wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PPIITTP FINAL TEST

Total questions: 75

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng pananaliksik?

a)

pagsusuri lamang ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng katanyagan

b)

pagsusuri lamang ng mga balita upang magbigay ng sariling opinion

c)

pagsusuri ng usapin upang makalikha lamang ng isyung pag-uusapan ng iilan

d)

pagsusuri ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng linaw, patunay, o pasubali

2.

Ito ay tumutukoy sa gagamiting metodolohiya ng pananaliksik.

a)

disenyo ng pananaliksik

b)

panimula

c)

kalahok ng pag-aaral

d)

saklaw at limitasyon

3.

Ito ay tumutukoy sa literatura at pag-aaral na maaaring hango sa lokal at banyagang impormasyon na may malaking kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral.

a)

balangkas konseptwal

b)

panimula

c)

kaugnay na literatura at pag-aaral

d)

saklaw at limitasyon

4.

Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral , panahon kung kailan isasagawa ang pag-aaral, at kung sino at ilan ang mga kalahok sa pag-aaral.

a)

saklaw at limitasyon

b)

kahulugan ng mga termino

c)

balangkas teoretikal

d)

kahalagahan ng pag-aaral

5.

 Ito ang mga katawagan o terminolohiyang ginamit lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga mahahalagang baryabol na kinakailangang masukat sa pamamagitan ng mga tiyak na instrumento.

a)

kahalagahan ng pag-aaral

b)

panimula

c)

saklaw at limitasyon

d)

kahulugan ng termino

6.

Ito ay naglalahad ng kahalagahan at ang magiging ambag ng isinasagawang pag-aaral sa disiplina at lipunang kinabibilangan.

a)

saklaw at limitasyon

b)

paglalahad ng suliranin

c)

kahalagahan ng pag-aaral

d)

balangkas teoretikal

7.

Ito ay pansamantala ngunit matalino at lohikal na paghinuha at pagsagot sa tiyak na tanong o suliranin na maingat na binuo bago isagawa ang pananaliksik.

a)

paniniwala

b)

haypotesis

c)

pamaraan ng pag-aaral

d)

paglalahad ng suliranin

8.

Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad dito ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod.

a)

panimula

b)

paglalahad ng suliranin

c)

balangkas konseptwal

d)

kaugnay na literatura

9.

Tinatalakay sa bahaging ito kung kailan nagsimula, paanong naganap at saan naganap ang suliranin.

a)

saklaw at limitasyon

b)

kaligiran ng pag-aaral

c)

balangkas teoretikal

d)

panimula

10.

Ito ay binubuo ng mga talata bilang simula ng kabanata. Ito ay magsisilbing panghikayat upang basahin ang buong pag-aaral.

a)

balangkas konseptwal

b)

paglalahad ng suliranin

c)

haypotesis

d)

panimula

11.

Mga uri ng kard na ginagamit sa pagbuo ng bibliograpiya, maliban sa:

a)

Kard ng awtor

b)

Kard ng paksa

c)

Kard ng pamagat

d)

Kard ng pablisher

12.

Ito ay siyentipikong proseso na kinapapalooban ng masusing pagpili ng datos o imbestigasyon o pagsisiyasat at pagsusuri upang makalikha ng mga bagong kaalaman.

a)

pagbasa

b)

pagsusuri

c)

pagsulat

d)

pananaliksik

13.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom, konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.

a)

Kabanata 1

b)

Kabanata 2

c)

Kabanata 3

d)

Kabanta 4

e)

Kabanata 5

14.

Ito ay naglalaman ng paglalahad, pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa mga datos.

a)

Kabanata 1

b)

Kabanata 2

c)

Kabanata 3

d)

Kabanta 4

e)

Kabanata 5

15.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik.

a)

Kabanata 1

b)

Kabanata 2

c)

Kabanata 3

d)

Kabanta 4

e)

Kabanata 5

16.

Ang nilalaman ng Kard Katalog para sa pagbuo ng Bibliograpiya ay ang mga sumusunod, maliban sa:

a)

Pangalan ng awtor at pamagat ng  libro

b)

Lugar ng publikasyon, pabliser, at petsa ng publikasyon

c)

Ang call number ng libro

d)

Lahat ng nabanggit

e)

Wala sa nabanggit

17.

Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng pananaliksik?

a)

Makapagpamalas ng kahusayan para sa sariling kapakinabangan

b)

Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya

c)

Maglinaw sa isang pinagtatalunang ideya

d)

Tumuklas ng bagong datos at impormasyon

18.

Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.

"Ipinagpaalam muna ng mag-aaral sa kaniyang gurong tagapayo kung maaari na niyang ipamahagi ang kaniyang survey sa kaniyang mga respondent."

  

a)

masusi o kritikal

b)

dokumentado

c)

obhetibo 

d)

may angkop na metodolohiya

19.

Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na  sitwasyon.

"Bago humingi ng pahintulot sa kakapanayamin ay sinigurado muna ng mananaliksik na dalubhasa ang kaniyang piniling makapanayam."

a)

dokumentado

b)

may angkop na metodolohiya

c)

masuri o kritikal

d)

mula sa iba't ibang datos

20.

Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin:

Maglinaw sa isang pinagtatalunang ideya

a)

Pagtukoy kung ano ang mas epektibong paraan ng pangangampanya--ang patalastas sa radyo o sa telebisyon

b)

Pagbigay ng lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa radyo sa pangangampanya

c)

Pagbigay ng lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa telebisyon sa pangangampanya

d)

Pagbigay ng kagyat na lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa social media sa pangangampanya

21.

Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.

"Tiniyak ng mag-aaral na kumpleto ang detalye ng mga pinaghanguan niya ng impormasyon. "

a)

mula sa iba’t ibang datos

b)

may angkop na metodolohiya

c)

Dokumentado

d)

masuri o kritikal

22.

Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na   layunin.

"Tumuklas ng bagong datos at impormasyon"

a)

Paglatag ng kaagarang solusyon sa mabigat na trapiko sa kahabaan ng EDSA

b)

Pagbigay ng ebalwasyon sa mga nagdaang batas trapiko

c)

Pagsiwalat sa opinyon ng mga drayber ng taxi sa bagong panukalang flag down rate

d)

Pagbigay solusyon sa mabigat na trapiko sa kalunsuran

23.

Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.

"Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo"

a)

Pagmungkahi sa pangulo ng mga solusyon ukol sa mga pangunahing suliranin ng bansa

b)

Pag-alam sa dami ng biktima ng extrajudicial killings

c)

Pagtanaw sa mga pangyayari noong panahon ng Martial Law hanggang EDSA dos bilang pagsusuri sa sitwasyon ng aktibismo ngayon

d)

Pagbigay ng ebalwasyon sa kahusayan sa panunungkulan ng kasalukuyang pangulo

24.

Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.

" Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya"

a)

Ang paghahabi sa Pilipinas mula noong prekolonyal hanggang panahon ng Amerikano

b)

Ang tradisyon ng paghahabi at pagsusuri sa mga paderno nito gamit ang modernong konsepto ng sikoanalisis

c)

Ang paghahabi, kanilang suliranin sa kabuhayan, at mga karampatang solusyon sa problema ng kahirapan

d)

Ang paghahabi at ang inspirasyon ng mga manghahabi

25.

 Hakbang sa pananaliksik na ayon sa iyong interes at may malawak kang kaalaman. Ano ito?

a)

Bibliyograpi

b)

Piliin ang Paksa

c)

Balangkas

d)

Paglalahad ng Layunin

26.

Makikita rito ang iyong mga dahilan kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. Ano ito?

a)

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

b)

Balangkas

c)

Pangangalap-Tala

d)

Paglalahad ng Layunin

27.

Anong hakbang ang tungkol sa pagsulat ng talaan ng mga sanggunian kung saan kinuha ang mga impormasyon sa pananaliksik?

a)

Pinal na Balangkas

b)

Bibliyograpi

c)

Pangangalap-Tala 

d)

Pagwawasto at Pagrebisa

28.

Hakbang sa pananaliksik na nagbibigay direksyon at gabay sa pananaliksik. Ano ito?

a)

Piliin ang Paksa

b)

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

c)

Pagsulat ng Burador

d)

Balangkas

29.

 Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon at pagsulat agad nito para sa pananaliksik na karaniwang ginagamitan ng index card. Ano ito?

a)

Pinal na Balangkas

b)

Balangkas

c)

Pangangalap-Tala

d)

Piliin ang Paksa

30.

