WorksheetsFILIPINO
Total questions: 62
Worksheet time: 31mins
Ito ay bahagi ng pananalitang tumuturing sa pangngalan at panghalip panao. Salitang naglalarawan ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
PANG-URI
PANG-ABAY
PANG-UGNAY
Alin sa sumusunod na salita ang PANG-URI?
Masarap magluto ng Caldereta si Makmak.
MASARAP
MAGLUTO
CALDERETA
Alin sa mga sumusunod na salita ang PANG-URI?
Masayang naglalakbay sa kabundukan ang dalawang magkaibigan.
MAGKAIBIGAN
KABUNDUKAN
MASAYA
Ilan ang kaantasan ng Pang-uri?
1
2
3
Kaantasan ng pang-uri na nagpapakita ng pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa katangian.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Anong kaantasan ng pang-uri ang pangungusap?
Masarap ang ulam na niluto ni nanay.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Anong kaantasan ng pang-uri ang makikita sa pangungusap?
Naglalaro nang masaya ang mga bata sa plaza.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Kaantasan ng pang-uri na pinaghahabing ang katangian ng dalawang pangalan o panghalip
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Ito ay ginagamit kapag magkapareho ang katangian ng pinaghahambing. GInagamitan ito ng mga unlaping magkasing-, sing-, o kasing-
PAHAMBING NA MAGKAPAREHO
PAHAMBING NA HINDI MAGKAPAREHO
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri ng pangungusap:
Magkasintangkad si Prince at Makmak.
PAHAMBING NA MAGKAPAREHO
PAHAMBING NA HINDI MAGKAPAREHO
PASUKDOL
LANTAY
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap:
Kasinlawak ng silid ko ang aming banyo.
PAHAMBING NA MAGKAPAREHO
PAHAMBING NA HINDI MAGKAPAREHO
LANTAY
PASUKDOL
Ito ay ginagamit kapag hindi magkapareho ang katangian ng pinaghahambing. Ginagamitan ito ng salitang mas, higit na, di-gaano, kaysa sa, o kay
PAHAMBING NA MAGKAPAREHO
PAHAMBING NA HINDI MAGKAPAREHO
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na matatagpuan sa pangungusap:
Mas madali ang paglalaro ng chess kaysa sa pag-aaral ng FIlipino.
LANTAY
PAHAMBING NA MAGKAPAREHO
PAHAMBING NA HINDI MAGKAPAREHO
PASUKDOL
Kaantasan ng pang-uri kung saan ang katangian ng pangngalan o panghalip kung saan ito ay namumukod o katangi-tangi sa lahat
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Ginagamitan ito ng mga unlaping pinaka-, napaka-, o kay-
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri ang matatgpuan sa pangungusap:
O kay ganda ng iyong mga mata.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri ang matatagpuan sa pangungusap:
Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri na matatagpuan sa pangungusap:
Kamangha-mangha ang ipinakitang talento ni Myrna.
LANTAY
PAHAMBING
PASUKDOL
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o sa kapwa pang-abay
PANG-URI
PANG-ABAY
PANG-UGNAY
Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap:
Umalis kanina ang mag-anak para pumunta sa dagat.
Umalis
kanina
pumunta
Ano ang binibigyang turing ng pang-abay na "mamaya" sa pangungusap?
Kukunin ni Andrew ang kaniyang libro sa kaniyang bahay.
Kukunin
Andrew
bahay
Tukuyin ang PANG-ABAY na ginamit sa pangungusap:
Masayang sinalubong ni Reyna si Makmak galing sa paaralan.
sinalubong
Reyna
Masayang
Anong bahagi ng pananalita ang binibibigyang turing ng pang-abay na"masaya"?
Masayang sinalubong ni Reyna si Makmak galing sa school.
PANDIWA
PANG-URI
PANGNGALAN
Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap:
Higit na maganda ang iyong mga ngiti.
HIGIT
MAGANDA
NGITI
Anong bahagi ng pananalita ang binibigyang turing ng pang-abay?
Higit na maganda ang iyong ngiti.
PANG-URI
PANDIWA
PANG-ABAY
Uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na PAANO?
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Uri ng PANG-ABAY na sumasagot sa tanong na KAILAN?
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Uri ng PANG-ABAY na sumasagot sa tanong na SAAN?
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Ang pang-abay na ito ay naglalarawan kung paano naganap, nahahagap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Gumagamit ng panandang nang o na/ng.
PANG-ABAY NA PAMARAAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Anong uri ng PANG-ABAY ang makikita sa pangungusap?
