NEW
Font size
Worksheets3rd Quarter Reviewer - AP 10
Total questions: 18
Worksheet time: 12mins
Batay sa ulat ng Philippine Commission on Women (PCW), 23 kababaihan o kabataan ang nabibiktima ng rape o panggagahasa kada araw. Anong edad ang kadalasan naging biktima nito?
Lima hanggang labing anim na taong gulang
Isa hanggang labing pitong taong gulang.
Tatlo hanggang labing pitong taong gulang
Isa hanggang labing walong taong gulang.
Ang female genital mutilation o pagtutuli sa kababaihan ay ritwal na isinasagawa sa Africa, Middle East at ilang bansa sa Timog Asya. Bakit ito itinuturing na halimbawa ng diskriminasyon?
Ito’y mapanganib at walang benepisyo sa kalusugan ng kababaihan
Ito’y nagdudulot ng takot at pangamba
Ito’y hadlang sa pag-aasawa ng kababaihan
Ito’y nagdudulot ng mababang pagtingin sa kababaihan
Maraming mga kababaihan ang nakakaranas ng diskriminasyon sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng diskriminasyong nararanasan ng kababaihan sa trabaho?
Pagtanggap sa trabaho ng aplikanteng may asawa.
Pagpromote sa mga mahuhusay na manggagawang babae.
Pagbibigay ng management training upang tumaas ang kasanayan ng kababaihan.
Magkaibang sahod ng lalaki at babae sa parehas na posisyon.
Maraming tao ang nakakaranas ng diskriminasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Paano mababago ang mga restriksyon sa kababaihan na nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
Pagboto sa mga babaeng pulitiko upang tumaas ang representasyon sa pamahalaan.
Pagpapalabas ng mga programa na tumatampok sa tagumpay ng kababaihan.
Pagmulat sa kaisipan at kamalayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng
edukasyon para sa lahat.
Pagsasagawa ng mga webinar para sa mga kababaihan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), dumadami ang biktima ng karahasan. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan?
anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o mental na
pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o
kalayaan
anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon
Lahat ng nabanggit
Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang (properties) ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
Mababawi niya ang mga ari-ariang (properties) ibinigay sa kaniya sa panahon ng kanilang pagsasama.
Makukuha niya ang pag-aalaga (custody) ng kanilang mga anak.
Maaari siyang magsampa ng demanda.
Wala siyang makukuhang anomang pag-aari (properties).
Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa babae.
Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
Kinikilala ng simbahan ang positibong kontribusyon ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa lipunan.
TAMA
MALI
Si Boy Abunda ay sikat na TV host, talent manager at celebrity endorser. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng kapareha na lalaki. Ang pagkakakilanlan niyang kasarian ay Homosekswal.
TAMA
MALI
Ang mga bisekswal ay mayroong emosyonal at pisikal na atraksiyon sa babae at lalaki.
TAMA
MALI
Ang oryentasyong sekswal (sexual orientation) ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal para sa isang indibidwal. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kategorya ng sexual orientation?
HETEROSEXUAL
LOMOSEXUAL
HOMOSEXUAL
BISEXUAL
Ang seksuwalidad ay biyolohikal na katangian ng babae at lalaki samantalang ang kasarian ay impluwensiya ng kultura.
TAMA
MALI
Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine o feminine. Ano ang tawag sa mga kilos, gawain at panlipunang gampanin na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
SEXUAL ORIENTATION
GENDER
SEX
HOMOSEXUAL
Ang kasarian ay nakabatay sa paniniwalang panlipunan at maaring mabago.
TAMA
MALI
Tuwing Araw ng Kagitingan, Abril 9, ginugunita natin ang Fall of Bataan. Ayon sa
R.A. 3022 na batas ang nagdedeklara sa Bataan na nagtatalaga sa ika – 9 ng Abril bilang Bataan Day na kalaunan ay naging “Araw ng Kagitingan"
TAMA
MALI
Taon-taon ginugunita ang Semana Santa sa Pilipinas. Isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino tuwing Semana Santa ay ang “Pabasa.” Ano ang tawag sa maliit na kapilya na may palamuti ng dahon ng saging kung saan ginagawa ang pabasa o pasyon?
ALTAR
PUNI
CHAPEL
HARDIN
Naging matagumpay ang EDSA People Power Revolution I dahil sa pakikisama ng iba't ibang sektor ng lipunan, pagiging mapayapa ng pag-rally, at pagsuporta ng mga sundalo.
TAMA
MALI
Maraming pagpapahalaga at pagpapakita ng identidad at kultura ng mga Muslim sa lipunan. Bakit
mahalaga sa mga Muslim na ipagdiwang ang Eid’l Fitr?
Dahil may pagkakataon ang mga Muslim na kumain hangga’t gusto nila nang walang oras na inaalala.
Dahil nagpapakita ng pagtatapos ng Ramadan, kung saan ipinagdiriwang nila ang kanilang tagumpay matapos ang mahabang panahon ng pag-aayuno
Dahil makakaalis at makakapunta ang buong mag-anak sa Saudi Arabia.
Wala sa nabanggit
