NEW
Font size
WorksheetsFilipino 9 ikatlong markahang pagsusulit
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Isa itong akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral at maaaring magsilbing gabay
sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ito ng matalinghagang pahayag na
lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
pabula
anekdota
parabula
talambuhay
Binubuo ito ng dalawa o tatlong salita at nakatutulong ang pagkakagamit nito sa loob ng
pangungusap upang lalong magkaroon ng tunay na kahulugan.
kasabihan
parabula
salawikain
sawikain
Ito ay patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon
upang mangaral at maging gabay sa pamumuhay, sa asal at pakikipag- kapwa ng mga
kabataan.
kasabihan
parabula
salawikain
sawikain
Isa itong parilalang nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o
totoo. Madali itong unawain at ipaliwanag dahil kung ano ang salita ganun din ang kahulugan.
kasabihan
parabula
salawikain
sawikain
Buong gabi na nagsunog ng kilay si Mark dahil pinaghahandaan niya ang ikatlong
markahang pagsusulit. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng nasalungguhitang parirala?
pagsisipag sa pag-aaral
sinunog ang kilay
naglaro ng apoy
naglinis ng kilay
Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan. Kung ikukumpara sa buhay, ang mga tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos, mayaman man o mahirap.
Ang pahayag sa itaas ay paliwanag ng kasabihan na
Daig ng maagap ang masipag.
Walang mahirap sa taong masikap.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli.
Ito ay akdang pampanitikan na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guning
nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay
elehiya
pabula
parabula
sanaysay
Ito ang elemento ng elehiya na tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang
gawain.
damdamin
kaugalian o tradisyon
simbolo
wikang ginamit
Ito ang mensahe o kaisipang nais ipahiwatig ng elehiya.
damdamin
tauhan
tema
wikang ginamit
Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa akda.
damdamin
kaugalian o tradisyon
simbolo
wikang ginamit
Ito ang emosyong nangingibabaw sa tula.
damdamin
tauhan
simbolo
wikang ginamit
I. Lubos na pighati ang nararamdaman II. Mga alaalang iyong iniwan
Sa mensaheng iyong ipinadala Pait ang dulot tuwing natakbo sa isipan
Na ako’y lilisanin na Hindi pa rin makapaniwala
Papunta sa lugar na milyon-milyon ang distansya Na ika’y lumisan na
Ano ang tema ng elehiya sa itaas?
biglaang pagkamatay ng lola
pag-alis ng isang mahal sa buhay
pagpanaw ng isang kapatid
pagpapakalayo ng isang mahal sa buhay
Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?
I. Lubos na pighati ang nararamdaman II. Mga alaalang iyong iniwan
Sa mensaheng iyong ipinadala Pait ang dulot tuwing natakbo sa isipan
Na ako’y lilisanin na Hindi pa rin makapaniwala
Papunta sa lugar na milyon-milyon ang distansya Na ika’y lumisan na
labis na kagalakan
labis na kalungkutan
labis na pagpapaubaya
labis na paglimot
Ito’y isang bahagi ng panalita na nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip.
lantay
pahambing
pasukdol
pang-uri
Antas ito ng pang-uri na karaniwang anyo ang ginagamit sa paglalarawan.
lantay
pahambing
pasukdol
pang-uri
Ginagamit ito sa pagtutulad o paghahambing ng dalawang pangngalan o panghalip
lantay
pahambing
pasukdol
pang-uri
Masidhi ang paglalarawan dito.
lantay
pahambing
pasukdol
pang-uri
May katangian itong namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
lantay
pahambing
pasukdol
pang-uri
Pinakamalungkot si Larz nang umalis si Lovely.
A B C D
Alin sa mga nasalungguhitan sa pangungusap ang pang-uring pasukdol?
a
b
c
d
Alin ang inilalarawang pangngalan?
Pinakamalungkot si Larz nang umalis si Lovely.
A B C D
A
B
C
D
Siya ay masaya dahil nanalo sila.
A B C D
Alin sa mga nasalungguhitan sa pangungusap ang pang-uring lantay?
A
B
C
D
Siya ay masaya dahil nanalo sila.
A B C D
Alin ang inilalarawang panghalip?
A
B
C
D
Mas matatakutin si Jestoni kaysa kay Paolo.
A B C D
Alin sa mga nasalungguhitan sa pangungusap ang pang-uring pahambing?
A
B
C
D
Dito ay kapwa tao ang kinakalaban ng pangunahing tauhan.
tao laban sa sarili
tao laban sa tao
Sarili mismo ang kinakalaban ng tauhan na maaaring may kinalaman sa pisikal na aspeto,
damdamin, pag-iisip o pag-uugali.
tao laban sa sarili
tao laban sa tao
tao laban sa Diyos
tao laban sa kalikasan
Ito ay tunggaliang madalas na nagaganap sa isipan at damdamin ng tao.
tao laban sa tao
tao laban sa sarili
tao laban sa Diyos
tao laban sa kalikasan
Nakikita ko ba ang aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking
sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban.
tao laban sa Diyos
tao laban sa kalikasan
tao laban sa sarili
tao laban sa tao
Palagi siyang nakatatanggap ng parusa. Pinapalo. Sinasabihan siya ng masasakit. Tamad!
