wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Digmaang Pandaigdig

Total questions: 50

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Aling dalawang bansa ang nagpasimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Austria at Hungary

b)

Austria at Serbia

c)

Serbia at Alemanya

2.

Ano ang tawag sa alyansa sa pagitan ng Pransya, Britanya, at Russia?

a)

Triple Entente

b)

Triple Alliance

c)

Central Powers

3.

Sino ang pinapaslang na tagapagmana ng trono ng Austria na naging dahilan ng simula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Franz Phillip

b)

Franz Joseph

c)

Franz Ferdinand

4.

Bakit pinigilan ng imperyong Austria-Hungary ang paglakas ng nasyonalismo sa teritoryo nito?

a)

Hindi naniniwala ang Austria-Hungary sa halaga ng nasyonalismo sa pagpapaunlad ng bansa.

b)

Kapag nag-alsa ang mga pangkat etniko sa loob ng teritoryo nito dulot ng nasyonalismo, maaaring bumagsak ang imperyo.

c)

Hindi gusto ng Austria-Hungary na makiuso sa ibang mga bansa sa Europa na dumaan sa rebolusyon dulot ng nasyonalismo.

5.

Bakit bumuo ng alyansa ang Alemanya sa Austria-Hungary at Italya?

a)

Upang masigurong mananatili ang kalayaan at seguridad ng Alemanya.

b)

Upang matugunan ang alyansa sa pagitan ng Pransiya, Britanya, at Russia

c)

Upang matakot ang ibang mga bansa sa Europa

6.

Bakit bumuo ng alyansa ang Pransya, Britanya, at Russia?

a)

Upang mahati ang Europa sa dalawang panig

b)

Upang humina ang depensa ng Alemanya

c)

Upang tugunan ang mga alyansa at pagpapalakas ng Alemanya

7.

Bakit higit na lumala ang relasyon ng Austria at Serbia pagkatapos ng mga Digmaang Balkan?

a)

Hindi gustong tulungan ng Austria ang Serbia kahit humingi ito ng tulong sa digmaan.

b)

Pinigilan ng Austria ang Serbia sa pagkuha ng teritoryo ng Albania.

c)

Lihim na tinulungan ng Austria ang mga kalaban ng Serbia sa digmaan.

8.

Nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig dahil sa pagkapatay kay Archduke Franz Ferdinand, ang tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary, ngunit ang mga kaganapan sa mga taon bago ito nangyari ay nakatulong sa pagbunsod ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Maraming kaganapan ang unti-unting nagdulot ng pandaigdigang digmaan.

b)

Matagal nang gusto ng digmaan ng mga bansa ng daigdig

c)

Sinadya ang pagkakaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

9.

Pagkatapos na mabuo ng Triple Alliance at Triple Entente, ang Europa ay nahati sa dalawang panig na patuloy na nagpapalakas ng kani-kanilang mga hukbo. Ano ang ipinahihiwatig nito

a)

Likas na dapat magpalakas at maghanda ng hukbo ang bawat bansa kahit walang digmaan o peligro.

b)

Gustong-gusto na ng dalawang alyansa na magkaroon ng digmaan.

c)

Naghahanda ang dalawang panig sa anumang digmaang maaaring maganap.

10.

Ang paglakas ng nasyonalismo sa Europa ay nagdulot ng ilang kalagayang nakatulong sa pagbunsod ng Unang Daigdigang Pandaigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Ang nasyonalismo ay maaari lamang ipahayag sa pamamagitan ng pakikidigma.

b)

Ang nasyonalismo ay isang malakas na pwersa na maaaring magdulot ng pagbabago at ng mga digmaan.

c)

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang mabuting kaganapan dahil dulot ito ng nasyonalismo o pagmamahal sa bayan.

11.

Ano ang tawag sa panig ng Britanya, Pransya, Russia, Italya, at iba pang mga bansang pumanig sa kanila?

a)

Axis Powers

b)

Allied Powers

c)

Central Powers

12.

Ano ang kasunduang pinirmahan ng Russia kung saan sinuko nito ang Poland, Ukraine, Finland at mga probinsyang Baltic?

a)

Kasunduan ng Paris

b)

Kasunduan ng Brest-Litovsk

c)

Kasunduan ng Versailles

13.

Kailan nagtapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nobyembre 11, 1918

b)

Nobyembre 10, 1918

c)

Hulyo 28, 1918

14.

