Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SS 3rd quarter review test

Total questions: 94

Worksheet time: 1hrs 7mins

Name
Class
Date
1.

Ay isang suliraning pandaigdig. Masasabing ang lahat ng mga bansa at mga tao sa mundo ay hindi ligtas sa karahasang maaaring idulot ng mga terorista.

Ayon kay Bruce Hoffman (1998), isang political analyst, ang ___ ay tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng karahasan o pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng pagbabagong politikal.

a)

Terorismo

b)

Terorismong etniko (ethnic terrorism)

c)

Terorismong pang-ideolohiya

d)

Religious fanaticism

2.

Ayon kay Byman (2002), ang ___ ay naiiba sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o kaunlarang pang-ekonomiya. Naniniwala siya na malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa terorismo ngunit naiiba rito ang terorismong etniko. Sinasabi niyang ang mga etnikong terorista ay kadalasang mas makabayan at madaling makabuo ng pambansang pagkakakilanlan (national identity) kaysa sa mga teroristang makarelihiyon.

a)

Terorismo

b)

Terorismong etniko (ethnic terrorism)

c)

Terorismong pang-ideolohiya

d)

Religious fanaticism

3.

Ayon kay Manalo (2004), ang ___ ay batay sa mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan. Maaaring ang kanilang ideolohiya ay may kinalaman sa relihiyon o sa politika. Layunin ng mga pangkat na ito na magkaroon ng pagkakaisa ang kanilang mga kasapi at makipag-ugnayan sa mga komunidad na susuporta sa kanilang mithiin.

a)

Terorismo

b)

Terorismong etniko (ethnic terrorism)

c)

Terorismong pang-ideolohiya

d)

Religious fanaticism

4.

Sinabi naman ni Ranstorp (2000) na ang ___ ay isa sa mga pinakamatinding motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng maraming kultong Muslim, Hudyo, at Hapon. Sabi niya, ang makarelihiyong terorismo ay isang uri ng karahasang politikal na itinutulak ng krisis-espiritwal o kaya ay reaksiyon sa mga pagbabago sa lipunan at politika.

a)

Terorismo

b)

Terorismong etniko (ethnic terrorism)

c)

Terorismong pang-ideolohiya

d)

Religious fanaticism

5.

nagbibigay utos sa kanilang mga kasapi.

direkta rin silang kasali sa mga gawain ng kanilang pangkat.

a)

Liderato

b)

Mga Kasapi

c)

Ang Sentro ng Grupong Terorista

d)

Pondo

6.

nagpapalakas sa organisasyon. 

nagpapalit sa mga miyembrong nadadakip, napapatay, o lumilisan.

a)

Liderato

b)

Mga Kasapi

c)

Ang Sentro ng Grupong Terorista

d)

Pondo

7.

Gumagamit ang mga pangkat terorista ng tinatawag na command and control network. Dito sila nagpaplano at nag-oorganisa para sa mga isinasagawang pag-atake. Labis nilang binibigyan ng proteksiyon ang kanilang pugad at mga galamay. Hindi nila pinahihintulutang basta-basta.

a)

Liderato

b)

Mga Kasapi

c)

Ang Sentro ng Grupong Terorista

d)

Pondo

8.

nakukuha nila ito dahil sa kidnapping at mga koneksiyon sa ibang grupo.

a)

Liderato

b)

Mga Kasapi

c)

Ang Sentro ng Grupong Terorista

d)

Pondo

9.

Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang karapatang ito ay likas at wagas para sa lahat. Halimbawa nito ay ang mabuhay nang puspos; ang magkaroon ng sariling pangalan, identidad o pagkakakilanlan, at dignidad; at ang paunlarin ang iba't ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng pisikal, mental, at espiritwal.

a)

Karapatang Likas o Natural

b)

Karapatang Ayon sa Batas

c)

Constitutional Rights

d)

Statutory Rights

10.

Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa. Maaaring baguhin, dagdagan, o alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa Konstitusyon.

a)

Karapatang Likas o Natural

b)

Karapatang Ayon sa Batas

c)

Constitutional Rights

d)

Statutory Rights

11.

Ito ang mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas. Halimbawa nito ang karapatang tumanggap nang hindi bababa sa itinakdang sahod o minimum wage, karapatang magmana ng mga pag-aari, at karapatang makapag-aral nang libre.

a)

Karapatang Likas o Natural

b)

Karapatang Ayon sa Batas

c)

Constitutional Rights

d)

Statutory Rights

12.

Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng lugar na titirahan, at karapatan laban sa diskriminasyon. Kabilang din dito ang karapatang maging malaya at makapaglakbay

a)

Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights)

b)

Karapatang Pampolitika

c)

Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan

d)

Karapatang Pangkultura

13.

Kinakatawan nito ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno at proseso ng pamamahala sa bansa gaya ng pagboto, pagkandidato sa eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno, at pagiging kasapi ng anumang partidong politikal.

a)

Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights)

b)

Karapatang Pampolitika

c)

Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan

d)

Karapatang Pangkultura

14.

Nagpapatungkol ito sa mga karapatan sa pagpili, pagpupursige, at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay, at disenteng pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan, at nagustuhang karera. Naglalaman ito ng karapatan na magkaroon ng ari-arian, maging mayaman, at gamitin ang yaman at ari-arian sa anumang nais basta't ito ay naayon sa batas.

a)

Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights)

b)

Karapatang Pampolitika

c)

Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan

d)

Karapatang Pangkultura

15.

Nakapaloob dito ang karapatan na makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi, at pag-uugali. Karapatan ng tao na ipakita sa iba ang katangian ng kinalakihang kultura bilang bahagi ng isang grupo, tribo, o lahi na iniingatan ang mga tradisyong nakagawian hangga't ang mga ito ay sakop ng saligang batas.

a)

Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights)

b)

Karapatang Pampolitika

c)

Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan

d)

Karapatang Pangkultura

16.

Pinangangalagaan nito ang mga taong akusado o nasasakdal sa anumang paglabag sa batas. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang karapatan sa pagpapalagay na siya ay walang sala hangga't hindi napatutunayan ang kasalanan at may karapatan laban sa di-makataong parusa.

a)

Karapatang Pampolitika

b)

Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan

c)

Karapatang Pangkultura

d)

Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal (Rights of the Accused)

17.

Dahil sa pagkilala sa kahalagahan ng mga kabataan sa pagbuo ng bansa, ang kanilang kagalingan ay itinataguyod ng ating pamahalaan.

a)

Karapatan ng mga Bata

b)

Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

c)

Pribilehiyo

d)

Pangangalaga sa mga Indigenous People

18.

Karapatang makaboto.

Karapatang manatiling mamamayan ng Pilipinas kahit na nakapag-asawa ng dayuhan maliban lamang kung kaniyang itatakwil ang kaniyang pagkamamamayan.

Karapatang makapagtrabaho.

Karapatang makapag-aral.

Karapatang magplano ng pamilya (family planning) .

Karapatang pangalagaan ang mga anak.

a)

Karapatan ng mga Bata

b)

Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

c)

Karapatan

d)

Pribilehiyo

19.

Ay ang angking kaya na kaloob sa atin ng Diyos at iba't ibang batas upang maging maligaya ang ating pamumuhay

a)

Karapatan ng mga Bata

b)

Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

c)

Karapatan

d)

Pribilehiyo

20.

Ay espesyal na konsidersyon o advantage na nakapaloob sa isang tao o grupo

a)

Karapatan ng mga Bata

b)

Karapatan ng Kababaihan sa Lipunang Pilipino

c)

Karapatan

d)

Pribilehiyo

21.

Ang bawat isang katutubo ay may mga karapatan na mabuhay at magkaroon ng karangalang pisikal at mental, kalayaan at katiyakang pansarili.

Ang mga katutubo ay may karapatan na kolektibong mamuhay nang malaya, tahimik at ligtas bilang mga natatanging tao at hindi dapat isailalim saanumang paglipol o anumang marahas na hakbang, kabilang na ang sapilitang paghihiwalay sa mga anak ng isang grupo papunta sa ibang grupo.

a)

Pangangalaga sa mga Indigenous People

b)

Pisikal na Paglabag

c)

Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

d)

Estruktural o Sistematikong Paglabag

22.

May mga magulang, guro, at iba pang matatanda ang nananakit at nagpapataw ng mabigat na parusa sa pag-aakalang ito ay mabisang paraan ng pagdidisiplina. Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Ang pagdukot, kidnapping, pambubugbog gaya ng hazing, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil ng buhay ay mga pisikal na paglabag.

a)

Pangangalaga sa mga Indigenous People

b)

Pisikal na Paglabag

c)

Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

d)

Estruktural o Sistematikong Paglabag

23.