Natulog nang mahimbing si Makmak sa klase.
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Anong uri ng PANG-ABAY ang makikita sa pangungusap?
Pumunta si Julia sa bahay ni Mason nang umiiyak.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Anong uri ng PANG-ABAY ang makikita sa pangungusap?
Umalis si Makmak na nagmamadali.
PANG-ABAY NA PAMARAAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAT NA PANLUNAN
Ang pang-abay na ito ay naglalarawan kung saan naganap o magaganap o gaganapin ang kilos o pandiwa.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
Pupunta kami sa munisipyo para kumain.
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Ano ang uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
Bibisita si Makmak kina Kean pagkatapos nito mag-aral.
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Ang pang-abay na ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PAMARAAN
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
Binibisita ni Makmak si Reyna tuwing hapon.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Ano ang uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
Kanina ay pumunta si Mason sa bahay ni Kean.
PANG-ABAY NA PAMARAAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
PANG-URI
PANG-ABAY
PANG-UGNAY
Alin sa sumusunod ang hindi kumakatawan sa pang-ugnay?
PANG-ANGKOP
PANG-UKOL
PANGATNIG
PANGNGALAN
Ito ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita para maging kaaya-aya ang pagbikas at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
PANG-ANGKOP
PANG-UKOL
PANGATNIG
Anong pang-angkop ang nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N
NA
NG
G
Saan idinudugtong ang pang-angkop na "NA" ?
kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik N
kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa patinig
kapag ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig na N
Anong pang-angkop ang isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig o vowel?
NG
NA
G
Anong pang-angkop ang gingamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig na N
NG
NA
G
Anong pang-ugnay ang makikita sa pangungusap?
Madilim na kwarto ang pinasukan ni Mason
PANG-ANGKOP
PANGATNIG
PANG-UKOL
Anong pang-ugnay ang makikita sa pangungusap?
Ang ibon ma'y malayang lumipad.
PANG -ANGKOP
PANG-UKOL
PANGATLIG
Ito ang mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
PANG-ANGKOP
PANG-UKOL
PANGATNIG
Anong pang-ukol ang ginagamit sa tanging tao tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay, at iba pa.
PANGNGALANG PANTANGI
PANGNGALANG PAMBALANA
Anong pang-ukol ang tumutukoy sa lahat ng uri ng pangngalan, at ginagamitan ng mga pang-ukol na laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, at para sa.
PANGNGALANG PANTANGI
PANGNGALANG PAMBALANA
Tukuyin ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.
Dahil kay Makmak kaya natulog agad si Kean.
PANGNGALANG PANTANGI
PANGNGALANG PAMBALANA
Tukuyin ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap:
Binigay ni Julia ang kaniyang mga damit para sa mga mahihirap na bata.
PANGNGALANG PANTANGI
PANGNGALANG PAMBALANA
Ito ay nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon
PANGATNIG NA PAGDARAGDAG
PANGATNIG NA PAMUKOD
PANGATNIG NA PANALUNGAT
PAGBIBIGAY KONDISYON
PAGBIBIGAY SANHI
Ito ay pang-ugnay na ginagamit bilang panandang pandiskurso, nagbibigay linaw, at nag-uugnay ng mga kaisipan
PANGATNIG
PANG-UKOL
PANG-ANGKOP
Ito ay nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon
PAGDARAGDAG
PAMUKOD
PAGSALUNGAT
Anong uri ng pangatnig ang nasa pangungusap?
Si Makmak gayundin si Mason ay nagbabike sa labas.
PAGDARAGDAG
PAMUKOD
PAGSALUNGAT
Ito ay pangatnig na ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.
PAGDARAGDAG
PAMUKOD
PAGSALUNGAT
Tukuyin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap:
Ang kumain ng tsokolate ay maaaring si Makmak o si Mason.
PAGDARGDAG
PAMUKOD
PAGSALUNGAT
Pangatnig na ginagamit kung nagsasaad ng pagkontra o pagtutol
PAGDARAGDAG
PAMUKOD
PAGSALUNGAT
Ano ang pangatnig na nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
PAGDARAGDAG
PAMUKOD
PAGBIBIGAY KONDISYON
Tukuyin ang uri ng pangatnig na matatagpuan sa pangungusap:
Masasagutan mo ang iyong aralin basta nag-aral ka.
PAGBIBIGAY KONDISYON
PAGBIBIGAY SANHI
PAMUKOD
Ito ay uri ng pangatnig na nag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay katuwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
PAGBIBIGAY KONDISYON
PAGBIBIGAY SANHI
PAGDARAGDAG
