NEW
Font size
WorksheetsAP4-4th-PT
Total questions: 75
Worksheet time: 56mins
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas?
Pagka-Pilipino
Pagkamakabayan
Pagkamamamayan
Pagkamakatao
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?
Si Russell na isinilang sa Amerika
Si Princess na ang ama at ina ay parehong Pilipino
Si Marco na anak ng mag-asawang Hapones na matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
Si Dina na ang ama ay Chinese at ang ina ay Vietnamese na may malaking negosyo sa Pilipinas.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan?
katutubo at naturalisado
Jus Soli at likas
Jus Sanguinis at naturalisado
Jus Soli at Jus Sanguinis
Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?
Ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987.
Ang isang batang may ama o ina na mamamayang Pilipino.
Ang isang taong isinilang sa Canada.
Ang mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ayon sa batas.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit muli. Ano ang angkop na paglalarawan sa pahayag?
Ito ay may katotohanan.
Ito ay isang haka-haka.
Ito ay opinyon lamang.
Ito ay walang katotohanan.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Si G. Ackerman na galing sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang pagkamamamayan ni G. Ackerman?
Siya ay isang Amerikano.
Siya ay isang katutubong Pilipino.
Siya ay naturalisadong Pilipino.
Siya ay isang Pilipino.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng magulang?
Jus soli
Naturalisado
Pandarayuhan
Jus sanguinis
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod, maliban sa isa.
Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.
Nakamit lamang niya ang kanyang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit ng 21 taong gulang.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
May dalawang uri ng ang pagkamamamayan: ang likas o katutubo at naturalisado. Ano ang ibig sabihin ng likas o katutubong pagkamamamayan?
Ang mga mamamayang anak ng isang Pilipino.
Ang mga mamamayang maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang ay Pilipino.
Ang mga mamamayang parehong mga Pilipino ang mga magulang.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Piliin ang titik ng tamang sagot:
Sino sa mga sumusunod na mga dayuhan ang maaaring mabigyan ng pribilehiyong maging Pilipino?
Si G. Miller na sumasalungat sa nakatatag na pamahalaan ng Pilipinas.
Si Bb. Dy na mula sa bansang nagbabawal sa kanilang mamamayang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.
Si G. Choi na nagmamay-ari ng ilegal na pasugalan.
Si Gng. Tan na sumusuporta sa mga kaugalian at tradisyong maka-Pilipino.
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Julius ay anak ng isang Aeta at isang Kapampangan . Naninirahan sila sa Maynila.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si G. Sy na isang Tsino ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Andrew na isang Africano at bumisita sa Pilipinas upang makita ang magagandang lugar dito.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Marvy na isang Australyano at nag-aaral sa Pilipinas.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Jennilyn ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay Hapones.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si G. Mercado ay isang sundalong Pilipino. Nang sumiklab ang World War II, siya ay nakipagtulungan at umanib sa mga sundalong Hapones.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Vanessa na nanumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Akihito na isang Hapones at nagtatrabaho sa Pilipinas.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Gng. Park na isang Koreana ay pabalik-balik sa Boracay tuwing summer.
Pilipino
Hindi Pilipino
Sino sa kanila ang maituturing na isang Pilipino?
Si Martha ay ipinanganak sa Maynila. Ang kaniyang ama at ina ay Vietnamese.
Pilipino
Hindi Pilipino
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
Makapagtayo ng negosyo
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
Bumoto o pumili ng pinuno ng bansa
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
makapili ng mapapangasawa o makapag-asawa
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
makapaglakbay o tumungo sa ibang bansa
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
makapili ng maayos na trabaho
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
malayang maipahayag ang mga hinaing at mungkahi
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
tumangging maging saksi sa isang krimen
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang ng nasasakdal
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
manahimik tungkol sa isang kasong kinasasangkutan
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapata ng nasasakdal
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
ipagtanggol ang sarili sa batas
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapata ng nasasakdal
Tukuyin kung anong uri ng karapatang konstitusyonal ang sumusunod.
magsampa ng kaso upang ituwid ang mga naging paglabag sa karapatan
Karapatang Politikal
Karapatang Sibil
Karapatang Sosyal
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
tumangging maging saksi laban sa sarili.
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
harapin at tanungin ang mga saksi laban sa kanya
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
mabigyan ng mabilis, makatarungan, at pampublikong paglilitis.
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
pinaniniwalaang may sala hangga’t hindi napatunayan na walang kasalanan.
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
maging pribado ang pakikipag-ugnayan o kuminikasyon
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
mabuhay, maging malaya, magkaroon ng ari-arian at pantay na pangangalaga ng batas
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
makapili ng pananampalataya o relihiyon
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
manirahan (sa iba’t-ibang bahagi ng bansa) at makapaglakbay
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
magkaroon ng ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papales, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
magpahayag o makapagsalita, makipagpulong o sumali sa mapayapang pagtitipon at magpetisyon sa pamahalaan
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
magtatag ng mga asosasyon, mga union, o mga kapisanan na may mga layuning hindi lalabag sa batas
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
pumili ng abogado na magtatanggol sa paglilitis ng kasong kinasangkutan
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
pumili ng trabaho upang mabuhay ng marangal
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
makapagtayo ng negosyo
Tukuyin kung ito ay karapatang ng isang mamamayan.
manakit at mang-abuso ng kapwa
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang Politikal
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang Sibil
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang kumain
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang makapag-aral
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang Pangkabuhayan
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang ng nasasakdal
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang pumili ng tahanan
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang pumili ng mapapangasawa
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang sosyal
Tukuyin kung ito ay uri ng karapatang konstitusyonal:
Karapatang politikal
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Mga magulang na nag-uutos sa kanilang mga anak na gumawa ng mga hindi mabuting gawain
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagnanakaw ng mga ari-arian ng iba
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagsali sa mga samahang naglalayong bagihin ang ating bansa tulad ng mga terorista
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagpatay ng kapwa dahil sa masamang intension o layunin
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
paggalang sa paniniwala o relihiyon ng iba
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Mga magulang na nang-aabuso at nanakit ng kanilang mga anak
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagpapasabog ng bomba kung saan-saan upang lumikha ng kaguluhan at takot sa mga mamamayan
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagsasamantala sa pagtitiwala ng kapwa
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay halimbawa ng paglabag sa karapatan ng mamamayan.
Pagtangkilik sa produkto ng ating bansa
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Si Annie ay tumatayo nang matuwid at inaawit ang Lupang Hinirang ng may pagpupugay at pagmamahal.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Si Bb. Castillo ay tapat na nagbabayad ng buwis mula sa kanyang negosyo.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Ang pamilya Faustino ay patuloy na tinatangkilik ang produktong Pilipino.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Si Mario na isang mag-aaral sa pampublikong paaralan ay hindi pumapasok sa klase dahil nalulong na ito sa paglalaro ng computer games.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Tinutuligsa ni Armand ang relihiyon ni Michael dahil iba ito sa kanyang paniniwala.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Tinuturuan ni Aling Marissa ang kanyang mga anak na ihiwalay ang basurang nabubulok at di-nabubulok.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Ang mga residente ng 8th Avenue sa lungsod ng Caloocan ay nagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Sinisira ng magkaibigang Ariel at Mico ang palaruan sa parke na malapit sa kanilang bahay.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Pumipili ng magaling at tapat na lider si Marissa tuwing eleksyon.
A
B
Piliin ang A kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayang Pilipino at B kung hindi.
Nag-aaral nang mabuti si Elena upang balang araw ay makakuha ng magandang trabaho.
A
B
