NEW
Font size
WorksheetsREVIEW QUIZ 7_3rd quarter Fil
Total questions: 43
Worksheet time: 18mins
May DUMI sa ulo
IKAKASAL sa LUNES.
Inalis, INALIS
Ikakasal sa LUNES.
Palaisipan
tugmang de gulong
Awitin o Tulang Panudyo
Bugtong
Ano ang iba pang tawag sa awit panudyo?
Tugmang Patula
Tugmang Panlaro
Tugmang Walang Diwa
Tugmang Paawit
Ito ay isang uri ng akdang patulang may layuning manlibak, mang-inis, mang-uyam o manukso.
Palaisipan
tugmang de gulong
Awitin o Tulang Panudyo
Bugtong
Ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper at ng mga pasahero sa dyip,
bus at iba pang transportasyon?
Palaisipan
tugmang de gulong
Awitin o Tulang Panudyo
Bugtong
Sa pamamagitan nito, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita natutukoy ang kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita
sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
Semantika
Ponolohiya
Sintaks
Ponemang Suprasegmental
Sa pakikipagtalastasan, paano mo matutukoy ang kahulugan, layunin o intensiyon ng pahayag
o ng nagsasalita?
Pagbibigay nito ng paliwanag
Emosyong ipinapakita ng mga mata
Pagbukas ng bibig at pagkumpas ng kamay nito
Sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas
at pagsasalita
Ano ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita ang isang tao.
Mas maganda ang pagsasalita.
Magiging mas malinaw ang pagsasalita.
Hindi malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig.
Mabilis at mas nakatitipid ng oras.
Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas at isinusulat
ang diin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
/tu:bo?/
/TU:bo/
/tu:boh/
/tu:BO/
Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, ako ang doktor.”
Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang doktor.
Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya doktor
Ipinapaliwanag ng nagsasalita na hindi siya ang doktor.
Ang nagsasalita ay nagsasabing siya ang doktor na maaaring siya’y pinagkamalang iba
Ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper at ng mga pasahero sa dyip,
bus at iba pang transportasyon?
Palaisipan
tugmang de gulong
Awitin o Tulang Panudyo
Bugtong
Ito ay itinuturing na pinakamatandang tula sa kulturang Pilipino.
dula
karunungang-bayan
maikling kuwento
alamat
Piliin ang nawawalang salita upang mabuo ang diwa ng tugmang de gulong.
“Sitsit ay sa aso
Katok ay sa pinto
__________ ang para
Sa tabi tayo’y hihinto.”
isenyas
isigaw
isulat
sundin
Alin sa sumusunod na tula ang halimbawa ng tulang panudyo?
Barya lang po sa umaga.
“Ale, aleng namamangka
Isakay mo yaring bata
Pagdating mo sa Maynila
Ipagpalit ng kutsinta”
Ang anak ay nakaupo na, Ang ina’y gumagapang pa.
Anong mayroon sa aso, na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit mayroon sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?
Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas at isinusulat
ang diin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
/tu:bo?/
/TU:bo/
/tu:boh/
/tu:BO/
Bata batuta! Isang perang muta! Ito’y isang halimbawa ng _______
Palaisipan
tugmang de gulong
Awitin o Tulang Panudyo
Bugtong
Bugtong-bugtong, hinila ko ang tadyang, lumipad ang tiyan. Ano ito ________?
payong
upuan
tsinelas
palong
Ano ang damdaming ipinahahayag ng kasunod na saknong?
“Putak, putak
Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!”
nanunudyo
naiinis
nagagalit
natutuwa
Kung ang bugtong ay binalangkas ang pahayag sa paraang ang sasagot ay mag-iisip
ng bagay na katumbas ng ipinahayag, ano naman ang anyo at kakayahang sinusukat
ng palaisipan?
Isang uri ng akdang patulang may layuning manlibak, mang-inis, mang-uyam o manukso. Kalimitang may himig itong magbiro
Nasa anyong tuluyan na sinusukat ang katalasan ng isipan at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.
Mula sa mitong pinamagatang Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan, anong paniniwala
ng ating mga ninuno ang sinasalamin sa nasabing akda?
Sa mundo, maraming bagay-bagay, pisikal at espiritwal ang nasa kapaligiran.
May makapangyarihan na tagapagdulot ng kabutihan at tagausig ng kasamaan.
Ito ay ang elemento ng mito kung saan panandaliang nagtatagpo ang mga tauhang nasasangkot sa suliranin.
simula
kakalasan
kasukdulan
saglit na kasiglahan
Ito ay elemento ng mito na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.
Tagpuan
Banghay
Tauhan
Tunggalian
Ito ay elemento ng mito na tumutukoy sa lugar, kalagayan ng bansa at panahon
ng pinangyarihan ng kuwento.
Tagpuan
Banghay
Tauhan
Tunggalian
Bakit itinuturing na matandang panitikan ang mga kuwentong-bayan tulad ng mito?
Sapagkat repleksyon ito ng sinaunang kalinangan at kabihasnan
dahil nagtataglay ito ng elemento ng tauhan, tagpuan, banghay
dahil karaniwang paksa ng kuwento ay tungkol sa mga anito, diyos at diyosa
dahil matagal na itong naisulat sa kasaysayan at bahagi na ng kulturang Pilipino
"Dapat mong malaman na ang karahasan ay nagdudulot ng kapahamakan." Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito ni Mariang Sinukuan?
Masama ang nagiging epekto ng karahasan.
Ang kabutihan ay dapat pairalain sa kapwa.
Walang magandang maidudulot ang init ng ulo.
