wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mahabang Pagsusulit sa Ikatlong Markahan

Total questions: 25

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang tumutukoy sa isang kalagayan na mas malaki ang nagastos kaysa sa pumasok na kita sa kaban ng bayan.

a)

budget surplus

b)

budget revenue

c)

budget deficit

d)

balance budge

2.

Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng Ekonomiya?

a)

Kalakalan sa loob at labas ng bansa

b)

Kita at gastusin ng pamahalaan

c)

Transaksyon ng mga institusyong pampinansyal

d)

Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

3.

Si Mang Carl Bobadilla ay isang magsasaka na nabiyayaan ng lupang masasaka mula sa Reporma sa Lupa ng pamahalaan. Sa kaniyang halos tatlong dekada na pagiging kasama, ang naging pangunahing suliranin ngayon ni Mang Carl Bobadilla ay ang kakulangan sa pondong magagamit sa pagbili ng binhi at pataba. Sa anong uri ng bangko sya maaring umutang?

a)

Commercial Bank

b)

Rural Bank

c)

Specialized Government Bank

d)

Thrift Bank

4.

Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?

a)

Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksyon.

b)

Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.

c)

Pagkontrol sa supply ng salapi upang maiwasan ang labis na paggasta sa ekonomiya.

d)

Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ng karagdagang paggasta.

5.

Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili niya ng isang kilong isda sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang magiging halaga ng isang kilong isda?

a)

Php 95.00

b)

Php 100.00

c)

Php 105.00

d)

Php 110.00

6.

Bilang isang empleyado sa isang pribadong kompanya, upang ikaw ay mabigyan ng seguro sa iyong pagkakasakit, pagkabalda, pagdadalang tao, pagreretiro, at pagkamatay, ikaw ay dapat na miyembro sa anong ahensya ng pamahalaan?

a)

DSWD

b)

GSIS

c)

Pag - IBIG

d)

SSS

7.

Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ay tinatawag na ____________.

a)

Cost-push

b)

Demand-pull

c)

Inputs

d)

Shortage

8.

Ang mga kompanyang nagbebenta ng “Single Plan” o “Multi-plan” na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission na nagkakaloob ng seguro sa takdang panahon tulad ng pag-aaral, benepisyo sa pagreretiro at ilan pang serbisyo ay tinatawag na _______________.

a)

overnment Insurance Company

b)

Pre-Need Insurance Company

c)

Pawnshop

d)

Social Security System

9.

Ang Statement of Asset Liabilities and Net Worth ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari, pagkakautang, negosyo at iba pang financial interest ng isang empleyado kasama ang kaniyang asawa at mga anak na wala pang 18 taon gulang na dapat ipasa kada taon ng mga nagtatrabaho sa ___________.

a)

Overseas Contract Worker

b)

Pampublikong Tanggapan

c)

Pinuno ng Kagawaran ng Pamahalaan

d)

Pribadong Korporasyon

10.

Ang sektor ng pananalapi sa isang bansa ay binubuo ng mga institusyong pinansyal na nagtutulongtulong upang maging matatag ang ekonomiya. Ang mga institusyong ito ay tinatawag na _________.

a)

bahay-sanglaan

b)

bangko

c)

kompanya ng seguro

d)

rust companies

11.

Sa pambansang badyet, dito binubuo ng bawat kagawaran ang kani-kanilang badyet. Kinokonsolida naman ng DBM ang bawat badyet at susuriin ito at ipapasa sa Pangulo ng bansa. Ito ay tinatawag na

a)

Budget Authorization

b)

Budget Accountability

c)

Budget Execution

d)

Executive Preparation

12.

Ito ang ginagamit sa pagsukat ng implasyon.

a)

Current GNP

b)

Nominal GNP

c)

Price Index

d)

Real GNP

13.

