wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

filipino 6 q3 st

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

 Kasabay ng nationwide transport strike..

LUCENA CITY , Philippines — Magpapatupad ng pitong araw o isang linggong “Distance Learning Modalities” ang Department of Education (DepEd)-Lucena sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa elementarya hanggang sekondarya sa lungsod dahil sa nationwide tigil-pasada ng mga transport groups.

Sa isang memorandum na inilabas ni G.Hermogenes Panganiban, CESO IV, Schools Division Superintendent, ­inaatasan nito ang lahat ng mga guro, principal, supervisor at lahat ng may kaugnayan sa mga paaralan na ipatupad ang nasabing learning arrangement mula ngayong Lunes hanggang Biyernes, upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante habang kasagsagan ng tigil-pasada.

Binanggit ni Panganiban na hindi naman mag­dedeklara ang DepEd ng suspension ng klase sa lungsod at inaabisuhan ang mga guro at mga magulang na imonitor ang nagaganap na distance modular learning upang masiguro na maayos na nakapag-aaral ang mga estudyante.

Habang nagkaroon ng isang linggong nationwide tigil-pasada ng mga transport groups, anong hakbang ang ipinatupad ng Department of Education- Lucena City?

a)

In-person

b)

face-to-face

c)

Distance Learning Modalities

d)

Tigil-pasada

2.

Kasabay ng nationwide transport strike..

LUCENA CITY , Philippines — Magpapatupad ng pitong araw o isang linggong “Distance Learning Modalities” ang Department of Education (DepEd)-Lucena sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa elementarya hanggang sekondarya sa lungsod dahil sa nationwide tigil-pasada ng mga transport groups.

Sa isang memorandum na inilabas ni G.Hermogenes Panganiban, CESO IV, Schools Division Superintendent, ­inaatasan nito ang lahat ng mga guro, principal, supervisor at lahat ng may kaugnayan sa mga paaralan na ipatupad ang nasabing learning arrangement mula ngayong Lunes hanggang Biyernes, upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante habang kasagsagan ng tigil-pasada.

Binanggit ni Panganiban na hindi naman mag­dedeklara ang DepEd ng suspension ng klase sa lungsod at inaabisuhan ang mga guro at mga magulang na imonitor ang nagaganap na distance modular learning upang masiguro na maayos na nakapag-aaral ang mga estudyante.

Sinong Superintendent ang nagbigay ng memorandum?

a)

G. Hermogenes Panganaban, CESO IV

b)

G. Hermogines Panginaban, CESO IV

c)

G. Hermogenes Panganiban, CESO IV

d)

G. Hermgenes Panganiban, CESO IV

3.

Anong uri ng balangkas ang binubuo ng mga salita o parirala  lamang mula sa pangunahing ideya o paksang pangungusap?

a)

Papaksang Balangkas

b)

Pangungusap na Balangkas

c)

Patalatang Balangkas

d)

Pariralang Balangkas

4.

Alin ang tamang pormat ng isang balangkas?

a)

b)

c)

d)

5.

Alin ang dalawang  salitang pinag-uugnay ng pang-angkop sa mga pangungusap.

         

Masasalamin ang pagtutulungan  at pagkakaisa ng mga  Pilipino sa tradisyong  bayanihan.

a)

masasalamin ang pagtutulungan

b)

pagtutulungan at pagkakaisa        

c)

Pilipino sa tradisyon

d)

tradisyong bayanihan

6.

Alin ang dalawang  salitang pinag-uugnay ng pang-angkop sa mga pangungusap.

Huwag nating kalimutan  ang kabayanihan ng ating magigiting  na ninuno?

a)

nating kalimutan

b)

kabayanihan ng ninuno

c)

magigiting na ninuno

d)

ating magigiting

7.

Anong uri ng pangatnig ang ginagamit  upang itanggi  ang isa  sa ibang bagay o isipan?

a)

pamukod

b)

paninsay

c)

panubali

d)

pananhi

8.

Hindi siya makaipon _________ matipid naman siya

a)

bagkus

b)

sakali

c)

bagaman

d)

datapwat

9.

Alin sa mga sumusunod na salita ang salitang ugat?

a)

nabuhay

b)

pagkabuhay

c)

kabuhayan

d)

buhay

10.

Ano ang salitang ugat ng mayayaman?

a)

yaya

b)

maya

c)

yaman

d)

yayaman

11.

Tukuyin ang uri ng panlaping ginamit sa salitang ipagsumigawan.

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

d)

laguhan

12.

