wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP QUIZ

Total questions: 86

Worksheet time: 43mins

Name
Class
Date
1.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, naging organisado ang sistema ng panaHanan ng mga sinaunang Pilipino.

a)

KOLONYALISMO

b)

REDUCCION

c)

DEMOKRASIYA

2.

Hindi sapilitang pinalipat ang mga Pilipinong naninirahan sa malayong pook papunta sa mga pueblo.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Dahil naipalaganap ang Kristyanismo (Katolisismo) sa bansa ay higit na naituro sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pamilya at maging ang gampanin ng bawat kasapi nito.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Sa ilalim ng reduccion, ano ang ipinatayo sa bawat pueblo o bayan?

a)

HOSPITAL

b)

PLAZA

c)

MANSION

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi matatagpuan sa pueblo o bayan?

a)

MANSION

b)

MUNISIPYO

c)

PAARALANG-BAYAN

d)

SIMBAHAN AT KUMBENTO

6.

Saan makikita ang mga bahay ng mayayaman at mga opisyal ng pamahalaan?

a)

PUEBLO

b)

POBLACION

c)

PALASYO

7.

Mula sa tahanang yari sa kahoy at pawid ay nagkaroon ng hindi kagandahang bahay na iba-iba ang yari.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Parte ng bahay kung saan tinatanggap ang mga bisita at kaniwang pinagpapahingahan ng mag-anak?

a)

ASOTEA

b)

SILID

c)

KUSINA

9.

Ilan ang antas sa lipunan noong panahon ng Espanyol?

a)

4

b)

5

c)

6

10.

Sino ang kinikilalang may pinakamataas na katayuan sa lipunan?

a)

INSULARES

b)

PENINSULARES

c)

MESTIZO

d)

PRINCIPALIA

11.

Ano ang tawag sa mga Espanyol na isinilang sa Espanya ngunit naninirahan sa Pilipinas?

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

12.

Ano ang tawag sa mga Espanyol na isinilang at naninirahan sa Pilipinas?

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

13.

Anong pangkat ng mga Espanyol ang nangunguna sa mga gawaing pampolitika, panrelihiyon, at pangkabuhayan ng bansa?

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

14.

Ito ay lahing nabuo dahil sa pag-aasawahan ng mga katutubong Pilipino at mga Espanyol.

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

15.

Kapantay ng mga mestizo noon ang mga Pilipinong kabilang sa angkan ng mga datu at maharlika.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ano ang tawag sa mga mayayamang mangangalakal o haciendero sa bansa?

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

17.

Sila ay kabilang sa mataas na antas sa lipunang nagtatamasa ng mga pribilehiyo at mga karapatan gaya ng paghawak ng katungkulan sa pamahalaang lokal at hindi sumasalilalim sa polo y servicios.

a)

PENINSULARES

b)

INSULARES

c)

PRINCIPALIA

d)

MESTIZO

18.

Pangkat na tagapangasiwa ng lupang hindi nila pag-aari.

a)

PRINCIPALIA

b)

INQUILINO

c)

INSULARES

d)

INDIO

19.

Ano ang tawag sa mga tao na itinuturing na pinakamababa sa antas ng lipunan na kakaunti lamang ang karapatang kanilang tinatamasa na madalas ay naabuso pa at napagwawalang-bahala.

a)

INQUILINO

b)

INSULARES

c)

INDIO

d)

MESTIZO

20.

Ang mga maharlika ang nakaranas ng sapilitang pagpapagawang ipinatupad ng mga Espanyol

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Ang mga insulares lamang ang itinuturing na Pilipino noon

a)

TAMA

b)

MALI

22.

Higit na tumaas ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan sa pamahalaang kolonyal

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Ano ang tawag sa paaralan ng mga kababaihan kung saan dito sila sinasanay magluto, manahi, at magburda upang maging mabuting ina at asawa.

a)

UNIBERSIDAD

b)

BEATERIO

c)

PAARALAN

d)

UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS

24.

