NEW
Font size
WorksheetsLAGUMANG PAGSUSULIT (GRADE 8 ESP)
Total questions: 30
Worksheet time: 3600secs
Ito ay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon ng lipunan.
barangay
pamilya
paaralan
pamahalaan
Sinasabing ang ating mga magulang ang ilaw at haligi ng ating tahanan. Tayong anak ay nararapat na ………
Iasa lahat sa kanila.
Tumulong kung kalian may panahon.
Maging katuwang sa loob ng tahanan.
Magwalang bahala na lamang.
Ang mga anak ay maituturing na tagasunod sa loob ng tahanan. Dahil dito, anong pagpapahalaga ang dapat nilang isabuhay?
Pagiging masunurin.
Paggalang sa magulang.
Pagmamahal sa pamilya.
Pakikiisa sa pamilya.
Bakit maituturing na pundasyon ng lipunan ang pamilya?
Dahil ito ang natural na institusyon.
Dahil dito tayo lahat nagmumula.
Dahil ang katatagan nito ay katatagan ng lahat.
Dahil dito nagmumula ang pagmamahalan.
Ang mga magulang ang namumuno sa loob ng tahanan. Paano mo ipadarama sa kanila na ikaw ay mabuting anak?
Susundin ang bawat utos nila.
Hindi sila susuwayin.
Igagalang at mamahalin sila.
Lahat ng nabanggit.
Ang pamilya ay sinasabing una at hindi mapapalitang paaralan ng panlipunang buhay dahil…….
Sa loob ng tahanan unang natutunan ang pakikisalamuha sa kapwa.
Ito ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan.
Sa pamilya unang namumulat ang isang tao.
Ang konsepto ng pagkakaroon ng tungkulin ay unang nagagampanan sa loob ng pamilya.
Ano ang batayan ng pananatili ng pagsasama ng pamilya?
Ang kaayusan ng kanilang pamumuhay.
Ang mga material na bagay na kanilang iniingatan.
Ang magandang ugnayan na namamagitan sa kanila.
Ang bahagdan ng pagganap ng tungkulin ng bawat isa.
Ang pagmamahalan at pagtutulungan sa loob ng tahanan ay nararapat paunlarin ng isang anak sa pamamagitan ng…….
Paggalang at pagsunod sa mga magulang.
Paghahangad ng paglawak ng kalayaan bilang isang kabataan.
Pag-iwas na gawin ang tungkuling nakaatang.
Paghahangad ng higit na atensyon mula sa magulang.
Ikaw bilang kabataan ay nararapat na tumulong sa pagpapatatag ng pananampalataya ng iyong pamilya dahil …….
Kailangan ng pamilya ang gabay sa Diyos.
Makapagpapalalim ito ng samahan ninyo.
Umiiwas ka sa masamang impluwensya.
Paraan ito upang mapalapit kayo sa bawat isa.
Ang mga balakid sa pagganap ng tungkulin ng pamilya ay nalalampasan kung ang bawat kasapi nito ay ……
nagmamalasakitan
nagkakaisa
nagmamahalan
nagrerespetuhan
Ano ang gagawin ng bawat kasapi upang magampanan ng pamilya ang anumang misyon nito?
Sa pamamagitab ng pakikiisa sa layunin nito.
Sa pamamagitan ng pakikibahagi ng panahaon, oras at sarili.
Sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa iba pang kasapi ng pamilya.
Lahat ng nabanggit.
Bilang isang anak, paano ka higit na makatutulong sa kaayusan ng pamilya?
Kakausapin ang bawat kasapi ng pamilya.
Magiging mahinahon sa panahon ng pagsubok.
Aalamin at gagawin ang tungkulin sa loob ng tahanan.
Magpapalakas ng loob ng mga magulang.
Bukod sa edukasyon, pananampalataya at maingat na pagpapasya, ano pa ang maaring ibigay ng pamilya sa mga anak?
pagmamahal
pag-asa
magandang asal
Lahat ng nabanggit
Sinasabing may magagawa ang kabataan para sa kanilang pamilya. Sa mga maari mong maiambag sa tahanan, alin sa mga ito ang pinakamahalaga?
Makibahagi sa misyon ng pamilya.
Mag-aral nang mabuti.
Tumulong sa magulang.
Mag-ambag ng sarili.
