wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BASA QUIZ 1

Total questions: 30

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ito ay uri ng teksto na walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensya, kasaysayan, paglalakbay, heograpiya at iba pa; layunin nitong magbigay impormasyon.

a)

Tekstong Argumentatibo

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Impormatibo

d)

Tekstong Prosidyural

2.

Alin sa ibaba ay hindi halimbawa ng tekstong impormatibo?

a)

Nobela

b)

Polyeto

c)

Suring-Papel

d)

Batayang Aklat

3.

Alin sa mga sagot sa ibaba ang hindi halimbawa ng mga elemento ng tekstong impormatibo?

a)

Kahulugan

b)

Pagsusuri

c)

Pananaliksik

d)

Sanaysay

4.

Ito ay uri ng tekstong impormatibo na nagpapakita ng pagkaakugnay -ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.

a)

Paglilista ng Klasipikasyon

b)

Pagbibigay Depinisyon

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

5.

Ito ay uri ng tekstong impormatibo  na kung saan nakakatulong sa pagbibigay - linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing

a)

Paglilista ng Klasipikasyon

b)

Pagbibigay Depinisyon

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

6.

Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan. Anong uri ng impormatibong teksto ito?

a)

Paglilista ng Klasipikasyon

b)

Pagbibigay Depinisyon

c)

Sanhi at Bunga

d)

Paghahambing

7.

Alin dito ang hindi katangian ng tekstong impormatibo?

a)

Nagpapaliwanag at nagbibigay impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pang maaaring maging paksa.

b)

Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o tunay na mga pangyayari

c)

Ang Pangunahing layunin nito ay ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

d)

Nakabase ito sa opinyon ng manunulat.

8.

soft news

a)

napapanahong balita

b)

pantaong aspekto ng balita

c)

pormal na balita

9.

hard news

a)

pantaong aspekto

b)

pormal na balita

c)

napapanahong balita

10.

Ito ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.

a)

Pagsulat

b)

Pagbasa

c)

Pakikinig

d)

Panonood

11.

Nabago ang pananaw ni Norman tungkol sa pagiipon simula nang nabasa niya ang libro ni Chinkee Tan na Diary ng Pulubi.

a)

Nakakapag patalas ng isipan

b)

nakakapag pahusay ng kakayahang komunikatibo

c)

nakakatulong sa iyong self-exploration

d)

nakakabawas ng stress

12.

Laking gulat ni Alin Merlita ang galing ng kanyang anak sa pakikipag-usap sa ibang tao gamit ang wikang Ingles kahit na ito ay bata pa.

a)

nakakatulong sa self-exploration

b)

nakakapagpahusay ng kakayahang komunikatibo

c)

nakakapagpatalas ng isipan

d)

nakakabawas ng stress

13.

Sa tuwing nakakaramdam ng kaguluhan sa pag-iisip si Jenny ay pumupunta siya sa silid-aklatan upang magbasa ng kaniyang paboritong aklat.

a)

nakakapag patalas ng isipan

b)

nakakabawas ng stress

c)

nakakapag pahusay ng kakayahang komunikatibo

d)

nakakatulong sa self- exploration

14.

Labis na namangha ang mga kamag-aral ni Joyce dahil nakakuha ito ng perpektong marka sa lahat ng pagsusulit na mayroon sila.

a)

nakakatulong sa self-exploration

b)

nakakatalas ng pagiisip

c)

nakakapag pahusay sa kakayahang komunikatibo

d)

nakakabawas ng stress

15.

Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa

paksa ng teksto.

a)

kaisipan

b)

pangunahing kaisipan

c)

pantulong na kaisipan

d)

lahat nang nabanggit

16.

Tukuyin ang kaisipang nakapaloob sa tektong,"Gabay ng Maykapal: Ilang mga deboto nagdasal sa labas ng Quiapo Church".

a)

Ang mga deboto ay may matibay na pananalig sa Diyos sa kabila ng pandemya.

b)

Nagtitiyaga ang mga deboto na magdasal sa labas Quiapo Church.

c)

Pinahahalagahan ng mga deboto ang health protocol.

17.

Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman.Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa

kanilang mga buhay.Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa.

Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?

a)

A. Marami kang natututuhan na salita

b)

B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.

c)

C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.

d)

D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.

18.

Ang pangunahing kaisipan ay maaring matagpuan sa aling bahagi ng teksto?

a)

unahang bahagi lamang ng teksto

b)

gitnang bahagi lamang ng teksto

c)

hulihang bahagi lamang ng teksto

d)

unahan, gitna o hulihang bahagi ng teksto

19.

Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng pantulong na kaisipan?

a)

Ano

b)

Sino

c)

Ilan

d)

Bakit

20.

1. Ang pantulong na kaisipan ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawa, datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Ito ay binubuo ng kalipunan ng mga pangungusap na umiikot o tumatalakay sa isang kaisipan o ideya.

a)

Pangungusap

b)

Teksto

c)

Talata

22.

Ito ay tumutulong sa paglilinaw ng mensaheng inilalahad ng pamaksang pangungusap.

a)

Pamaksang pangungusap

b)

Pantulong na pangungusap

c)

Payak na pangungusap

23.

Itinuturing na tagapaglagom ng kaisipan ng talata ang kaisipan ng talata.

a)

Pamaksang pangungusap

b)

Pantulong na pangungusap

c)

Payak na pangungusap

24.

Anu- ano ang tatlong katangian ng isang mabisang talata o komposisyon?

a)

Kaisahan, koneksyon, tuon

b)

Tuon, kaisahan,kaugnayan

c)

Kaugnayan, kaisahan, orihinalidad

25.

Ang talatang may ___________ ay tumutukoy sa iisang paksa lamang.

a)

tuon

b)

kaisahan

c)

kaugnayan

26.

Layon nito na manghambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang pahayag na ito ay ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, kapara, kawangis, animo’y, at gaya ng.

a)

Kabalintunaan

b)

Pagtutulad

c)

Pagwawangis

27.

Q. Piliin ang wastong transisyonal na salita upang mabuo ang pangungusap.


"Si Aldin ________ si Vanessa ay nagtapos ng pag-aaral kamakailan."

a)

gayundin

b)

katulad

c)

gayon pa man

28.

Q. Piliin ang pangungusap na dapat tanggalin sa mga kasunod na talata upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan.


(A) Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita at pasulat. (B) Ang pagsasalita at pagsulat ay dalawa sa mga makrong kasanayang pangwika. (C) Magkatulad man ang layunin sa diskurso, may kaniya-kaniyang pangangailangan at kalikasan ang dalawang anyo nito. (D) Ito ang dahilan ng magkahiwalay na pagbibigay-diin sa mga paaralan sa diskursong pasalita at pasulat.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

29.

Q. Piliin ang pangungusap na dapat tanggalin sa mga kasunod na talata upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan.


(A) Ayaw ko ng plastik! (B) Iyon bang akala mo ay kaibigan mo, ngunit palihim ka palang sinisiraan sa iba. (C) Ang mga gayong tao ay hindi maituturing na tunay na kaibigan! (D) Ang mga plastik ay nakasisira sa ating kalikasan!

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

30.

BONUS QUESTION: Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. (Isulat ang sagot sa malalaking titik)

(a)