Ano ang kauna-unahang aklat na inilimbag sa Pilipinas noong 1593

a)

Doctrina Christiana

b)

Doctrina Sophia

c)

Doctrina Levitica

25.

Ano ang regular na paaralan para sa mga kababaihan?

a)

KOLIHEYO

b)

BEATERIO

c)

UNIBERSIDAD

26.

Ano ang unang koliheyo para sa mga babae?

a)

COLEGIO DE SANTA POTENCIANA

b)

COLEGIO DE SANTA ISABEL

c)

COLEGIO DE SANTA ROSA

27.

Kailan itinatag ang Colegio de Santa Potenciana?

a)

1589

b)

1859

c)

1958

28.

Noong una, ang mga Pilipino ay walang karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Ang batas na ito ay tungkol sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko para sa kalalakihan at iba pang paaralang pampubliko para sa kababahian.

a)

Education Decree of 1863

b)

Clean-air Act

c)

Education Decree 2014

30.

Mayroong paaralan na magkasama ang mga kalalakihan at kababaihan sa panahon ng Espanyol

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Ilang taon tinatapos ang kurso sa pagka-Guro?

a)

4

b)

3

c)

2

32.

Ano ang kinikilalang pinakamatandang Kolehiyo ng mga babae sa ngayon?

a)

COLEGIO DE SANTA POTENCIANA

b)

COLEGIO DE SANTA ISABEL

c)

COLEGIO DE SANTA ROSA

33.

Sila ay binubuo ng mga manggagawa at mga magsasakang kakauti lamang ang mga tinatamasang karapatan at pribilehiyo

a)

KARANIWANG TAO

b)

MESTIZO

c)

PRINCIPALIA

34.

Ilang taon sinakop ng mga Espanyol ang bansang Pilipinas?

a)

333

b)

125

c)

6

d)

365

35.

Dahil sa pananakop ng Espanyol, hindi gaanong nahirapan ang mga Pilipino na umangkop sa mga pagbabago dahil sa naisalin satin na mga kulturang Espanyol.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Kulturang Materyal

a)

Kasuotan

b)

Pagkain

c)

Arkitektura

d)

Relihiyon

37.

Isa sa impluwensya ng mga Espanyol sa ating kasuotan ay ang pagsuot ng mga sombrero, salawal, pantalon, jacket at sapatos ang mga kalalakihan.

a)

TAMA

b)

MALI

38.

Natuto ang mga kababaihan na magsuot ng terno, palda, kamisang maluluwag ang manggas, gayundin ang paggamit ng sapatos, panwelo o alampay, at payneta.

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Pagluluto at pagkain ng mga putahe gaya ng mga menudo, puchero, estofado, embotido, asado, relleno, afritada, at iba pa.

a)

Kasuotan

b)

Pagkain

c)

Arkitektura

40.

Pagbabago ng estilo ng mga gusali at mga tahanan.

a)

Arkitektura

b)

Pagkain

c)

Kasuotan

41.

Gumamit ng mga bato, mga landrilyo, at matitigas na kahoy tulad ng mulawin at narra.

a)

KASUOTAN

b)

PAGKAIN

c)

ARKITEKTURA

42.

Kapansin-pansin ang estilong Baroque sa mga gusali.

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURAN DI-MATERYAL

43.

Pagkahilig sa mga pagkaing tulad ng leche flan, hamon, longganisa, tocino, chorizo, atsara, at sardinas

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURANG DI-MATERYAL

44.

Pag-inom ng kape, tsokolate, at serbesa

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURANG DI-MATERYAL

45.

Paggamit ng tinidor, kutsara, pinggan, at serbilyeta sa hapag-kainan

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURANG DI-MATERYAL

46.