Kasamaan at kaguluhan lamang ang maidudulot ng galit
Sinasabing sa isang maganda at mataas na bundok sa Gitnang Luzon sa Bundok Arayat,
naninirahan ang isang magandang diwata. Anong elemento ng mito nabibilang ang pahayag?
Tauhan
Tagpuan
Kasukdulan
Kakalasan
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong Martines. Ipinatawag niya si Martines sa kanyang hukuman. Halos madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ni Martines ang sirang pugad at basag na mga itlog nito. Anong elemento ng mito nabibilang ang pahayag na ito?
wakas
simula
tunggalian
suliranin
“Sa huli, upang mabisita ni Tungkung Langit ang kanyang dating asawa, kailangan niyang mag-anyong ulan. Ulan na didilig sa daigdig na nilikha ng kanyang iniibig na si Alunsina. Aling salita sa pahayag ang ginamit na hudyat ng wakas ng kuwento?
kailangan
upang
sa huli
ulan
___________ng Laguna, may dalawang magkapatid na kilala sa taglay nilang kagandahan.
Anong angkop na pahayag ang dapat gamitin sa pangungusap?
Kaya sa unang pangyayari sa
Mula noon
Sa malayong bayan
Sa bandang huli
Mula noon hindi na nagbalik si Alunsina sa kalangitan. Paminsan -minsan sinusubok
siyang pabalikin ni Tungkung Langit sa pamamagitan ng kidlat at kulog. Anong bahagi ng kuwento ginagamit ang salitang nakasalungguhit?
wakas
simula
tunggalian
banghay
Noong unang panahon may isang maganda at mataas na bundok sa Gitnang Luzon. Naninirahan ang isang magandang diwata sa Bundok Arayat. Ang diwata ay si Maria Sinukuan. Isang mabait at makatwirang diwata. Anong bahagi ng kuwento ginamit ang salitang nakasalungguhit?
wakas
simula
tunggalian
banghay
Sa sanaysay ni Abigael Yuson Lee na pinamagatang Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet,
alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI pangunahing kaisipan?
Lahat ay puwedeng gumamit ng internet.
Ang lahat naman ay magagawan ng paraan.
Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita.
Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapagisip.
Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon kung kaya’t
malaya kaming nakapagpapahayag ng saloobin o opinyon. Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba’t iba naming reaksiyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Anong kaisipan nabibilang ang pahayag na, Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan?
Pantulong na Kaisipan
Pangunahing Kaisipan
Tayutay at Idyoma
Matalinghagang pahayag
Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon kung kaya’t malaya kaming nakapagpapahayag ng saloobin o opinyon. Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba’t iba naming reaksiyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan.
Anong kaisipan nabibilang ang pahayag na, ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba’t iba naming reaksiyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan?
Pantulong na Kaisipan
Pangunahing Kaisipan
Tayutay at Idyoma
Matalinghagang pahayag
Ito ay malinis ngunit halatang luma na, palibhasa ang kanyang damit ay kupas na
at punong-puno pa ng sulsi. Ano ang ginamit na kataporik sa pangungusap?
ay
ito
ang
pa
Mula noon ay naging kaibigan na _____ ang mga kaklase kaya naman ang bata
ay naging masaya. Anong angkop na panghalip ang maaaring ipalit sa bata?
sila
sila
ako
niya
Ipinagmalaki ng batang mahirap na siya ay may sandaang damit sa bahay.
Ano ang ginamit na anaporik sa pangungusap?
sila
sandaang damit
ipinagmamalaki
batang mahirap
May batang babaeng mahirap ngunit nag-aaral _______. Anong angkop na panghalip
ang maaaring ipalit sa batang babae?
siya
ako
sila
niya
Sa huling bahagi ng dulang pantelebisyon na Miracle in Cell No. 7, naging abogado si Yesha
na ginagampanan ni Bela Padilla at ipinaglaban ang inosenteng ama laban sa maling paratang
kahit sa kamatayan. Anong elemento ng dula ang tinutukoy sa pahayag?
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Epektong Tunog
Si Joselito (Aga Muhlach), sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 ay may kapansanan sa pag-iisip.
Naakusahan at napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Siya ay isang
mapagmahal at responsableng ama sa kabila ng kanyang kapansanan. Anong elemento
ang tinutukoy ng pahayag?
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Epektong Tunog
“Aling Tess naman, alam naman po ninyong hindi masamang tao si Tanggol. Baka lang po kasi hindi ninyo siya naiintindihan.” Mula sa dulang pantelebisyon na Batang Quiapo,
anong elemento ng dula ang pokus ng pahayag?
Tauhan
Tagpuan
Dayalogo
Epektong Tunog
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya maging sa ibang bansa kung kaya’t marami ang naapektuhan. May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at eskwelahan. Ano ang pangunahing kaisipan sa talatang binasa?
Bumagsak ang ekonomiya.
Marami ang naapektuhan.
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya.
May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at nagsara ang eskwelahan.
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya maging sa ibang bansa kung kaya’t marami ang naapektuhan. May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at eskwelahan. Ano ang pantulong na kaisipan sa talatang binasa?
Bumagsak ang ekonomiya.
Marami ang naapektuhan.
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya.
May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at nagsara ang eskwelahan.
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya maging sa ibang bansa kung kaya’t marami ang naapektuhan. May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at eskwelahan. Ano ang pantulong na kaisipan sa talatang binasa?
Bumagsak ang ekonomiya.
Marami ang naapektuhan.
Ang COVID-19 ay isa sa mga nagpabagsak sa ating ekonomiya.
May ilang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga negosyo at nagsara ang eskwelahan.