Ang mga magulang ang siyang unang dapat mag-aruga sa kanilang mga anak. Ang pangugusap na ito ay……
Tama sapagkat sila lang ang gagawa nito.
Tama sapagkat kailangan sila ng kanilang anak.
Tama sapagkat ito ang dapat.
Tama sapagkat tungkilin nila ito.
Ang pagpapasya ay masasabing tama kung …….
Para ito sa ikasisiya ng lahat.
Para ito sa ikabubuti ng lahat.
Para sa ikakatahimik ng lahat.
Para ito sa pagkakaisa ng lahat.
Ang pseudo-listener ay tagapakinig na…….
naghahanap ng mali sa kausap.
hindi totoong nakikinig
manhid.
namimili ng pakikinggan
Sa komunikasyon pinakamahalaga ang…..
pagsasalita
pakikisalamuha
pakikinig
pagtanggi
Ang mga sumusunod ay hadlang sa epektibong komunikasyon sa loob ng pamilya MALIBAN sa isa.
taong nag-uusap
mensahe
ingay
pakikinig
Ano ang mangyayari kung hindi nag-uusap ang mga kasapi ng pamilya?
Walang unawaang mangyayari.
Magiging tahimik ang buhay nila.
Walang pagtatalong magaganap.
Hindi sila magkakasundo.
Kasapi ng pamilya ang nararapat na unang pagsasabihan kung may suliranin. Ang pangungusap na ito ay …….
Tama sapagkat sila ang unang dadamay sa iyo.
Tama sapagkat kadugo mo sila.
Mali, sapagkat mayroon ka naming kaibigan.
Mali, sapagkat hindi ka nila nauunawaan.
Ang komuniksayon ay mabisa kung……..
Napagkakasundo ang magkaaway.
Hindi na nauulit ang problema.
Nagkakaunawaan ang bawat isa.
Walang sigawan na nangyayari.
Ano ang kahalagahan ng komunikasyon na non-verbal?
Ito nabubunga ng ingay.
Hindi naghahatid ng mensahe.
Paraan ito ng komunikasyon.
Ginagawa nitong madali ang usapan.
Mahalagang sangkap sa katatagan ng pamilya ang epektibong komunikasyon sapagkat
Paraan ito upang magkaunawaan ang bawat kasapi.
Paraan ito ng lalong pagkakalayo.
Paraan nito na maiiwasan ang suliranin.
Paraan ito para matalakay at malutas ang suliranin.
Bakit dapat na tumulong ang bawat pamilya sa pag-unlad ng lipunan?
Upang lalong mapalapit sa ibang pamilya.
Sapagkat damay ang pamilya sa mga nangyayari sa lipunan.
Para mapagaan ang buhay ng pamilya.
Upang mapabuti ang kalagayan ng pamilya
Bilang kabataan, anong pagpapahalaga ang iyong matutunan mula sa pakikiisa ng pamilya sa pagpapaunlad ng lipunan.
Pagkakaisa
Pagtutulungan
Pagdadamayan
lahat ng nabanggit
Sa paanong paraan higit na makatutulong ang pamilya sa pag-unlad ng lipunan?
Pagtulong sa kapitbahay.
Pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.
Pangangalaga sa kalikasan.
Hindi pagsasayang ng tubig at kuryente.
Maraming banta sa ngayon sa pagkakaisa ng pamilya. Bilang kabataan paano mo lalabanan ang mga ito?
Sumunod sa payo ng magulang.
Tumulong sa mga gawaing bahay.
Makiisa sa pamilya sa tuwina.
Igalang ang mga nakatatanda.
Bakit mahalagang ituring ang lipunan bilang isang malaking pamilya?
a. Sapagkat narito ang ating mga kapitbahay
b. Dahil dito tayo nanininrahan
c. Sapagkat hindi mahalaga na umiral ang pagmamalasakit sa pagitan ng mga kapitbahay.
d. Dahil may epekto sa loob ng ating tahanan ang mga nangyayari sa pamayanan.
Ang pagsali ng pamilya sa paghalal ng mga namumuno sa lipunan ay mahalaga sapagkat….
Ang pamumuno ng isang lider ay may epekto sa buhay pamilya.
Nakasalalay rito ang pag-unlad ng isang pamayanan.
Mahalaga sa malapit ang pamilya sa lider na nakaupo sa puwesto.
Upang mas maginhawa ang buhay pamilya.