Ang pag-aaway ng mag- asawa, magkamag-anak, o magkaibiganna nauuwi sigawan at pagbibitaw ng masasakit o malulupit na salita ay maituturing na sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang pantao.

a)

Pangangalaga sa mga Indigenous People

b)

Pisikal na Paglabag

c)

Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

d)

Estruktural o Sistematikong Paglabag

24.

Mga serbisyo ang ating pamahalaan na hindi naipararating sa mahihirap na mamamayan na naninirahan sa mga probinsya dahil ang mga lugar na ito ay mahirap marating. Ang mga ito ay nalalasap lamang ng mga lungsod at sentro ng pamahalaan.

a)

Pangangalaga sa mga Indigenous People

b)

Pisikal na Paglabag

c)

Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

d)

Estruktural o Sistematikong Paglabag

25.

May mga magulang na nang-aabuso at nananakit ng kanilang sariling anak.

a)

Mga magulang at nakatatanda

b)

Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid

c)

Mga kawani, opisyal, at pinuno

d)

Mga kriminal

26.

Masakit mang isipin subalit maging ang mga taong malapit sa atin tulad ng ating mga kamag- anak at kaibigan na ating pinagkakatiwalaan ay maaari din tayong saktan at gawan ng masama.

a)

Mga magulang at nakatatanda

b)

Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid

c)

Mga kawani, opisyal, at pinuno

d)

Mga kriminal

27.

May mga tauhan at pinuno ang pamahalaan na nang-aabuso sa kanilang tungkulin at sa mga karapatan ng taumbayan. Dahil sa kanilang pansariling interes, nalalabag nila ang mga karapatan ng mga mamamayan.

a)

Mga magulang at nakatatanda

b)

Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid

c)

Mga kawani, opisyal, at pinuno

d)

Mga kriminal

28.

May mga taong nagnanakaw ng mga ari-arian ng iba. Mayroon ding mga nananakit at pumapatay dahil sa masasamang intensiyon o layunin.

a)

Mga magulang at nakatatanda

b)

Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid

c)

Mga kawani, opisyal, at pinuno

d)

Mga kriminal

29.

May mga samahang naglalayong pabagsakin ang ating bansa. Ang ilan dito ay ang mga samahang Abu Sayyaf at New People's Army. Sila umano ay pumapatay at nagpapasabog ng bomba kung saan-saan upang lumikha ng kaguluhan, takot, at tensiyon sa lipunan. Sa kabilang dako, sinasabing ginagawa nila ito para ipaglaban ang kanilang karapatang magkaroon ng kalayaan sa mapang-abusong pamahalaan at magtatag ng sariling pamahalaan.

a)

Mga kamag-anak, kaibigan, at ibang tao sa paligid

b)

Mga kawani, opisyal, at pinuno

c)

Mga kriminal

d)

Mga terorista at mga samahang laban sa bansa

30.

tumutukoy sa panlipunang konstruksiyon ng mga gampanin o roles, pag-uugali o asal, aktibidad at katangian na naaayon o naaangkop para sa isang lalaki o babae. (hal. Ang naitakda ng lipunan na pagkalalaki o pagkababae).

ito ay katangiang kultural at hindi nakukuha sa kapanganakan kundi isang pagkakakilanlang nakamit.

ito ang inaasahang pag-iisip at pamantayan sa pagkilos, pag-uugali at asal ng isang babae o lalaki sa iba’t ibang sitwasyon (mga gampanin at gawain, karapatan, limitasyon ng mga tao na itinalaga ng lipunan).

(Hal. Ang mga lalaki ang malakas, may kapusukan o agresyon, dominante at ang mga babae naman ay inuugnay sa pagiging mahina, palasunod lamang at nagpapasailalim sa mga kalalakihan) at ito ang humuhubog kung paano sila makikipag-interasksyon sa lipunang kinabibilangan.

a)

Gender

b)

Sekswalidad

c)

Sex

d)

Intersex

31.

ang kapasidad ng tao na magkaroon ng sexual feelings o pakiramdam na seksuwal na iniuugnay sa pagkakakilanlan, atraksiyon, karanasan na maaaring hindi naaayon sa sex at gender ngunit hindi nangangahulugan na ito ay tungkol sa pakikipagtalik lamang.

a)

Gender

b)

Sekswalidad

c)

Sex

d)

Intersex

32.

biyolohikal na katangian lamang na nagtatakda sa mga tao bilang babae at lalaki.

