wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kahalagahan ng Buhay ng Tao

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?

a)

A. kilos - loob

b)

B. konsensiya

c)

C. pagmamahal

d)

D. Responsibilidad

2.

Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a)

A. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.

b)

B. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.

c)

C. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.

d)

D. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kaniyang kapitbahay na isinugod sa ospital.

3.

"Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod." Ano ang mensahe nito?

a)

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.

b)

B. Ang pagiging malaya ay nakabata sa kilos ng tao.

c)

C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.

d)

D. Ikaw ay malaya kapag naipapakita ang pagmamahal at paglilingkod.

4.

Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung _____

a)

A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba

b)

B. isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili

c)

C. gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob

d)

D. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang

5.

Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa_____.

a)

A. ito ang pinaka-tamang gawin

b)

B. naayon sa batas ng Diyos at ng tao

c)

C. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos

d)

D. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan

6.

Dahil sa kanya nagkaroon tayo ng intellect.

a)

kaluluwa

b)

espiritwalidad

c)

Diyos

7.

Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din sila.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at kinauukulan bago maniwala sa sinasabi ng iba.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama at pagmamahal sa bawat isa.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Bilang natatanging nilikha, mayroon tayong isip at kilos-loob na susi upang maging mapanagutan tayo sa ating mga kilos.

a)

TAMA

b)

MALI