WorksheetsESP 7 3RD QRT REVIEWER (S.Y.2022-2023)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anumang kaganapan sa buhay.
BIRTUD
MORAL
KARUNUNGAN
PAGPAPAHALAGA
Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
KALAYAAN
KARUNUNGAN
KATARUNGAN
KATATAGAN
Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo dito? (value).
Ito ay nagmumula sa ibang tao.
Ito ay obheto ng intensyonal ng makasariling pagnanais
Ito ay hindi nagbabago kahit ano pa ang lugar at panahon ng isang tao.
Ito ay nagmumula sa sarili at intensiyonal na damdamin depende sa tao, lugar at panahon.
Kasabay ng pagiging isang mabuting indibiduwal ang pagkakaroon ng tamang gawi at aksiyon. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawi ang higit na magpapalalim ng pagpapahalaga na mayroon ang isang indibiduwal?
Pagsunod sa nakatatanda kung kinakailangan.
Pagiging matatag sa anumang pagsubok sa buhay.
Palagiang pagtatanong kahit kanino bago magdesisyon.
Pagdalo sa mga gawaing pampaaralan upang mabigyan ng mataas na marka ng guro
Sa paanong paraan mahuhubog ng isang tao ang kaniyang Birtud upang maging isang mabuting kabahagi ng lipunan?
Gumawa nang naaayon sa kinakailangang ng lipunan.
Makikisama sa kung ano ang ipinapakita ng iyong kapuwa.
Maging isang mabuting mag-aaral na upang kagiliwan ng iba.
Isabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mula sa pamilya, sa paaralan, at maging sa mga karanasan sa buhay.
Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______.
katarungan
maingat na paghuhusga
responsibilidad
lahat ng nabanggit
Nagdalawang isip kang sabihin sa iyong magulang na bumagsak ka sa pagsusulit. Subalit sa huli ay nagdesisyon kang sabihin ito sa kanila. Ano ang aspekto ng iyong pagkatao ang umiiral?
birtud
moral
konsensya
pagpapahalaga
Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahang maipakita at maisabuhay ang tamang gawi? Ito ay ang pagbuo ng _____________________.
mabuting kalooban
tamang pagpapasaya
pabago-bagong paghuhusga
moral na paghuhusga base sa napakinggan
Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng mabuting gawi kapag:
Gumagawa ng kabutihan ang tao upang mapuri at pasalamatan ng kapuwa.
Isinasagawa ang tama ayon sa kagustuhan ng iba at hindi ng sarili.
Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga sinasabi ng iba.
Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama
Alin sa sumusunod na kilos ang higit na nagpapakita ng pagsasabuhay ng ispirituwal na pagpapahalaga tungo sa pagpapahalagang pangkagandahan?
Pagbabasa ng inspirational books.
Paglalaan ng oras sa pananalangin.
Pag-iingat sa mga pansariling kagamitan.
Pagkilala sa kahalagahan ng mga nilikha ng Diyos.
Palaging isinasagawa ni Jun ang paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa.Ano ang kanyang higit na pinapahalagahan?
Maiangat ang mabuting kalagayan ng buhay.
Maihanda ang sarili sa gantimpala at papuri.
Matugunan ang pangangailangan ng nakararami.
Mapataas ang kanyang ispiritwal na pagpapahalaga.
Kahit may kapansanan si Rick ay sinisikap niyang makapasok sa klase araw-araw. Ano ang higit na makabuluhan para sa kaniya?
Maging mabuting anak.
Mapalakas ang katawan.
Maging masaya sa buhay.
Mapahalagahan ang pag-aaral
Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
pambuhay
banal
Pandamdam
ispiritwal
Ito ang tumutukoy sa ating mga naisin sa buhay na malayo pa sa ating kasalukuyang kalagayan
pangarap
pantasya
bokasyon
panaginip
Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa pangarap.
Ang kahirapan ay hadlang sa pag-abot ng pangarap.
Lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap.
Ang pangarap ang magsisilbing gabay at pamantayan upang tayo ay mag-sumikap sa buhay.
Paunlarin ang iyong pansariling kakayahan o talento upang makamit at maging matagumpay sa iyong pangarap.
Ito ay isa sa mahalagang salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng kursong akademiko at hanapbuhay.
Mithiin
kakayahan
Pagpapahalaga
Katayuang Pinansyal
“Ang susi sa tagumpay ay ang pagpokus ng ating isipan sa mga gusto natin, hindi sa kinatatakutan natin”. Ang pahayag na ito ay _______
Tama, dapat nakasentro ka sa mga gusto mong makamit sa buhay at huwag kang matakot sumubok.
Mali, dahil hindi tayo perpekto, may mga kahinaan tayo na dapat tingnan.
Tama, dahil ang susi ng tagumpay ay nasa ating sarili.
Mali, dahil ang tunay na susi ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng maraming pera
Ito ay isang proseso na makatutulong at makapagbibigay-gabay sa bawat isa sa pagpili ng karera o trabahong papasukan
kurso
bokasyonal
Mithiin
Career Planning
.Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMART A ay ___________
S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound. A-affordable
S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action oriented
S-specific, M-manageable, A- attainable, R-relevant, Time-bound A-action oriented
S-specific, M-measurable, A- Attainable, R-refreshing, T-time-bound, A-action oriented
Bata pa lang si Cedes ay hilig na niya ang pagluluto. Sa kasalukuyan, ang paggawa ng cakes ang kanyang pinagkakakitaan. Alin sa mga sumusunod na salik sa pagtupad ng mga pangarap ang unang isinaalang-alang ni Cedes?
hilig
talento
mithiin
kasanayan
Ang kahusayan sa paggawa, pagtanggap sa mga pagbabago, pagharap sa publiko, at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ay nagpapakita ng ____________.
Time Values
Career Values
Work Values
Behavior Values
Ito ang paglalagay ng takdang panahon kung hanggang kailan natin dapat makamit at matupad ang ating mithiin.
Specific
Time-bound
Measurable
Action-Oriented
Ano ang mahalagang hakbang sa pagpili ng iyong kukuning potensiyal na kurso sa kolehiyo batay sa pamantayan ng pagbuo ng iyong career plan?
Eksperimento
Pananaliksik
Pagtatasa sa Sarili
Paggawa ng Desisyon
Ang on-the-job-training (OJT) at part-time na trabaho ay ilan sa paraan para sa paghahabi ng mga karanasan ni Remoh. Sa anong dahilan ito naging bahagi ng eskperimento bilang hakbang sa proseso ng pagpaplano ng iyong career para sa paglalapat ng pansarili mong career plan?
Mabilis na ma-promote o tumaas ang ranggo sa trabaho.
. Nagbibigay ito ng respeto at maranasan mo ang tungkulin ng iyong katrabaho.
Gayahin mo ang lahat ng iyong mga katrabaho para ikaw naman ang sumikat.
Oportunidad na masuri mo ang “totoong mundo” bilang mas mataas ka sa iyong katrabaho.
Sa paggawa ng desisyon ay malalimang pagsusuri at pagtimbang sa mga kahinaan at kalakasan ng opsiyon sa karera na iyong pinili o sinaliksik ay mahalaga. Bakit ito mahalaga sa iyong pagpapaplano ng iyong nais na career plan?
Makapili ng kursong magbibigay ng malaking sweldo.
Makapili ng kursong magtataguyod ng pansariling tagumpay sa trabaho.
Makagawa ng desisyon tungkol sa trabahong magpapaunlad sa kakayahan.
Makapagdesisyon tungkol sa trabahong magpapasikat upang ma-promote agad
