WorksheetsAP4_Q3_Assessment
Total questions: 40
Worksheet time: 34mins
Ito ay tumutukoy sa simbolo na bumibigkis sa buong bansa.
teritoryo
soberanya
bansa
sagisag
Anong kulay sa watawat ng Pilipinas ang sumasagisag sa
katapangan ng mga Pilipino?
bughaw
pula
dilaw
puti
Saang lalawigan ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898?
Batangas
Laguna
Cavite
Manila
Ano ang pambansang sasakyan ng Pilipinas?
kalesa
jeepney
balsa
bangka
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kulturang di-materyal?
Itik-itik
Tapayang Manunggul
Kris
Hagdan-hagdang Palayan
Ano ang itinuturing na dakilang arkitektura ng mga sinaunang Ifugaw na matatagpuan sa Bananue?
Itik-itik
Tapayang Manunggul
Kris
Hagdan-hagdang Palayan
Ito ang orihinal na sistema ng panulat ng mga sinaunang Pilipino.
babaylan
arkeologo
baybayin
epiko
Sila ang mga umaawit ng mga epiko tungkol sa buhay ng kanilang mga bayani.
babaylan
arkeologo
baybayin
epiko
Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga elemento ng estado?
demokratiko
saligang-batas
republikano
pamahalaan
Ano ang tawag sa pangunahing batas kung saan nakasaad ang mga tungkulin ng pamahalaan?
demokratiko
saligang-batas
republikano
pamahalaan
Anong bansa sa daigdig ang nanatiling nagpapatupad ng isang tuwirang demokrasyang uri ng pamahalaan?
Pilipinas
Japan
Denamark
Switzerland
Siya ang pinuno ng lungsod o bayan.
pangulo
alkalde
senador
gobernador
Ilang lalawigan ang bumubuo sa Pilipinas?
81
145
1,489
24,044
Anong tawag sa sangay ng pamahalaan ng pinamumunuan ng Punong Mahistrado?
Lehislatibo
Ehekutibo
Hudikatura
Tulfogracia
Alin sa mga sumusunod na sangay ng pamahalaan ang may kapangyarihang magdeklara ng digmaan?
Lehislatibo
Ehekutibo
Hudikatura
Tulfogracia
Ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas at programa.
Lehislatibo
Ehekutibo
Hudikatura
Tulfogracia
Ginawa ito upang maiwasang mapunta sa kamay ng iisang tao ang kapanyarihan at maging diktador?
Separation of Powers
Check and Balances
Good Governance
Leadership and Stewardship
Ano ang kahulugan ng Equality in Wealth?
Lahat ng mamamayan ay magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa
pamamahagi ng kamayaman ng bansa.
Pagtitiyak na ginagampanan ng pamahalaan ang
responsibilidad nito sa mga mamamayan.
Pamumuhay na may pagsasaalang-alang sa mga susunod na
henerasyon at sa mga likas na yamang magagamit ng mga ito.
Pagsasapubliko ng mga gastusin ng pamahalaan.
Ito ay isa sa mga prinsipyo na tumitiyak na ang kaunlaran ay para sa lahat, walang itinatangi, at ito ay nagpapatuloy (sustainable)?
Rule of Law and Fairness
Inclusiveness
Leadership and Stewardship
Ethics and Probity
Anong tawag sa paraan ng tatlong sangay ng pamahalaan kung saan ang bawat isa ay nagbabantay ng pagkapantay-pantay ng kanilang kapangyarihan?
Separation of Powers
Check and Balances
Good Governance
Leadership and Stewardship
Bakit mahalaga ang sagisag sa isang bansa?
Mahalaga ito sapagkat nakatutulong ito na maparami ang produkto
sa bansa.
Mahalaga ito sapagkat ito bumibigkis at nagpapakita ng
pagkakaisa sa buong bansa.
Hindi ito mahalaga sapagkat nakakahadlang ito sa pag-angat ng
bansa.
Hindi ito mahalaga sapagkat hindi naman ito makakaapekto sa aking
pamumuhay.
Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang paggalang mo sa ating pambansang awit?
Gagawan ko ito ng dance step upang mas makilala ito.
Susulat ako ng bagong letra nito para sa kasalukuyang henerasyon.
Papatugtugin ko ito sa araw ng aking kaarawan sa harap ng mga bata.
Ako ay titigil sa aking ginagawa at tatayo ng tuwid sa oras na marinig ko
itong pinapatugtog.