Ito ang bahaging kailangang planuhin at isiping mabuti ang pagkakabuo ng pananaliksik na gagawin. Ano ito?

a)

Pagsulat ng Burador

b)

Paglalahad ng Layunin

c)

Pinal na Balangkas

d)

 Pangangalap-Tala

31.

Ano itong hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan?

a)

Pagsulat ng Burador

b)

Pagwawasto at Pagrerebisa

c)

Balangkas

d)

Pangangalap-tala

32.

Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng salita?

a)

Pagwawasto at Pagrebisa

b)

Pinal na Balangkas

c)

Paglalahad ng Layunin

d)

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

33.

Hakbang na isinusulat ang pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro. Huling hakbang sa pananaliksik. Ano ito?

a)

Pinal na Balangkas

b)

Piliin ang Paksa

c)

Pagwawasto at Pagrebisa

d)

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

34.

Ang mga pahayag ay mga katangian ng isang pananaliksik maliban sa isa.

a)

Ang paghahanda ng tentatibong balangkas ay makatutulong para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa pangangalap ng mga tala

b)

Lahat ng datos na nakuha ay dapat isama at di kailangang pag-aralan.

c)

Ang paksang pipiliin ay ay dapat naaayon sa interes at may mga materyales na mapagkukunan.

d)

Maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyong mula rito ay kaduda-duda o walang katotohanan.

35.

Ano itong sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin?

a)

Panayam

b)

Pananaliksik

c)

Pagbabalita

d)

Pagtatanong

36.

Isang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na paghahanda at masusing pag – iisip upang patunayan at makuha ang anumang impormasyon na nais ng manunulat.

pananaliksik C. pakikipanayam

pagbabalita D. pagsasalaysay

a)

Pagbabalita

b)

Pananaliksik

c)

Pakikipanayam

d)

Pagsasalaysay

37.

Talaan ng iba`t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang material.

a)

burador

b)

bibliograpiya

c)

balangkas

d)

paksa

38.

Mga sangguniang nakalimbag tulad ng encyclopedia, almanac, atlas at diksyonaryo.

a)

internet

b)

aklat o libro

c)

video mula sa Youtube

d)

magasin at dyaryo

39.

Mahalagang isaalang-alang sa paggawa ng pananaliksik.

a)

paksa

b)

pagsulat ng burador

c)

pagsulat ng pinal na pananaliksik

d)

layunin

40.

Binibigyang pansin dito ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita.

a)

pagwawasto at pagrebisa ng burador

b)

paglalahad ng layunin

c)

paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi

d)

pagsulat ng pinal na pananaliksik

41.

Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik maliban sa:

a)

paglalahad sa layunin

b)

paghahanda ng tentatibong balangkas

c)

paggawa ng haypotesis

d)

pagpili sa paksa

42.

 Ito ay tumutukoy sa mga impormasyong nagmumula sa mga napapanood na video, dokumentaryo at iba pang palabas pantelebisyon.

a)

Internet

b)

panayam, seminar at workshop

c)

aklat o libro

d)

video mula sa youtube, dokumentaryo

43.

Mga impormasyong nagmula o makukuha sa mga tagapagsalita o tagapanayam na eksperto sa paksang kanilang ibinibigay sa tagapakinig video mula sa youtube, mga dokumentaryo at ibang palabas pantelebisyon. 

a)

Internet

b)

mga panayam, seminar at workshop

c)

Aklat o libro

d)

artikulo sa magasin at diyaryo

44.

Ang tawag sa mga talang nakuha na malayang naipapahayag ang tala sa pagbibigay – paliwanag sa sinasabi sa orihinal.

a)

lagom

b)

tuwirang sipi

c)

burador

d)

hawig

45.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel?

a)

Pagsasaayos

b)

Kronolohikal

c)

Bunga

d)

Komparatibo

46.

Ang tawag ng Borador sa wikang ingles.

a)

Draft

b)

Correction Tape

c)

White Ink

d)

Eraser

47.

May tatlong bahagi ang sulating Pananaliksik, ano ang mga ito?

a)

Ama, Kapatid, Anak

b)

Pagsasaayos, Pagsusuri, Panapos

c)

Ulo, Katawan, Paa

d)

Introduksyon, Katawan, Kongklusyon

48.