Bakit naghanda ng mga hukbo ang Russia nang magdeklara ng digmaan ang Austria laban sa Serbia?

a)

Natakot ang Russia na baka umabot sa teritoryo nito ang digmaan.

b)

Nais ng Russia na makidigma sa panig ng Austria.

c)

Nais ng Russia gamitin ang pagkakataon upang sakupin ang mga bansang ito at ang buong Europa.

15.

Bakit itinuloy ng Austria ang digmaan kahit pumayag ang Serbia sa karamihan ng tuntuning binigay nito?

a)

Alam ng Austria na hindi talaga susundan ng Serbia ang mga tuntunin nito.

b)

Hindi pumayag ang Serbia na pahintulutan ang pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Franz Ferdinand.

c)

Hindi nagkaintindihan ang dalawang bansa tungkol sa mga tuntunin.

16.

Bakit lumahok ang Estados Unidos sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nais talaga sumali ng Amerika sa digmaan, naghintay lamang ito ng tamang panahon.

b)

Pinabagsak ng Alemanya ang isang barko na naglalaman ng mga Amerikano.

c)

Naawa lamang ang Amerika sa natatalong Allied Powers.

17.

Bakit naging mahalaga ang paglahok ng Estados Unidos sa digmaan?

a)

Nagbigay ito ng pag-asa sa nanghihinang Allied Powers

b)

Ang Amerika lamang ang may mas malakas na hukbo kaysa sa Alemanya.

c)

Galit ang mga Aleman sa mga Amerikano dahil sa pagkakaiba ng prinsipyo ng dalawang bansa.

18.

Pagkatapos ng pagdeklara ng digmaan ng Austria, ang ibang mga bansa sa Europa at ibang bahagi ng daigdig ay isa-isang pumasok sa digmaan dahil sa mga alyansang nabuo bago pa naganap ang digmaan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Hindi dapat pumapasok sa alyansa ang mga bansa upang makaiwas sa digmaan.

b)

Maraming mga bansa ang nagnais manghimasok sa digmaan sa pagitan ng Austria at Serbia.

c)

Tumupad ang karamihan sa mga bansa sa Europa ang mga dating kasunduang nabuo para sa depensa ng isa’t isa.

19.

Dahil sa mga patuloy na pagkabigo ng Alemanya sa huling bahagi ng digmaan, ang mga kaalyansa nito ay nagsimulang sumuko. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Madali lamang sumuko ang mga kaalyansa ng Alemanya.

b)

Umasa ang mga kaalyansa sa Alemanya dahil itinuring ito na pinakamalakas sa panig nito.

c)

Hindi nais ng mga kaalyansa ng Alemanya na patuloy na pumanig sa isang natatalong bansa.

20.

Sa unang tatlong taon ng pakikipaglaban, hindi gaanong nakalamang ang alinman sa magkabilang panig. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Halos patas ang kakayahan at pagpupunyagi ng bawat panig sa pakikipaglaban.

b)

Walang nanalo sa lahat ng labanan sa unang tatlong taon

c)

Hindi pa seryoso sa pakikipaglaban ang bawat panig sa unang tatlong taon.

21.

Aling bansa ang nanguna sa pandaigdigang pulitika pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Britanya

b)

Estados Unidos

c)

Alemanya

22.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga bansang nabuo mula sa pagbagsak ng imperyong Austria-Hungary?

I - Austria II - Hungary III - Poland IV - Turkey

a)

I at II lamang

b)

I, II, III

c)

III at IV lamang

23.

Ano ang tawag sa pandaigdigang organisasyon na nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Organization of Western Countries

b)

United Nations

c)

League of Nations

24.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa lipunan?

a)

Mahigit 40 bilyong tao ang namatay at nasugatan.

b)

Nakuha ng mga kababaihan ang karapatang bumoto.

c)

Kakaunti lamang ang nasirang ari-arian.

25.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa ekonomiya?

a)

Nagkaroon ng malaking utang ang karamihan sa mga bansang lumahok sa digmaan.

b)

Umunlad ang ekonomiya ng Estados Unidos.

c)

Umunlad ang ekonomiya ng Alemanya.

26.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa pulitika?

a)

Bumagsak ang sistema ng pamamahala sa ilang bansang lumahok.

b)

Lumakas ang katatagan ng mga bansa sa Europa pagkatapos ng digmaan.

c)

Muling nanumbalik ang lakas ng mga dating imperyo.

27.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga dahilan ng pagtatag ng League of Nations?

a)

Upang magkaroon ng paraan ng pag-ayos ng mga pag-aaway bago ito humantong sa digmaan

b)

Upang magkaroon ng isang organisasyon ng mayayamang bansa na maghihiwalay sa kanila sa mas mahirap na bansa

c)

Upang magkaroon ng mga pandaigdigang pulis na aaresto sa mga magsisimula ng digmaan

28.

