wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Short Reviewer ArPan 6

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Nakatulong sa ating ekonomiya ang pagluluwas ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?

a)

Ito ay isang proseso ng pagsasaayos ng mga kuryente o pangangailangan ng mga mamamayan na may kinalaman sa elektrisidad.

b)

Ito ay paggawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga may sala sa pamahalaan partikular sa mga gerilyang susuko sa pamahalaan.

c)

Ito ang sinumang naninirahan ng walang pahintulot sa isang lugar o lupang hindi niya pag-aari.

d)

Ito ay sistema ng pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon.

e)

Ito ang pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang bansa.

2.

Bakit itinakda ang pagkakaroon ng pinakamababang sahod?

a)

Upang makatulong sa pagkakaroon ng makatarungang paghahatian sa salapi ng pamahalaan.

b)

Upang magkaroon ng mas maraming manggagawa at kawani ng pamahalaan.

c)

Upang makatipid sa mga sahod na ibibigay sa mga manggagawa.

d)

Upang makatulong sa suliraning pangkabuhayan ng ating bansa.

e)

Upang malimitahan ang kinikita ng bawat mamamayan.

3.

Ano ang dahilan kung bakit naging malapit ang Pilipinas sa Estados Unidos noong panunungkulan ni Pangulong Roxas?

a)

Tanging ang Estados Unidos lamang ang may sapat na salapi at kapangyarihan upang tulungan tayo.

b)

Nakasalalay sa pakikipagkaibigan sa Estados Unidos ang katatagan ng ating bansa.

c)

Tayo ay mapapabilang sa Nagkakaisang mga bansa.

d)

Hindi kaya ng ating bansa ang maging malaya.

e)

Marami silang maibibigay na tulong kumpara sa ibang mga bansa.

4.

Paano pinaunlad ang pagsasaka sa ating bansa noon?

a)

nagsaliksik ng iba’t ibang paraan ng pagsasaka

b)

nagpatulong sa mga kalabaw

c)

nagpagawa ng patubig

d)

gumamit ng makinarya

e)

nagbenta ng maraming produkto.

5.

Paano bumangon ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan?

a)

Sila ay nagnakaw at nangamkam ng mga ari-arian ng mga dayuhan.

b)

Sila ay naging mapamaraan, nagsikap at nagdamayan.

c)

Sila ay nagtungo sa mga lalawigan upang magsaka.

d)

Sila ay namuhunan sa maliliit na negosyo.

e)

Sila ay nagpunta sa Amerika para ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay.

6.

Ang Intramuros ay naging tirahan ng mga informal settler na galing sa probinsya pagkatapos ng digmaan. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang nakasalungguhit?

a)

Ito ay isang proseso ng pagsasaayos ng mga kuryente o pangangailangan ng mga mamamayan na may kinalaman sa elektrisidad.

b)

Ito ay paggawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga may sala sa pamahalaan partikular sa mga gerilyang susuko sa pamahalaan.

c)

Ito ang sinumang naninirahan ng walang pahintulot sa isang lugar o lupang hindi niya pag-aari.

d)

Ito ay sistema ng pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon.

e)

Ito ang pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang bansa.

7.

Paano nabawi ang Maynila sa kamay ng mga Hapones?

a)

Hindi na gaanong nakalaban ang mga Hapones at nanghina ang puwersa ng mga Amerikano.

b)

Mabilis na sumuko ang mga Hapones sa Pilipino pagdating ng mga sundalong Amerikano.

c)

Binomba ng mga Amerikano ang mga gusaling pinagtataguan ng mga Hapones.

d)

Tumakas ang mga Hapones sa kabundukan.

8.

Paano nilutas ni Pangulong Laurel ang malawakang taggutom sa bansa noon?

a)

Nag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.

b)

Nagpatanim sa mga bakanteng lote.

c)

Naglako ng mas maraming gulay.

d)

Nagpatago ng mga pagkain.

e)

Nagbenta ng fake products.

9.

Bakit may mga Pilipinong tumulong sa mga Hapon?

a)

Dahil naibigan nila ang programa sa pagpapaunlad ng mga Hapon.

b)

Dahil binigyan sila ng mataas na katungkulan sa pamahalaan.

c)

Dahil napaunlad ng mga Hapones ang kanilang kabuhayan.

d)

Dahil ibig nilang makaiwas sa mahirap na kalagayan.

10.

Binigyan ng amnestiya at pagkakataong makapamuhay nang tahimik ang mga Huk upang makapagsimulang muli ng mapayapang buhay. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?

a)

Ito ay isang proseso ng pagsasaayos ng mga kuryente o pangangailangan ng mga mamamayan na may kinalaman sa elektrisidad.

b)

Ito ay paggawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga may sala sa pamahalaan partikular sa mga gerilyang susuko sa pamahalaan.

c)

Ito ang sinumang naninirahan ng walang pahintulot sa isang lugar o lupang hindi niya pag-aari.

d)

Ito ay sistema ng pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon.

e)

Ito ang pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang bansa.

11.

Paano nilutas ng mga Pilipino ang kakulangan sa pagkain noong Panahon ng Kadiliman?

a)

Nag-angkat sila ng bigas mula sa ibang bansa.

b)

Gumamit sila ng mga pataba o fertilizer.

c)

Nagtanim sila sa mga bakanteng lote.

d)

Nagsagawa sila ng mga pananaliksik.

12.

Bakit tinawag na Panahon ng Kadiliman ang panahon ng Ikalawang Republika?

a)

Walang seguridad at katiyakan ang buhay ng mga mamamayan.

b)

Naging makabago ang pamumuhay ng mga Pilipino.

c)

Nagkaroon dito ng Digmaang Pandaigdig.

d)

Maraming Pilipino ang namundok.

13.

Ang pagsasaayos ng elektripikasyon ang isa sa naging solusyon sa problema hinggil sa ekonomiya ng bansa. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?

a)

Ito ay isang proseso ng pagsasaayos ng mga kuryente o pangangailangan ng mga mamamayan na may kinalaman sa elektrisidad.

b)

Ito ay paggawad ng kapatawarang may kondisyon sa mga may sala sa pamahalaan partikular sa mga gerilyang susuko sa pamahalaan.

c)

Ito ang sinumang naninirahan ng walang pahintulot sa isang lugar o lupang hindi niya pag-aari.

d)

Ito ay sistema ng pagsulong ng bansa sa pamamagitan ng modernisasyon.

e)

Ito ang pagbebenta ng mga produkto at hilaw na materyales sa ibang bansa.

14.

Paano lumaban ang mga Pilipino sa mga Hapones bagama’t sila ay natalo na sa digmaan?

a)

Sila ay humingi ng tulong sa Nagkakaisang mga Bansa o United Nations.

b)

Sila ay gumamit ng higit na malakas at makabagong armas.

c)

Sila ay nakiisa sa mga sundalong Amerikano at lumaban.

d)

Sila ay namundok at lumaban bilang gerilya.

15.

Bakit bumalik si Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas?

a)

Upang makaganti sa mga Hapones dahil sa ginawang pagpapahirap sa mga Pilipino

b)

Upang tuparin ang kanyang ipinangako sa mga Pilipino na siya’y magbabalik

c)

Upang iligtas ang Pilipinas at palayain sa kamay ng mga Hapon

d)

Upang pasinayaan ang Ikatlong Republika ng Pilipinas