Anong Prinsipyo ito? “Ang katotohanan sa likod ng modus na "Tanim/laglag-Bala"

a)

Heograpikal

b)

Pagsusuri

c)

Komparatibo

d)

Kronolohikal

49.

Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos ay ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari.

a)

Sanhi/Bunga

b)

Pagsusuri

c)

Komparatibo

d)

Kronolohikal

50.

Mga dapat gawin sa mga nakalap na tala.

a)

Pagsasaayos, Pagsusuri

b)

Pagsasaayos, Heograpikal

c)

Pagsasaayos, Borador

d)

Pagsasaayos, Pagliligpit

51.

Anong prinsipyo ito? "Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer games"

a)

Sanhi/Bunga

b)

Pagsusuri

c)

Kongklusyon

d)

Kronolohikal

52.

Ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon o paghatol ng mananaliksik sa mga impormasyon at datos na kanyang nakalap na maaring sumusuporta o hindi sa kanyang pahayag ng thesis statement na nakasaad sa introduksyon.

a)

Introduksyon

b)

Pananaliksik

c)

Kongklusyon

d)

Katawan

53.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sekondaryang uri ng sanggunian?

a)

Libro

b)

Google

c)

Thesis

d)

Pahayagan/ Newspaper

54.

Ano ang pinakamahirap na paraan ng pagbabalangkas?

a)

Patalata

b)

Papaksa

c)

Pangungusap

d)

Lahat ng nabanggit

55.

Alin sa mga sumusunod ang walang kinalaman sa pagbuo ng konklusyon?

a)

pagtugon sa suliranin

b)

pag-uulit ng mahahalagang puntos

c)

pagbubuod

d)

pagsasaad ng mga ginamit na sanggunian

56.

Alin sa mga hanguang elektroniko ang pinakamaganda pagdating sa pangangalap ng datos?

a)

Tiktok, Twitter

b)

mga url na nagtatapos sa .edu, .org, .gov

c)

Youtube, Facebook

d)

www.wikepedia.com

57.

Alin sa mga sumusunod ang hindi positibong dulot ng teknolohiya?

a)

Nagiging mabilis ang komunikasyon

b)

Nababawasan ang pakikipagkapwa tao

c)

Napapadali ang pangangalap ng datos

d)

Nakapagbibigay ng libangan

58.

Saan maaaring manggaling ang paksa ng pananaliksik?

a)

sa sariling karanasan

b)

sa pang araw-araw na gawain

c)

sa kasalukuyang problema

d)

lahat ng nabanggit

59.

Hakbang sa pananaliksik na unang bagay na dapat isaalang-alang kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa interes ng manunulat.

a)

PAGSULAT NG BURADOR, sa hakbang na ito, nailalahad ang pangkaragdagang nilalaman ng paksang pinag-aaralan.

b)

PILIIN ANG PAKSA, sa hakbang na ito malalaman kung saan patungo ang pananaliksik na gagawin.

c)

PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK, sa hakbang na ito, maipapakita na ang buong pananaliksik na may sapat na konklusyon.

d)

PAGSULAT NG BALANGKAS, sa hakbang na ito isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.

60.

Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng salita?

a)

PAGSULAT NG BURADOR, sa hakbang na ito, nailalahad ang pangkaragdagang nilalaman ng paksang pinag-aaralan.

b)

PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK, sa hakbang na ito, maipapakita na ang buong pananaliksik na may sapat na konklusyon.

c)

PAGSULAT NG BALANGKAS, sa hakbang na ito isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.

d)

PAGREREBISA, sa hakbang na ito naiwawasto ang mga kamaliang naisulat, kabilang na rin ang istraktura ng mga pangungusap.

61.

 Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama ng isinulat ng nilalaman at gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng salita?

a)

PAGSULAT NG BURADOR, sa hakbang na ito, nailalahad ang pangkaragdagang nilalaman ng paksang pinag-aaralan.

b)

PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK, sa hakbang na ito, maipapakita na ang buong pananaliksik na may sapat na konklusyon.

c)

PAGSULAT NG BALANGKAS, sa hakbang na ito isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.

d)

PAGREREBISA, sa hakbang na ito naiwawasto ang mga kamaliang naisulat, kabilang na rin ang istraktura ng mga pangungusap.

62.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pananaliksik?

a)

pagbuo ng nilalaman

b)

  paglilimita ng paksa

c)

pagpili ng paksa

d)

paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi

63.