Bukod sa mahigit 9.7 milyong taong namatay dahil sa pagsisilbi sa mga hukbo, nadamay din ang mahigit 10 milyong sibilyan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Karaniwan lamang na maraming mamatay sa isang digmaan, at hindi tayo dapat magulat.

b)

Kasalanan ng mga sibilyan ang kanilang pagkamatay kasi hindi sila lumikas.

c)

Mahalagang iwasan ang mga digmaan dahil nadadamay din ang mga inosenteng tao.

29.

Marami din sa mga sundalong umuwi mula sa Unang Digmaang Pandaigdig ay dumaan sa sikolohikal (psychological) na paghihirap, dahil sa trauma na idinulot ng mga karanasan nila sa digmaan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Mahihina ang pag-iisip ng mga sundalong lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig.

b)

Umasa ang mga kaalyansa sa Alemanya dahil itinuring ito na pinakamalakas sa panig nito.

c)

Walang hirap magsilbi bilang sundalo sa isang digmaan.

30.

Naging mas malawak ang teritoryong naapektuhan ng digmaan dahil sa pangbobomba gamit ang mga eroplano at iba pang modernong armas. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Kailangang mag-ingat ang mga bansa sa pagsisimula ng mga digmaan dahil sa malaking pinsalang maaaring idulot ng modernong mga armas.

b)

Mabilis na lamang ang mga digmaan dahil moderno na ang pamamaraan.

c)

Magandang gamit ng makabagong teknolohiya ang paggawa ng mas maunlad na armas.

31.

Ano ang tawag sa isinulong ni Woodrow Wilson na mga hakbang upang makamit ang kapayapaan?

a)

Fourteen Points

b)

Thirteen Points

c)

Twelve Points

32.

Aling mga bansa ang kabilang sa Konseho ng Apat sa Paris Peace Conference?I - AlemanyaII - BritanyaIII - Estados UnidosIV - Pransya

a)

I at II lamang

b)

II, III, IV

c)

III at IV lamang

33.

Ano ang tawag sa kasunduan sa pagitan ng Hungary at ng Allied Powers?

a)

Kasunduan ng Saint-Germain

b)

Kasunduan ng Neuilly

c)

Kasunduan ng Trianon

34.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga tuntunin ng Kasunduan ng Versailles?

a)

Ang pagbabayad ng Alemanya $33 bilyon sa mga napinsala.

b)

Ang pagkakaroon ng hukbo ng Alemanya ng 50,000 katao lamang.

c)

Ang tuluyang paghiwalay ng Alsace-Lorraine sa Pransya.

35.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pagkakatulad ng mga tuntunin ng mga kasunduan ng Neuilly, Trianon, at Saint-Germain?

a)

Ang pagkilala sa pagkapanalo ng Central Powers

b)

Ang pagbabawas ng hukbo

c)

Ang pagsuko ng ilang bahagi ng teritoryo

36.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga layunin ng League of Nations?

a)

Ang pagpaparami ng mga armas

b)

Mapanatili ang kapayapaan

c)

Magkaroon ng isang pandaigdigang gobyerno na kailangang sundan ng lahat ng bansa

37.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga mabuting nagawa ng League of Nations?I - Ang pagbibigay ng kalayaan ng mga alipinII - Ang pagtulong sa pag-iwas sa mga sakitIII - Ang pagtulong sa krisis sa ekonomiya ng AustriaIV - Ang paglaban sa kalakalan ng droga

a)

II, III, at IV

b)

I at II lamang

c)

I, II, III, at IV

38.

Karamihan sa mga kasunduang nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay itinuring ng mga Central Powers na hindi makatarungan, batay sa karapatan ng mga malayang bansa sa pagsasarili. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, hindi na kinilala bilang mga malayang bansa ang mga Central Powers.

b)

Ang mga kasunduan ay naglagay ng limitasyon sa ilang mga kapangyarihan ng mga Central Powers bilang bansa.

c)

Hindi pumirma ang mga Central Powers sa kasunduan dahil hindi ito patas.

39.

Ang hindi pagsunod ng mga malalakas na bansa sa mga desisyong hindi kapakipakinabang sa kanila ay isa sa mga kahinaan ng League of Nations. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Wala talagang silbi ang League of Nations sa pandaigdigang pulitika, dahil walang sumusunod dito.

b)

Makasarili ang mga malalakas na bansa, at gusto lamang nila sumunod sa mga desisyong kapakipakinabang sa kanila

c)

Mas pinahahalagahan ng mga malalakas na bansa ang soberanya nila kaysa sa desisyon ng League of Nations.