tumutukoy sa permanente at hindi na mababagong katangiang biyolohikal na nakabatay sa anatomiyang pisikal at pisyolohikal na nakukuha sa kapanganakan at maituturing magkakatulad sa lahat ng lipunan at kultura (hal. Genitalia, facial hair, gampaning pang-reproduksiyon (pagkakaroon ng regla at panganganak ng mga babae samantalang ang lalaki ay hindi) samantalang ang mga lalaki ay may higit na massive bones kaysa sa mga babae).

a)

Gender

b)

Sekswalidad

c)

Sex

d)

Intersex

33.

mga taong may hindi maipaliwanag na kasarian kung saan ang kanilang sexual anatomy (genitalia, reproductive organs at chromosome patterns ay hindi tugma sa karaniwang babae o lalaki

a)

Gender

b)

Sekswalidad

c)

Sex

d)

Intersex

34.

atraskiyong seksuwal, romantiko, emosyonal sa kasalungat o opposite sex

a)

Heterosexuality

b)

Homosexuality

c)

Bisexual

d)

Asexual

35.

atraskiyong seksuwal, romantiko, emosyonal sa kaparehas/katulad na kasarian (gay at lesbian)

a)

Heterosexuality

b)

Homosexuality

c)

Bisexual

d)

Asexual

36.

atraskiyong seksuwal, romantiko, emosyonal sa parehas na babae at lalaki

a)

Heterosexuality

b)

Homosexuality

c)

Bisexual

d)

Asexual

37.

taong walang anumang atraskiyong seksuwal, romantiko, emosyonal sa kahit ano mang kasarian.

a)

Heterosexuality

b)

Homosexuality

c)

Bisexual

d)

Asexual

38.

kapag ang biyolohikal na kasarian na nakuha sa kapanganakan ay tugma sa kanyang gender identity

a)

Cis-gender

b)

Transgender

c)

Trans-man

d)

Trans-woman

39.

hindi nagtutugma ang gender identity sa itinakdang kasarian sa kapanganakan.

a)

Cis-gender

b)

Transgender

c)

Trans-man

d)

Trans-woman

40.

ipinanganak bilang babae ngunit may gender identity ng pagkalalaki

a)

Cis-gender

b)

Transgender

c)

Trans-man

d)

Trans-woman

41.

ipinanganak bilang isang lalaki ngunit may gender identity ng pagkababae

a)

Cis-gender

b)

Transgender

c)

Trans-man

d)

Trans-woman

42.

kapag nagkaroon na ng interbensiyong medical tulad ng Sex Re-assignment Surgery o Hormone Therapy

a)

Transgender

b)

Trans-man

c)

Trans-woman

d)

Transsexual

43.

ay kilala rin bilang kabilang ng LGBTQ Community na nangangahulugang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender at Queer

a)

transgender

b)

Bigender

c)

Agender

d)

Trans-woman

44.

may gender identity na pinagsama/ parehong pagkalalaki o pagkababae

a)

Transsexual

b)

transgender

c)

Bigender

d)

Agender

45.

mga taong ang pakiramdam na sila ay “ungendered” o walang gender identity (may identity crisis)

a)

Transsexual

b)

transgender

c)

Bigender

d)

Agender

46.

May mga bansang nagbabawal sa mga kababaihan na magmaneho ng sasakyan at ang sinumang mahuling nagkasala o nagtangkang sumuway ay maaaring makulong at magmulta.

a)

tama

b)

mali

47.

Pagpapalaganap ng Mass Media ng gender stereotypes na nakabatay sa patriarka at pagturing na minorya ng mga babae mapa-pelikula; programa sa tv at radyo, anunsyo o advertisements ng mga kalakal at serbisyo. Nagiging sexual objectification ang mga kababaihan na itinuturing bilang kasangkapan lamang sa kaligayahang sexual upang mas madaling makabenta ng produkto

a)

tama

b)

mali

48.

Pagpapasakop ng mga babae sa kanilang asawang lalaki katulad ng pagpapalit ng apelyido ng babae alinsunod sa apelyido ng napangasawa o maging ang pagsunod ng apliyido ng ama sa para sa anak.

a)

tama

b)

mali

49.

Maging sa batas katulad ng pagtataksil sa asawa. Sa parehong krimen, magkaiba ang mga hinihinging kondisyon bilang ebidensiya sa pagkakasala at bigat ng parusa para sa babae at lalaki, kung saan pinapayagan ng batas na ito ay ang pagkiling sa mga lalaki

a)

tama

b)

mali

50.