Bakit mahalaga ang petsang ika-12 ng Hunyo 1898?
Mahalaga ito sapagkat ito ang kaarawan ng ating
pangulo.
Mahahlaga ito sapagkat ito ang araw ng kalayaan ng bansa.
Mahalaga ito sapagkat ito ang petsa ng pagkakatagpo sa
Pilipinas.
Mahalaga ito sapagkat ito ang araw ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal.
Bakit mahalaga ang industriya ng pagawaan?
Mahalaga ito sapagkat dito ipinuproseso ang mga hilaw na materyales
upang makagawa ng bagong produkto.
Mahalaga ito sapagkat ito ay binubuo ng mga kompanyang
tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan para sa kuryente,
tubig at gas.
Mahalaga ito sapagkat ito ang industriyang madalas pagbasihan ng
kaunlaran ang mga imprastraktura.
Hindi naman talaga ito mahalaga.
Ano ang kaibahan ng kulturang materyal at kulturang di-materyal?
Ang kulturang materyal ay makabago samantalang ang kulturang di-
materyal ay makaluma.
Ang kulturang materyal ay nakikita at nahahawakan samantalang
ang kulturang di-materyal ay hindi.
Ang kulturang materyal ay kapakipakinabang samantalang ang
kulturang di-materyal ay walang halaga.
Ang kulturang materyal ay nakatutulong samantalang ang kulturang
di-materyal ay nakahahadlang.
Bakit itinatago sa museo ang mga kulturang materyal?
Itinatago sa museo ang mga kulturang materyal upang makita ito
ng mga tao.
Itinatago sa museo ang mga kulturang materyal upang hindi
maipagbili sa ibang bansa.
Itinatago sa museo ang mga kulturang materyal upang
mapakinabangan ng pamahalaan.
Itinatago sa museo ang mga kulturang materyal upang
mapangalaagan ng wasto at hindi masira.
Paano mo mapahahalagahan ang kulturang Pilipino?
Palagi ako pupunta sa ibang bansa upang maikumpara ito.
Gagayahin ko ang mga foreign artist upang maging sikat ako.
Dadalaw ako sa mga museo kasama ang aking mga kaibigan.
Magsasanay ako ng salitang Nipongo para maturuan ang aking mga
kakilala.
Ano ang pangunahing tungkulin ng sangay ng ehekutibo?
Ito ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas.
Ito ang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng ng batas
Ito ang sangay ng pamahalaan na lumalabag sa batas
Ito ang sangay ng pamahalaan na nangangasiwa sa hustisya.
Ano ang kahulugan ng pamahalaan?
Ito ay kapangyarihan ng estado na maging malaya sa kontrol ng
dayuhan.
Tumutukoy ito sa pangkat ng mga tao na namumuno sa isang estado.
Ito ay isang elemento ng isang Estado na tumutukoy sa lupang tirahan at
nasasakupan nito.
Ito ang itinuturing na pinakamahalagang elemento ng estado sapagkat ito
ang gumagawa para sa kaunlaran ng bansa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa pambansang watawat ng Pilipinas?
Paggupit at pagtapak sa watawat.
Paggamit sa watawat bilang kasuotan.
Paglalagay ng watawat sa mga gusali na pagmamay-ari ng mga
banyaga.
Pagsasabit ng watawat ng Pilipinas sa iba’t-ibang gusali tuwing araw ng
kalayaan.
Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
TAMA
MALI
Marcha Nacional Filipina ang unang panglan ng ating pambansang awit.
TAMA
MALI
Ang sandatang Kris ay kilalang espada ng mga Kristiyano sa Mindanao.
TAMA
MALI
Ang baybayin ay isang halimbawa ng kulturang di-materyal.
TAMA
MALI
Ang bansang republikano ay pinamumunuan ng mga taong ibinoto o pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng eleksiyon.
TAMA
MALI
Ang tuwirang demokrasya ay may mga kinatawan sa pamahalaan ang mamamayan tulad ng kongresita at senador.
TAMA
MALI
Ang sangay ng ehekutibo ang pinakamataas na sangay ng
pamahalaan.
TAMA
MALI
Kapangyarihan ng pangulo ang gumawa ng badyet at magdeklara ng digmaan.
TAMA
MALI
Mas makabubuti sa bansa kung ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan ay mapupunta sa pangulo.
TAMA
MALI
Ang good governance ay ang paggamit ng kapangyarihan ng
namumuno sa pamahalaan para sa kabutihan ng mamamayan..
TAMA
MALI
