NEW
Font size
WorksheetsMatalinghagang Salita at Simbolismo
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Isang ibon ang malayang lumilipad hanggang sa dulo ng ilog at sa silahis ng araw.
a. Mga taong kabilang sa lahing Puti na nagagawang mamuhay nang Malaya at masagana nang walang gumagambala sa kanilang payapang pamumuhay.
b. Mga ibong pinalad na maisilang sa makapal na kagubatan at walang gumagambala sa kanilang payak subalit payapang kapaligiran.
c. Mga taong isinisilang na mayayaman at makapangyarihan na siyang namumuno sa pinakamalaking kaharian sa buong mundo.
Ang malayang ibon ay nangahas angkinin ang langit.
a. Mga politikong gumagamit ng kapangyarihan upang makapagnakaw sa kaban ng bayan.
b. Mga ibong kumakain o kumukuha sa anak o itlog ng kapwa nila ibong mas mahina kaysa sa kanila.
c. Mga taong nagdi-diskrimina at gumagawa ng kapinsalaan sa kapwa nila nang dahil sa kulay ng balat at kalagayang panlipunan at pinapaboran pa ng lipunan.
Ngunit ang isang ibong nanlilisik, sa kanyang makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit.
a. Ang galit na nadarama ng isang ibong hindi makalipad na dapat sanang ginagawa ng isang ibong tulad niya.
b. Ang galit na kinikimkim at hindi maibulalas ng mga taong nagdaranas ng diskriminasyon at kaapihan sa kamay ng iba.
c. Ang nadarama ng isang taong may sakit at pinagbabawalang makisalamuha sa iba.
Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian kaya’t siya’y
nagbuka ng tuka upang makaawit.
a. Ang mga taong nakakulong sa mga rehas ng bilangguan ay dapat lang makapagsalita rin dahil ito’y bahagi pa rin ng kanilang karapatan.
b. Ang mga taong inaapi at hinuhusgahan base sa kanilang lahi at kulay ay nangahas magsalita at manindigan para ipaglaban ang kanilang karapatan.
c. Kahit ikulong o itali mo ang isang ibon ay hindi mo pa rin siya mapipigilang umawit dahil ito’y isang bagay na likas sa kanya.
Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy ng hanging malamyos sa mga punong nagbubuntong-hininga ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga.
a. Ang mga oportunidad at pagkakataong naibibigay sa mga Puti na hindi basta natatamo ng mg Itim dahil sa hindi pantay na pagtanaw ng lipunan sa kanila.
b. Ang mas malalakas na ibon ay umuubos sa mas maiinam na pagkain kaya naman wala nang naiiwan sa mga mas mahihina.
c. Ang tao ay likas na maramot dahil kapag nakakita ng oportunidad para umunlad ay sinosolo niya ito at hindi man lang ibinabahagi sa iba.
Ano ang tawag sa mga salitang nagtataglay ng mga malalalim na kahulugan at taliwas sa literal na kahulugan ng mga salita o salitang bumubuo rito?
Pagtutulad
Matatalinghagang salita
Metapora
Palay kang matino
Nang humangin ay yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagbunga ng ginto.
Ano ang tinataglay ng tula sa itaas?
Imahe
Simbolismo
Pagtatao
Anong mahalagang aral ang nais ipabatid ng tulang "Ang Matanda at Batang Paruparo" sa mga mambabasa?
Maging masunurin sa lahat ng pangangaral at utos ng magulang.
Maging masigasig na subukan ang anumang bagay sa mundo.
Huwag matakot na lumabas sa inyong "comfort zone."
Ano ang sinisimbolo ng ibong nakahawla sa tulang isinulat ni Maya Angelou?
Mga taong ikinukulong dahil nagkasala sa batas at lipunan.
Mga ibong inaalagaan at ikinukulong sa hawla upang hindi makalipad palabas.
Mga Aprikanong inaapi at biktima ng diskriminasyong ginagawa ng mga amerikano.
Alog na ang baba, makapal ang mukha, kapit patalim, gintong kutsara
ito ay mga halimbawa ng?
Matatalinghagang salita
Simbolismo