Tumutukoy sa kakayahan na matukoy ang mga isyu atb problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender

Ito ay pagiging responsive (paghanap ng solusyon), perceptive (pagpoproseso ng sitwasyon bago magpasiya at receptive (pagiging bukas sa mga bagong ideya) sa mga pangangailangan at isyu ng kapwa babae at lalaki)

(a)  

51.

Tumutukoy sa pagpaplano sa pagkakaiba ng gampanin at pangangailangan babae at lalaki sa lipunan tulad ng konstruksiyon ng mga palikuran sa mga gusali na hindi lamang para sa mga babae at lalaki kundi para rin sa LGBTQ at saq pangangaila-ngan ng mga nanay ng lactation room para sa pagpapasuso ng mga sanggol sa mall, at iba pang pampublikong lugar

(a)  

52.

Tumutukoy sa mga patakaran, kasangkapan, programa, serbisyo at aksiyon na tumutugon sa posisyong hindi katanggap-tanggap ng mga kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng may pagkiling at pagsang-ayon aksiyon.

Ang mga hakbang na may pagkiling sa mga babae ay hindi dapat ituring na “discriminatory” sapagkat ang mga ito ay panandalian lamang para mapabilis ang pagkamit ng “de facto equality” sa pagitan ng babae at lalaki, at dapat ng itigil ang mga ito kapag nakamit na ang mga layunin ng pagkakapantay sa oportunidad at pagtrato sa pagitan ng mga babae at lalaki

(a)  

53.

Tumutukoy pantay na representasyon ng babae at lalaki sa isang partikular na lugar

Itinuturing na isa sa mga mahahalagang hakbang tungo sa gender equality

(a)  

54.

Tumutukoy sa pagpapalawak sa kakayahan o abilidad ng mga babae na gumawa ng estratehikong pagpapasya sa buhay sa konteksto kung saan ang mga nasabing kakayahan ay dating naipagkait sa kanya dahil sa pagiging babae

(a)  

55.

Tumutukoy sa mga estratehiya upang maisama ang mga alalahanin at karanasan ng mga babae at lalaki bilang integral na bahagi ng mga bagay-bagay.

Layunin nito ang mga sumusunod:

Makapagpatupad ng mga proyekto at programa hindi nagpapatibay sa hindi pagkakapantay-pantay

Matugunan ang mga umiiral na gender inequalities

Mabigyan ng bagong kahulugan ang mga gampanin at ugnayan ng mga babae at lalaki

(a)  

56.

Tumutukoy sa kakayahan o abilidad na matukoy ang mga problemang umusbong mula sa gender inequality at gender , kahit discrimination kahit na ang mga ito ay mahirap makita sa panlabas o sadyang nakatago

(a)  

57.

Tumutukoy sa pamamaraan ng pagtingin o pagsusuri kung saan binibigyang pansin ang impact ng gender sa mga tgao particular sa mga oportunidad, gampaning panlipunan at interasksiyon

Nagsasagawa ng gender analysis (metodolohiya ng agham panlipunan sa pagsusuri ng mga bahay na may kinalaman sa kasarian) upang maisali ito sa mga panukalang programa, polisiya o organisasyon

(a)  

58.

Tumutukoy sa perspektibong pangkaunlaran at proseso para masiguro ang pagiging malaya sa karahasan. May paggalang sa mga karapatang pantao na may pagsuporta sa kakayahang kumilos ng malaya.

Pinanindigan nito na ang mga babae ay aktibong kalahok o ahente ng kaunlaran maging sa mga prosesong pulitikal para mapalakas ang kanilang mga legal na Karapatan

(a)  

59.

Tumutukoy sa mga tao, polisiya o institusyon na hindi kumikilala sa gender bilang mahalagang tagapagtakda sa mga pagpapasiya sa buhay na iniaalok ng lipunan.

Halimbawa nito ay ang recruitment o promosyon sa trabaho ay hindi kaso ang pagiging babae o lalaki, kundi ang personalidad at kakayahan ang dapat maging klasipikasyon at pamantayan

(a)  

60.

nagsasaad ang pagkilala ng estado sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagbuo ng bansa 

Inaatasan ang estado dapat siguraduhin ang pagpapatibay at pag-iral ng batas sa pagpapatupad ng saligang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki

a)

Artikulo II, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

b)

Artikulo XIII, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

c)

Republic Act No. 9262

d)

Republic Act 9710

61.