40.

Ang pangangailangan ng pagsang-ayon ng lahat ng miyembro ng konseho at asembleya sa mga desisyon ay nagpahirap sa pagtugon ng League of Nations sa mga mahahalagang problema. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Hindi rin nagkakaisa ang mga bansang kabilang sa konseho at asembleya ng League of Nations ukol sa mahahalagang isyu.

b)

Ang asembleya at ang konseho ng League of Nations ay dapat pinatanggal na lamang.

c)

Kailangang isang bansa lamang ang magdedesisyon upang mas maayos ang pagtugon sa problema.

41.

Ano ang dalawang grupo ng mga bansang naglaban noong panahon ng WWII?

a)

Triple Alliance at Triple Entente

b)

Axis Powers at Allied Forces

c)

Central Powers at Allied Powers

42.

Ano ang Treaty of Versailles?

a)

kasunduang nagbigay-sisi sa Alemanya at nagpataw dito ng multang 266 gold marks bilang bayad pinsala

b)

kasunduang nagtapos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

c)

kasunduang nagbigay-bisa sa pagtatatag ng United Nations

43.

Alin ang hindi kabilang sa mga bagong ideolohiyang nagbigay ng alternatibong solusyon sa mga suliranin ng lipunan matapos ang WWI?

a)

nazismo

b)

kapitalismo

c)

komunismo

44.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naging daan kung bakit ang Treaty of Versailles ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Alemanya?

A. Hindi makapag-angkat ang Alemanya ng mga pangangailangan nito.

B. Hindi makapangutang ang Alemanya sa ibang bansa para sa bayad pinsala nito.

a)

Tama ang B.

b)

Walang tama sa A at B.

c)

Parehong tama ang A at B.

45.

Bakit kailangang paliitin ng Treaty of Versailles ang mga teritoryo ng Alemanya?

A. Ang puwersang militar ng Alemanya ay nagmumula sa lakas ng ekonomiya ng mga teritoryo nito.

B. Ang mga teritoryo ng Alemanya ang nagtutugon sa mga ekonomikal at pulitikal na pangangailangan ng bansa.

a)

Parehong tama ang A at B

b)

A lamang ang tama.

c)

B lamang ang tama.

46.

Paano masasabing ang WWII ay resulta ng kabiguan ng League of Nations?

a)

wala itong tunay na kapangyarihan para disiplinahin ang mga bansang kasapi sa League of Nations

b)

dahil hindi o huli na nang sumali dito ang mga makapangyarihang bansa gaya ng Estados Unidos at Unyong Sobyet

c)

dahil wala itong kaukulang pondo upang patakbuhin ang samahan

47.

Alin sa sumusunod ang hindi epektong ekonomikal ng pagkalimita ng militar ng Alemanya?

a)

hindi nito maipagtatanggol ang teritoryo sakali mang may sumakop sa kanila

b)

hindi ito makakakuha ng panibagong mapagkukunang yaman mula sa ibang bansa

c)

naging bukas ito sa impluwensiya ng ibang bansa

48.

Bakit naging kaakit-akit sa mga Aleman ang patakarang Lebensraum ni Adolf Hitler?

a)

hindi na kailangan magbayad ng Alemanya ng war reparations

b)

dahil lalakas ang pwersang militar ng Alemanya

c)

dahil nagbigay ito ng pag-asa sa mga Aleman para sa mas magandang hinaharap

49.

Paano masasabing ang WWII ay epekto ng imperyalismo?

A. Nagpapalawak ng teritoryo ang Alemanya kaya’t kailangan nitong sakupin ang iba’t ibang bansa.

B. Ang Britanya ay nagpapalaki ng populasyon upang sumagupa sa digmaan.

a)

Parehong tama ang A at B.

b)

Tama ang A.

c)

Walang tama sa A at B.

50.

Ang paglilimbag ng salapi ng Alemanya upang bayaran ang paunang bayad pinsala ang naging dahilan ng economic depression sa panahong iyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Walang halaga ang mga bagong limbag na salapi dahil dinaig ito ng gold reserve.

b)

Bumaba ang halaga ng salapi dahil masyado nang maraming suplay nito.

c)

Nagpautang ang ibang bansa ng salapi sa Alemanya dahil alam nilang lubog ang ekonomiya nito