhan,

kalagayang pangkapaligiran o panlipunan sa iba’t ibang karanasan.

33.

Eupemismo ang tawag sa mga 5. ________________ na salita o

pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang 6. _______________ ng

damdamin. Ginagamit din ang mga ekspresyong ito upang 7.

_______________________ banggitin ang mga salitang hindi magandang

pakinggan, nakabibigla o maaring magdulot ng kahihiyan.

(a)  

34.

10. Baboy ko sa pulo,

ang balahibo’y pako.

(a)