Font size
Worksheets3RD MONTHLY EXAM ESP 9
Total questions: 56
Worksheet time: 28mins
1. Ito ang tawag sa pagtitiyaga upang maabot at makamit ang layunin at mithiin sa buhay?
Pagpupunyagi
katalinuhan
Malikhaing ideya
Kabayanihan sa bayan
2. Ito naman ang hindi paggagasta ng pera sa walang kabuluhang bagay.
Pagiging mahinahon
Pagiging determinado
Pagtitipid
Pagiging masipag
3. Ito ang paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon. Ano ito?
Pagtitipid
Pag-iimpok
Pagtitiyaga
Paglalaan
4. Ito ay kakambal ng pagtitipid na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
Pag-iimpok
Pagtitipid
Pagbibigay
Pagkakawang-gawa
5. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
Maging mapagbigay at matutong tumulong
Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
Maging masipag at matutong maging matiyaga
8. Ano ang kaakibat ng kasipagan?
Pagiging masinop
Pagpupunyagi
Paggalang
Pagiging maagap
9. Ito ang kabaligtaran ng kasipagan na pumapatay sa pagpupunyagi at tagumpay ng tao.
Pagmamalabis
Katamaran
Pag suway
Paglustay
10. Ano ang tawag sa pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip napagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
Kasipagan
Pagsisikap
Pagiging matatag
Pagpupunyagi
Piliin kung TAMA o MALI
13. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao para mapaunlad ang kalidad ng kanyang buhay at pagkatao
TAMA
MALI
Piliin kung TAMA o MALI
14. Ang taong masipag ay walang pagmamahal sa kanyang puso lalo na sa kanyang ginagawa.
TAMA
MALI
Piliin kung TAMA o MALI
15. Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay magkaroon pagkakataon maabot o marating ang magandang buhay.
TAMA
MALI
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ang “Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay”? Nagtitipid upang ____.
A. maging mabuting halimbawa sa iba
B. makapagbahagi sa iba
C. mamuhay ng masagana
D. matugunan ang pangangailangan
“Ang mabuting plano at pagpupunyagi ay nagdudulot ng kasaganahan, ngunit ang nagmamadali ay nagdudulot ng kahirapan” - Kawikaan 21:5. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
A. Para maging mayaman, magsumikap sa buhay.
B. Kailangang magplano upang maging matagumpay sa buhay.
C. Iwasan ang pagmamadali dahil ang mga taong nagmamadali ay naghihirap balang araw.
D. Umuunlad sa buhay ang mga taong nag-iisip nang mabuti at matiyagang isinasasagawa ito.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na saknong ng tulang ito? “Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal, kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal. pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal, ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.”
A. Gamitin ang kamay sa paggawa.
B. Gumawa ng mabuti sa kapwa.
C. Ipagmalaki ang pinagpaguran ng kamay.
D. Pahalagahan ang bunga ng mabuting paggawa.
Nais mong maging pulis subalit ikaw ay madaling magkasakit. Ano ang dapat mong gawin upang mabigyang katuparan ang iyong pangarap?
A. Iwasang magpuyat, kumain ng masusustansyang pagkain at mag-ehersisyo.
B. Uminom ng energy drink, mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain.
C. Iwasang gumawa ng mabibigat na gawain at laging magpahinga.
D. Gawin ang gawaing kayang gawin, mag-ehersisyo at matulog ng mas maaga
5. Laging nakakakuha ng mababang marka si Alvin sa Matematika dahil sa kawalang interes sa numero. Ano ang dapat niyang gawin na higit na makatutulong sa pagtaas ng kanyang marka?
A. Magpaturo sa kamag-aral na mahusay sa klase.
B. Magtanong sa guro kung may remedial activities.
C. Laging makinig at sikaping sagutan ang mga gawain.
D. Manghiram at kumopya ng mga lectures sa kamag-aral.
Nais ni Ana na lumahok sa JS Prom sa kanilang paaralan ngunit alam niyang wala silang budget para rito. Ano ang pinakamainam gawin ni Ana kung nais nyang makaipon para makabili ng ticket para sa nasabing pagtitipon?
A. Huwag mag-recess.
B. Sumali sa online paluwagan.
C. Magbenta ng lumang dyaryo at bote.
D. Mag-part time sa pagtitinda ng balot at penoy sa gabi.
Ano ang pinakaangkop na kilos upang mas makatipid sa kuryente sa inyong bahay?
A. Bawasan ang paggamit ng gadgets upang di kailangang laging i-charge.
B. Alisin sa sasaksakan ang mga kagamitang hindi pa ginagamit.
C. Huwag manood ng telebisyon sa maghapon.
D. Huwag gumamit ng washing machine.
Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
A. Maging simple at mamuhay ayon sa estado sa buhay.
B. Unawain na may mga bagay na di mo makukuha.
C. Maging maingat sa paggastos ng salapi.
B. Magbigay at matutong tumulong.
Maaari bang isisi sa gobyerno ang kabiguan ng tao na makamit ang kanyang pangarap?
A. Oo, dahil mataas ang buwis na ipinapataw sa mga manggawa ng bansa.
B. Oo, dahil kulang ang programa ng gobyerno para bigyan ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga mahihirap.