Malimit na nakikita sa mga lumang simbahan, kumbento, at maging sa mga paaralang tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas

a)

ESTILONG BAROQUE

b)

ESTILONG AESTHETIC

c)

ESTILONG ESPANYOL

47.

Makikita sa matatandang bahay na yari sa bato ang mga asotea

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURANG DI-MATERYAL

48.

Paglaganap ng Kristyanismo (Katolisismo) sa buong kapuluan

a)

RELIHIYON

b)

PAGKAIN

c)

PAMAHALAAN

49.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kulturang di-materyal?

a)

RELIHIYON

b)

EDUKASYON

c)

KASUOTAN

d)

WIKA

50.

Pagdiriwang ng Pasko bilang pag-alala sa araw ng kapanganakan ni Hesus

a)

PAGBABAGO SA KULTURANG MATERYAL

b)

PAGBABAGO SA KULTURANG DI-MATERYAL

51.

Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya na pinamahalaan ng mga prayle o kura paroko kung saan ang pagututro ng relihiyon ang sentro ng pag-aaral

a)

EDUKASYON

b)

RELIHIYON

c)

PAMAHALAAN

52.

Sino ang nagtatag ng Colegio de San Ignacio noong 1590 na kasalukuyang kilala bilang Ateneo de Manila University.

a)

mga Heswita

b)

mga Amerikano

c)

mga Prayle

53.

Ano ang kauna-unahang pamantasang itinatag sa Maynila noong 1611?

a)

Unibesidad ng Santo Tomas

b)

Ateneo de Manila University

c)

De La Salle University

54.

Pagtatag ng pamahalaang sentralisado sa pinamunuan ng mga gobernador-heneral kung saan ang mga barangay ay pinagsama-sama upang gawing pueblo o bayan at ang pagsasama-sama naman ng mga bayan upang maging lalawigan

a)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

b)

RELIHIYON

c)

ARKITEKTURA

d)

EDUKASYON

55.

Pagtatayo ng plaza o liwasang-bayan sa bawat pueblo

a)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

b)

MUSIKA

c)

WIKA

d)

RELIHIYON

56.

Paggamit ng mga pangalang Kristyano tulad ng Juan, Maria, Carlos, at Juana

a)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

b)

WIKA

c)

PANGALANG ESPANYOL

d)

RELIHIYON

57.

Paglaganap ng wikang Espanyol sa bansa kung saan maraming salitang Espanyol ang naging bahagi na ng ating wika tulad ng mesa, silya, bintana, sabon, tasa, sibuyas, kutsilyo, at iba pa.

a)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

b)

WIKA AT PANITIKAN

c)

RELIHIYON

d)

PANGALANG ESPANYOL

58.

Pagsulat ng mga tula, kwento, nobela, at iba pang mga akda sa wikang Espanyol.

a)

WIKA AT PANITIKAN

b)

RELIHIYON

c)

MUSIKA

d)

PANGALANG ESPANYOL

59.

Ano ang tawag sa listahan ng mga apelyidong Espanyol na ipinalabas ni Gobernador-Heneral Marciso Claveria noong 1849?

a)

Catalogo Alfabetico de Apellidos

b)

Doctrina Christiana

c)

El Filibusterismo

60.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nobelang naisulat ni Jose Rizal sa wikang Espanyol?

a)

Noli me Tangere

b)

El Filibusterismo

c)

Ibong Adarna

61.

Sino ang sumulat ng Noli me Tangere at El Filibusterismo?

a)

Jose Rizal

b)

Andres Bonifacio

c)

Jose Palma

62.

Ano ang layunin ng mga akda ni Jose Rizal para sa mga Pilipino?

a)

IMULAT ANG MGA PILIPINO SA PAGMAMALABIS NG MGA ESPANYOL

b)

PARA MAGING ALIPIN ANG MGA PILIPINO NG MGA ESPANYOL

c)

PARA MAGING MAGALING NA TRABAHADOR ANG MGA LALAKI

63.