Aling hakbang ang huling bahagi pero unang ginagawa. Sa katunayan sa hakbang na ito ay kung mas maraming makukuha ay mas mainam.

a)

Pagsulat ng pinal na pananaliksik 

b)

Paghahanda ng pansamantalang bibiliograpiya

c)

Pagsulat ng balangkas

d)

Pagsulat ng burador

64.

Ano ang tawag sa pinal na sipi ng isang pananaliksik?

a)

pinal na sipi

b)

draft

c)

burador

d)

manuskrito/ manuscript

65.

Alin na nasa ibaba ang wastong pagsulat ng bibliyograpi (APA Format)?

a)

Galaci, F.A. (2021). Pamumuhay sa Nueva Ecija. Cabanatuan City: Phoenix Publishing Company.

b)

Galaci, F.A. (2021). Pamumuhay sa Nueva Ecija. Phoenix Publishing Company:Cabanatuan City

c)

Galaci, Fyke A. (2021). Pamumuhay sa Nueva Ecija. Cabanatuan City: Phoenix Publishing Company.

d)

Galaci, Fyke Alexis Ador Dionisio (2021). Pamumuhay sa Nueva Ecija. Cabanatuan City: Phoenix Publishing Company.

66.

Napansin ng pangkat ni Castell na may kailangang baguhin at ayusin sa kanilang tentatibong balangkas matapos masuri itong mabuti. Anong hakbang na sa pagsulat ng pananaliksik ang pangkat ni Castell?

a)

paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline

b)

pagsulat ng pinal na manuskrito

c)

pagbuo ng pansamantalang balangkas

d)

pagrerebisa

67.

Abala si PJ sa muling pagbasa ng kanyang pananaliksik upang bigyang-pansin ang mga kamalian na kailangan ng pagwawasto. Nakatuon siya sa tamang baybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng mga salita, gamit ang mga bantas at ang estruktura ng mga pangungusap. Anong hakbang sa pagsulat ng pananaliksik ang ginagawa ni PJ?

a)

pagrerebisa

b)

pagsulat ng pinal na manuskrito

c)

paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline

d)

pagbuo ng pansamantalang balangkas

68.

Pananaliksik ang huling awtput ng mga klase sa baitang 10. Ang klase ng Marx ay nag-iisip ng paksang kawili-wili at sumasagot sa kanilang interes. Anong hakbang sa pagsulat ng pananaliksik ang kanilang isinagawa?

a)

paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi

b)

pagpili ng paksa

c)

pagsulat ng burador o rough draft

d)

pagbuo ng pansamantalang balangkas

69.

Napagpasyahan ng pangkat ni Monina ang magiging paksa nila sa pag-aaral ay tungkol sa online classes ngunit pag-uusapan pa nila kung anong bahagi ng online classes ang kanilang pagtutuonan, sino, saan, edad at panahon ang sasakupin ng kanilang napiling paksa. Anong hakbang sa pagsulat ng pananaliksik ang gagawin ng pangkat ni Monina?

a)

pagrerebisa

b)

paglilimita ng paksa

c)

paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline

d)

pagpili ng paksa

70.

Kailangan ang ________ sa walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik.

a)

tiyaga

b)

maingat

c)

mapanuri

d)

masistema

71.

Kinakailangang _________ na maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa ginagawang sulating pananaliksik.

a)

masistema

b)

tiyaga

c)

mapanuri

d)

maingat

72.

 Ang isang mananaliksik ay dapat walang __________.

a)

Paggalang sa karapatan ng iba

b)

Pagiging matapat sa bawat pahayag

c)

walang kinikilingan

d)

Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential

73.

Kailangang maging ___________ siya sa mga batayan upang mabigyan ng magkakaibang bigat ang mga datos na nakalap niya.

a)

maingat

b)

mapanuri

c)

masistema

d)

tiyaga

74.

 Maayos at ___________ ang kanyang mga hakbangin upang walang makalimutang mga datos o detalyeng kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik.

a)

mapanuri

b)

tiyaga

c)

maingat

d)

masistema

75.

 Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang __________________.

a)

Pagiging obhetibo at walang kinikilingan

b)

Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential

c)

Pagiging matapat sa bawat pahayag

d)

Paggalang sa karapatan ng iba