Kapag matamlay ang ekonomiya, anong patakarang pananalapi o “monetary handles” ang maaring gamitin para mapasigla ito?

a)

Bumili ang pamahalaan ng Bonds o Securities sa Open Market upang madagdagan ang suplay ng pera

b)

Gamitin ang Contractionary money policy

c)

taas ang Discount Rate Upang mabawasan ang pondo ng bangko na ipinapautang

d)

Maaring itaas ang Reserve Ratio Requirements upang mapilitang magtaas ng interes ang mga banko.

14.

Kapag nais ng pamahalaan na ipatupad ang Expansionary Fiscal Policy, alin sa mga pahayag ang maaari nitong isagawa?

a)

Bawasan ang paggasta tulad ng paggawa ng mga panibagong proyekto.

b)

Ibaba ang buwis at dagdagan ang paggasta tulad ng paggawa ng mga bagong proyekto.

c)

Ipatupad ang Budget Surplus.

d)

Taasan o gumawa ng panibagong buwis.

15.

Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo ng mga kalakal at paglilingkod sa ekonomiya?

a)

. Deplasyon

b)

Depresasyon

c)

Implasyon

d)

Resesyon

16.

Ang Consumer Price Index ay isang economic indicator na ginagamit bilang panukat. Ano ang sinusukat ng CPI?

a)

Dami ng populasyon

b)

Kawalan ng trabaho

c)

Kita ng manggagawa

d)

Pagbabago sa halaga ng produkto at serbisyong pangkonsumo

17.

Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan.

a)

Cost-push inflation

b)

Demand pull inflation

c)

Great depression

d)

Hyperinflation

18.

Ito ay isa sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita kung saan ito ay nabibilang sa paraan ng paggastos (expenditure approach) na tumutukoy sa mga gastusin ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit at serbisyo.

a)

Gastusing personal

b)

Gastusin ng pamahalaan

c)

Gastusin ng mga namumuhunan

d)

Gastusin ng panlabas na sektor

19.

Ano ang tawag sa halaga ng kita o tubo na nakukuha sa pamumuhunan?

a)

Interes

b)

Kapital

c)

Sweldo

d)

Upa

20.

Ang patakarang tumutukoy sa paglalaan at pangangasiwa sa alokasyon, gastusin at pagbubuwis ng pamahalaan upang mapatatag at mapalago ang gawaing pang-ekonomiya ng bansa ay:

a)

Patakarang Pananalapi

b)

Patakarang Panlipunan

c)

Patakarang Piskal

d)

Patakarang Pulitika

21.

Sa Ikalawang modelo, isinasagawa ng bahay kalakal at sambahayan ang mga gawaing pang-ekonomiya sa pamilihan. Sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon, alin sa dalawang sektor ang nagkakaloob ng kalakal at serbisyo?

a)

Sambahayan

b)

Bahay kalakal

c)

Parehong ang sambahayan at bahay kalakal

d)

Wala sa pagitan ng sambahayan at bahay kalakal

22.

.Ito ang tagapag-ugnay sa pagitan ng bahay-kalakal at sambahayan upang maihatid ang mga nilikhang produkto at serbisyo

a)

Pamilihang Pinansyal

b)

Pamilihang panlabas

c)

Pamilihan ng salik ng produksyon

d)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

23.

Ano ang institusyong di-bangko na nangangasiwa o nagbibigay ng seguro (insurance) sa mga Kawani ng pribadong sektor?

a)

GSIS

b)

NHA

c)

Pag-IBIG Fund

d)

SSS

24.

Bilang bahagi ng sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya, alin sa sumusunod ang higit na naaapektuhan kapag ikaw ay nag-iimpok?

a)

Pagkonsumo

b)

Pagpapalitan

c)

Pamumuhunan

d)

Produksiyon

25.

Upang matugunan ng pamahalaan ang implasyon ng bansa, alin sa mga sumusunod na instrumento ang ginagamit upang kontrolin ang supply ng salapi

a)

Pagbaba ng reserve requirements

b)

Pagbaba sa singil na buwis

c)

Pagpapatupad ng easy money policy

d)

Pagpapatupad ng tight money policy