Si  Dr. Jose  Rizal, pangunahing  bayani ng lahing Pilipino, ay isa ring  tunay na alagad ng musika.Siya ay nakatutugtog  ng buong  sonata sa plawta. Bukod dito, siya ay sumusulat din ng mga tugtugin at awit. Ang isa sa kanyang kinathang awit ay may pamagat na “Alin Mang Lahi” na tugmang-tugma sa ating  pagiging Pilipino. Bukod sa pagiging mahilig sa Musika, si Dr. Jose Rizal ay isa ring magaling  na manunulat, makata, pintor, okulista, eskulptor, agrikultor, inhinyero at marami pa. Masasabi natin na bigay ng Diyos ang angking talino at talento ni Dr. Jose Rizal. 

            Suriin ang naka italicize na pangungusap?

a)

katotohanan

b)

opinyon

13.

May alpabetong  ginamit  ang mga sinaunang  Pilipino. Tinawag itong baybayin. Binubuo ito ng tatlong patinig - A,E,I,O,U at 14 na katinig BA,KA,DA,GA,HA,LA,MA,NA, NGA,PA,SA,TA,WA,YA. 

            Ano  ang ipinahayag sa talata?

a)

katotohanan

b)

opinyon

14.

Pero ayon kay Diokno, dahil sa mga kinakaharap na pagsubok, gumagawa ng maliliit na hakbang ang pamahalaan gaya ng pagtatatag ng Maharlika Investment Fund, na kauna-unahang sovereign wealth fund na susuporta sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyon.

            Suriin ang pahayag ni Kalihim Diokno.

a)

katotothanan

b)

opinyon

15.

Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay may probisyong nagtatakda at tumatalakay sa pagkamamamayang Pilipino.

Anong uri ng [pangungusap ang nasa itaas?

a)

pananong

b)

pautos

c)

pasalaysay

d)

padamdam

16.

Anong uri ng pangungusap ang sumusunod.

Filipino rin ba ang anak ng Filipino na nag-asawa ng banyaga?

a)

pakiusap

b)

patanong

c)

padamdam

d)

pasalaysay

17.

Ang mga tao sa kuweba ng Tabon, Negrito, Indones at Malay ay ating mga ninuno. Aba, hindi  ko lubos  maisip na may 30 000 taon  na ang nakalipas mula nang  dumating  ang mga  Negrito dito! Naniniwala ka bang naglakad lamang  sila papunta rito? Isa-isahin mo ang kanilang  mga katangian.

            Ano-anong ayos ang uri ng pangungusap na ginamit sa pahayag?

a)

pautos, patanong, padamdam, pasalaysay

b)

pasalaysay, patanong, padamdam, pautos

c)

pautos, padamdam,pasalaysay, patanong

d)

pasalaysay, padamdam, patanong, pautos

18.

Minsan kami’y  nagbakasyon sa bayan ng aking lola’t lolo.  Agad naming napansin ang gulayan sa gilid  ng bahay-kubo. Alaga iyon ng aking tiyang kapatid ni Nanay.  Araw-araw niyang dinidilig ang sari-saring tanim  na gulay. Ang bayaw ni nanay ay mayroon namang manukan. Naroon si Tatyaw ang tandang na maliksi’t makisig.

            Anong uri ng pangungusap ang ginamit  sa talata?

a)

patanong

b)

pasalaysay

c)

pakiusap

d)

pautos

19.

Ang mga batang Filipino noon ay gumagamit  ng mga  simpleng  bagay sa paglalaro. Ginagamit nila ang bato, patpat o dahon sa paglalaro. Ang maluluwang na bakuran ay pinaglalaruan nila. Ipinangguguhit nila ang patpat ng piko. Ikinagagalak ng lahat ang  kabilugan ng buwan dahil sa makakapaglaro sila. Ipinaghahanda nila ng pato ang mga kalaro.

Sino ang gumagamit ng mga simpleng bagay sa paglalaro?

a)

batang North

b)

batang kalye

c)

batang Filipino

d)

bata noon

20.

Ang mga batang Filipino noon ay gumagamit  ng mga  simpleng  bagay sa paglalaro. Ginagamit nila ang bato, patpat o dahon sa paglalaro. Ang maluluwang na bakuran ay pinaglalaruan nila. Ipinangguguhit nila ang patpat ng piko. Ikinagagalak ng lahat ang  kabilugan ng buwan dahil sa makakapaglaro sila. Ipinaghahanda nila ng pato ang mga kalaro.

Alin ang ipinanguguhit ng piko?

a)

patpat

b)

pako

c)

kahoy

d)

patapat