Bobo! Tanga! Walang alam!
tao laban sa Diyos
tao laban sa kalikasan
tao laban sa sarili
tao laban sa tao
Ang labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa ay
pagkakaisa
paglalaban
pagkakagulo
tunggalian
Nagmula ito sa salitang Griyego na __________ na nangangahulugang “may ibig-sabihin”
o may “kahulugan.”
etumologia
ethimology
ethimologos
etimologia
Ang salitang Koran ay mula sa Arabik na salita na ________, banal na aklat ng Islam.
Coran
Curan
Qor’ān
Qur’ān
Ang ‘abāya ay mula sa wikang _________. Ito ay kasuotang pambabae.
Spanish
Greek
French
Arabic
Ang salitang moske ay mula sa salitang Arabic na masjid na nangangahulugang pook-
____________ ng mga naniniwala sa relihiyong Islam.
simbahan
sambahan
pampagpupulong
pampagtitipon
Isinasalaysay ng alamat na ito ang pinanggalingan ng pangalan isang tao, bagay o lugar
at kung bakit nagkaganoon.
etiological
non-etiological
non-supernatural
supernatural
Ang alamat na ito ay tumatalakay sa mga dakilang tao at sa pagpaparusa ng malaking
kasalanan, mga santo, mga supernatural na nilika at mga ibinaong kayamanan.
etiological
non-etiological
non-supernatural
supernatural
Ang cañao ay isinasagawa sa mga lugar tulad ng Tadian. Ang okasyong ito ay nangyayari hanggang sa kasalukuyan hindi lang sa nasabing lugar kundi sa iba pang mga lugar sa Cordillera tulad ng Benguet, Ifugao at iba pa.
Ang pangyayari sa itaas ay
makatotohanan dahil hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa
hindi makatotohanan dahil noon lang ito isinasagawa
makatotohanan dahil ngayon lang isinasagawa
hindi makatotohanan dahil walang ebidensiya
Araw-araw, nagsusuot ng personal protective equipment ang frontliners bilang proteksyon.
pamanahon
panlunan
pamaraan
Pabilis nang pabilis ang paggaling ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
pamanahon
panlunan
pamaraan
Araw-araw tayong magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap.
may pananda
walang pananda
nagsasaad ng dalas
nagbibilang ng poste
Ang hanapbuhay niya ay nagbibilang ng poste.
Napakarami ng poste sa bayan kaya nagbibilang ng poste si Philip.
Si Becky na may-ari ng kumpanya ng telebisyon ay nagbibilang ng poste.
Ayon sa sarbey ng barangay, parami nang parami ang nagbibilang ng poste dahil sa pandemya.
butas ang bulsa
Mabigat ang pitaka ni Mang Dolo kaya naging butas ang bulsa niya.
Hindi marunong manahi si Mang Luis kaya laging butas ang bulsa niya.
Butas ang bulsa ni Mang Lando kaya hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
Nakasalubong ni Ka Selo ang magnanakaw kaya tuloy naging butas ang bulsa niya.
“Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang loob sa iba?” Ang sinabing ito ng may-ari ng ubasan ay nangyayari sa buhay dahil may mga taong hindi natutuwa kapag umaangat ang iba. Tinatawag itong
bayanihan
isip-talangka
katapatan
ningas kugon
Nagalit ang kapatid ni Malou dahil sa ginawa niyang pang-aasar dito. Isinumbong niya ito sa kanilang mga magulang ________ pinangaralan siya na huwag nang uulitin ang kaniyang ginawa.
habang
kasi
kaya
ngunit
Sinabi ng kaniyang mga magulang na humingi siya ng tawad sa kanyang kapatid ______ hindi niya ito sinunod dahil sa tingin niya ay ang kapatid niya ang unang nang-asar sa kanya.
dahil
habang
kasi
ngunit
Kinabukasan ay kinausap niya ang kaniyang kapatid at sinabing hindi siya dapat nagsumbong sa kanilang mga magulang ________ siya naman ang naunang nang-asar sa kanya.
kasi
habang
at
ngunit
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na epos, ibig sabihin ay
awit
kabayanihan
katapangan
panulaan
Ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at
kadalasan ay buhat sa lipi o grupo ng mga
immortal
santo at santa
diyos at diyosa
wala sa mga nabanggit
Pinapaksa nito ang _______________ ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
pakikisalamuha
pakikipagsapalaran
kadakilaan
kabayanihan
Sinundan pa rin ni Lakshamanan ang kapatid na si Rama kahit ‘di niya alam kung
makababalik pa siya. Anong katangian ang masasalamin sa pangyayaring ito?
pagiging matapang
padalos-dalos magdesisyon
pagpapahalaga sa pamilya
marunong sa pakikipagsapalaran
. Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na kilala rin bilang
panulaang epiko
awiting epiko
panulaan at awit
lahat ng mga nabanggit