C. Hindi, dahil maaaring may kakulangan rin siya sa pagsusumikap na makamit ang kanyang tunguhin.
D. Hindi, dahil marami pang ibang salik na maaaring makaapekto sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral.
Pangarap ni Loisa na makapagbakasyon sa probinsya ng kanyang ina sa Vigan, subalit sapat lamang ang kinikita ng kanyang ama. Kaya naisip nya na magtipid mula sa baon, itabi ang mga bote at dyaryo upang ipagbili, at magbantay ng tindahan ng kanyang tiya kapag walang pasok. Hindi siya titigil hanggang hindi sapat ang kanyang impok. Ano ang pagpapahalagang HIGIT na nangingibabaw sa kanya?
A. Kasipagan
B. Pagiging malikhain
C. Pagiging matipid
D. Pagpupunyagi
1. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap ng tao na gawin o tapusin ang isang gawain ng mayroong kalidad.
Katarungan
Pag-unawa
Kasipagan
Pagtitimpi
2. Ang palatandaan ng taong may taglay na kasipagan ay ang paggawa sa gawain ng may pagmamahal. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapakita nito?
Pagbibigay malasakit sa gawain
Paggawa ng may kalidad
Hindi pagpapabaya at may buong puso sa paggawa
Pagmamadali sa pagtapos ng gawain
3. Ang pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulong upang ______ ang isang tao.
magtagumpay
maging sikat
magtipid
magtiwala
4. Ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Kasipagan
Katamaran
Pagpupunyagi
Pagtitipid
5. Bakit mahalagang taglayin ng tao ang kasipagan? Dahil ito ay;
susi sa magandang kinabukasan.
daan sa pagyaman.
nagdudulot ng kasikatan.
paraan upang gumaan ang buhay.
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng katamaran?
A. Masipag mag-aral si Hans. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.
D. Si Waren na hindi pa man din nauumpisahan ang kanyang gawain ay nagrereklamo, na parang umaayaw na at nawawalan na ng pag-asa
2. Ito ay makatutulong sa tao upang mapaunlad ang kaniyang reaksiyon sa kaniyang gawain at sa kaniyang kapuwa.
A. Kasipagan
B. Pag-iimpok
C. Pagpupunyagi
D. Pagtitipid
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng palatandaan ng kasipagan kung saan ibinibigay ang buong kakayahan sa paggawa?
A. Masipag mag-aral si Hans. Sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras ng buong husay.
B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng may pagkukusa.
D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne, hindi niya ito ginagawa basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon.
Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ng tao ang kaniyang dignidad.
Tama
Mali
Hindi matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang pangangailangan dahil tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
Tama
Mali
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
Tama
Mali
Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa rito ay tao.
Tama
Mali
Ang tao ay nawawalan na ng malawak na kontribusyon sa paggawa dahil sa mga makabagong teknolohiya,
Tama
Mali
Ang pagsisikap na tapusin ang isang gawain na may malinaw na layunin ng paggawa ay ang ___________.
kasipagan
malikhain
tiyaga
masigasig
Ang pagiging masigasig ay ang pagkakaroon ng hirap, pagod at pagdurusa sa paggawa ng
gawain o produkto.
TAMA
MALI
Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang
mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at bansa.
TAMA
MALI
Ang pagiging masipag, pagpupunyagi sa paggawa at nagtitipid ay ilan lamang sa mga pagpapakita
ng kagalingan sa paggawa.
TAMA
MALI
Si Oray ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Oray?
Hindi umiiwas sa anumang gawain.
Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
Nagbabaon na lamang ng pagkain si Carl kaysa sa bumili ng mamahaling pagkain sa kantina o sa labas ng paaralan.
PAGPUPUNYAGI
PAGTITIPID
KASIPAGAN
KAUNLARAN
Si Yeoj ay hindi na kailangang utusan pagdating sa gawain sapagkat mayroon siyang pagkukusa. Ano ang taglay niya?
KATAMARAN
PAGTITIPID
PAGPUPUNYAGI
KASIPAGAN
Si Bui ay hindi tumitigil sa ginagawa kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa sa kaniyang buhay. Anong katangian ang taglay niya?
KASIPAGAN
PAGPUPUNYAGI
PAGTITIPID
PAG-IIMPOK
Ang kabaligtaran ng kasipagan ay _________________.
KAKULANGAN
KAGIPITAN
KAGUTUMAN
KATAMARAN
Ang mga sumusunod ay paraan na nagpapakita ng pagtitipid, MALIBAN sa:
Bilhin ang lahat ng bagay na gustung gusto mo para sa sarili mo
Huwag nang bumili ng imported
Gumamit ng baso sa tuwing magsisipilyo
Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela
Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
KASIPAGAN
PAGPUPUNYAGI
PAG-IIMPOK
KATAMARAN
Ito ay ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
KASIPAGAN
PAGPUPUNYAGI
PAGTITIPID
PAG-IIMPOK
TAMA O MALI.
Makakamit lamang ng isang tao ang pagpupunyagi kung siya ay may pagtitiyaga.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang pag-iimpok ay hindi opsyonal bagkus ito ay isang obligasyon.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang katamaran ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang katamaran ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang kabaliktaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay dapat natin taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang taong tamad ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang taong masipag ay nagmamadali sa kaniyang ginagawa.
TAMA
MALI