Dapat pangalagaan ng estado ang kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng ligtas at na mga kalagayan sa pagtatrabaho na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataong nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensiyal sa paglilingkod sa bansa.

a)

Artikulo II, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

b)

Artikulo XIII, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

c)

Republic Act No. 9262

d)

Republic Act 9710

62.

Kilala bilang (Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004)

Nagdedeklara ng pagkakasala laban sa madla(public offense) ang pang-aabuso sa kababaihan at sa kanyang mga anak,kumikilala sa batas ng battered woman syndrome at humihingi ng protection orders sa hukuman at punong barangay upang mahadlangan ang patuloy na pang-aabuso sa kababaihan at sa kanilang mga anak

a)

Artikulo II, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

b)

Artikulo XIII, Seksiyon 14 ng 1987 na Saligang Batas

c)

Republic Act No. 9262

d)

Republic Act 9710

63.

Kilala bilang (An Act Providing for the Magna carta of omen of the philippines)

Noong 2009, pinagtibay ng Kongreso ang batas upang ganap na maalis ang lahat ng uri at anyo ng diskriminasyon sa kababaihan, at itinakdang karapatan ng mga kababaihan ang lahat ng karapatang kinikilala ng saligang batas ng Pilipinas.

Kinikilala at pinoprotektahan ang karapatan ng kababaihan sa tahanan, sa trabaho at sa lahat ng saklaw ng buong.

a)

Republic Act 9710

b)

Republic Act 10354

64.

Kilala bilang (Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012).

Ginagarantiyahan ang universal access sa iba't ibang paraan ng contraception, fertility control, sexual bawat education at maternal care.

a)

Republic Act 9710

b)

Republic Act 10354

65.

Paglalaan ng budget upang unahin ang nararapat.

(a)  

66.

Pakikinabang ang Pilipinas  sa kasunduang multilateral at bilateral sa tulong ng ASEAN.

(a)  

67.

Kailangang maging handa ang ang mga pamahalaang panglalawigan.

(a)  

68.

Kailangang maging maliwanag ang mga responsibilidad ng mga namumuno sa pagsugpo ng terorismo ayon sa pambansang konstitusiyon.

(a)  

69.

Hindi pagbibigay ng ransom upang pagbigyan ang maling gawain ng mga rebelde.

(a)  

70.

Pakikipaglaban sa mga terorista kung hiningi na ng pagkakataon.

(a)  

71.

Pagkakaroong ng makabagong counter terrorism tool mula na mas napapanahaon kagaya ng pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan.

(a)  

72.

Paglulunsad ng mga programa upang hindi umanib sa mga rebelde ang mga tao.

(a)  

73.

Paghihikayat sa mga tao na huwag umanib sa maling paniniwala.

(a)  

74.

Pagkakaroon ng komprehensibong pagtugon ng pamahalaan sa mga problema mula sa mga dating mga gawi patungo sa mas komprehensibong pamamaraan.

(a)  

75.

Proteksyon sa pang-aabuso

(a)  

76.

Proteksyon sa di makatuwirang pagpapakulong.

(a)  

77.

Makapagtatag ng union o samahan.

(a)  

78.

Makapili ng relihiyon

(a)  

79.

Magkaroon ng kaukulang edukasyon

(a)  

80.

Bigyan ng pagkakataong makaboto.

(a)  

81.

Huwag pagtrabahuhin sa murang edad.

(a)  

82.

Panatilihin ang kulturang kinagisnan.

(a)  

83.

Makapagplano ng pamilya.

(a)  

84.

Magkaraoon ng matiwasay na pammuhay sa tradisyong kinagisnan.

(a)  

85.

Tinanggal si Ben dahil sa kanyang trabaho dahil sa pagsali sa union.

(a)  

86.

Pinigilan ang mga guro na magsalita tungkol sa mga katiwalian sa kanilang paaralan.

(a)  

87.

May nagbasa ng sulat ni Lotti.

(a)  

88.

Madalas sinasaktan si Lorena ng kanyang asawa.

(a)  

89.

Nakaranas ng Police Brutality si Arnold.

(a)  

90.

Ginagawan ng malalaswang bagay si Lucy ng kanyang amo.

(a)  

91.

Hindi na pina-aatend ng klase ni Hilda noong sumali sa sa isang protesta.

(a)  

92.

Pinagpapalimos sina Lina at Lino sa murang gulang na 5 taon.

(a)  

93.

Walang ilaw sa kalye kaya nahulog si Krissy sa man hole.

(a)  

94.

Binu-bully si Nilo dahil siya ay isang informal settler.

(a)