Pagkahilig ng mga Pilipino sa pagsulat ng mga awit, korido, at pasyon

a)

WIKA AT PANITIKAN

b)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

c)

PANGALANG ESPANYOL

64.

Si Francisco Balagtas ang tinaguriang "prinsipe ng makatang tagalog"

a)

TAMA

b)

MALI

65.

Tanyag na halimbawa ng awit ay ang Florante at Laura na inaawit nang andante o marahan

a)

TAMA

b)

MALI

66.

Pagpapakilala sa mga Pilipino ng mga dulang Kanluranin tulad ng sarsuwela, moro-moro, at senakulo.

a)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

b)

WIKA AT PANITIKAN

c)

MUSIKA, SAYAW AT SINING

67.

Ito ay dulng may salitaan, awitan, at sayawang may romantikong istorya

a)

SARSUWELA

b)

MORO-MORO

c)

SENAKULO

68.

Ito ay dulang tungkol sa lamabanan ng mga muslim at kristyano

a)

SARSUWELA

b)

SENAKULO

c)

MORO-MORO

69.

Ito ay dulang may kinalaman sa buhay ni Kristo

a)

SENAKULO

b)

SARSUWELA

c)

MORO-MORO

70.

Pagkatuto ng mga Pilipino ng mga sayaw na Espanyol tulad ng fondango, rigodon de honor, curacha, habanera, jota, at carinosa.

a)

MUSIKA, SAYAW, AT SINING

b)

WIKA AT PANITIKAN

c)

PAMAHALAAN AT PAMAYANAN

71.

Sino ang nagpinta ng La Barca de Aqueronte

a)

Juan Luna

b)

Felix Resurreccion

72.

Sino ang sumulat ng Florante at Laura?

a)

Dolores Paterno

b)

Francisco Balagtas

c)

Jose Rizal

73.

Siya ang lumikha ng himig ng Lupang Hinirang

a)

Dolores Paterno

b)

Julian Felipe

74.

Sumulat ng awiting Sampaguita

a)

Dolores Paterno

b)

Julian Felipe

75.

Siya ang nagpinta ng Spoliarium

a)

Juan Luna

b)

Felix Resurreccion Hidalgo

76.

Nag-utos na gumamit ng apelyido ang mga Pilipino

a)

Narciso Claveria

b)

Jose Rizal

77.

Tawag sa ayos ng pamayanan noon

a)

senakulo

b)

plaza complex

78.

Isa sa negatibong epekto ng kulturang Espanyol ay ang positibong pagpapahalaga sa buhay tulad ng manana habit, ningas-kugon at iba pa.

a)

TAMA

b)

MALI

79.

Tawag sa pagpapaliban sa isang gawaing maaari namang gawin ngayon o sa lalong madaling panahon.

a)

MANANA HABIT

b)

NINGAS KUGON

80.

Pag-uugaling namana sa mga Espanyol kung saan magaling lamang sa umpisa

a)

MANANA HABIT

b)

NINGAS KUGON

81.

Natuto ang mga Pilipino ng iba't ibang bisyo

a)

TAMA

b)

MALI

82.

Isa sa negatibong epekto ng kulturang Espanyol ay ang pagkahilig sa magagarbo at maluluhong handaan at kasayahang humahantong sa labis na paggastos

a)

TAMA

b)

MALI

83.

Ano ang pinakamalaking impluwensya ng Espanyol sa ating kultura?

a)

KRISTYANISMO (KATOLISISMO)

b)

WIKA

84.

Tulang pasalaysay na binubuo ng walong pantig

a)

AWIT

b)

KORIDO

85.

Tulang pasalaysay na binubuo ng 12 na pantig sa bawat linya

a)

AWIT

b)

KORIDO

86.

Kakaunti lamang ang naging impluwnesya ng mga Espanyol sa ating kultura

a)

TAMA

b)

MALI