wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

10 - Mga Isyung Moral Tungkol sa Paggalang sa Katotohanan

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sa pahayag ni Sister Felicidad Lipio tungkol sa “tahanan ng mga katoto,” (Dy, Manuel Jr.). Ibig sabihin, may kasama ako na makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Ito'y sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.

a)

Officious Lie

b)

Jocose Lie

c)

Pernicious Lie

d)

Lihim

3.

Ito ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat.

a)

Jocose Lie

b)

Officious Lie

c)

Lihim

d)

Mental Reservation

4.

Ito ay tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan.

a)

Jocose Lie

b)

Officious Lie

c)

Pernicious Lie

d)

Lihim

5.

Mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa.

a)

Natural Secret

b)

Promised Secret

c)

Committed or Entrusted Secret

d)

Mental Reservation

6.

Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito.

a)

Promised Secret

b)

Natural Secret

c)

Mental Reservation

d)

Committed or Entrusted Secret

7.

Ito'y naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.

a)

Natural Secret

b)

Promised Secret

c)

Committed or Entrusted Secret

d)

Mental Reservation

8.

Ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.

a)

Natural Secret

b)

Promised Secret

c)

Committed or Entrusted Secret

d)

Mental Reservation

9.

Ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.

a)

Mental Reservation

b)

Confidentiality

c)

Promised Secret

d)

Evasion

10.

Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban sa isa:

a)

Intellectual piracy

b)

Copyright infringement

c)

Theft

d)

Whistleblowing

11.

Ito ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon

a)

Whistleblowing

b)

Intellectual Piracy

c)

Theft

d)

Copyright Infringement

12.

Ito ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003).

a)

Copyright Infringement

b)

Theft

c)

Plagiarism

d)

Intellectual Piracy

13.

Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya?

a)

Prinsipyo ng Confidentiality

b)

Prinsipyo ng Intellectuality

c)

Prinsipyo ng Intellectual Honesty

d)

Prinsipyo ng Katapatan

14.

Matagal ng napansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpasa ng proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), dahil dito, nais niya itong kausapin upang mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama ba ang kaniyang gagawing desisyon?

a)

Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.

b)

Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase

c)

Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha

d)

Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa

15.

Matagal mo nang nais na panoorin ang bagong labas na pelikula na pinagbibidahan ng hinahangaan mong artista. Isang araw, mayroong nag-alok sa iyo ng kopya sa murang halaga lamang. Ikaw ay isang kasapi ng isang myembro sa paaralan na isinusulong ang Anti-Piracy. Ano ang gagawin mo?

a)

Bibilhin, dahil hindi rin naman malalaman ng mga kasama mo ang pagbili nito.

b)

Bibilhin, dahil sakto ang pera mo sa halagang inaalok sa iyo.

c)

Tatanggihan ang alok at isulong ang adbokasiya sa kampanya ng anti-piracy.

d)

Pag-iisipan muna ang gagawing pagbili ng kopya ng pelikula.