wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Noli Me Tangere Reviewer

Total questions: 101

Worksheet time: 51mins

Name
Class
Date
1.

Sa Kabanata III, ano ang dahilan ng pagdadabog ni Padre Damaso sa harap ng pagkain?

a)

Kay Ibarra napunta ang atensyon ng mga panauhin.

b)

Hindi siya ang pinaupo sa may kabisera.

c)

Ipinaalala sa kanya ng tenyente ang dahilan ng kanyang pagkakalipat sa ibang bayan.

d)

Mabutong leeg at pakpak ng manok ang tinolang napunta sa kanya.

2.

Inutusan siya ng malaking kura na hukayin ang kalilibing pa lamang na bangkay upang ilipat sana sa sementeryo ng mga Intsik.

a)

sakristan mayor

b)

artilyero

c)

tenyente

d)

sepulturero

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?

a)

Nagbalik sa Pilipinas si Crisostomo dahil sa pagkamatay ng kanyang ama at upang tuparin ang pangakong kasal kay Maria Clara.

b)

Habang nasa ibang bansa si Crisostomo ay nanatili sa kumbento ng Santa Catalina si Maria Clara.

c)

Nasa ibang bansa pa lamang si Crisostomo ay alam na niya na namatay sa bilangguan ang kanyang ama.

d)

Sa pag-uwi ni Crisostomo sa Pilipinas ay napansin nito ang mabagal na pag-unlad ng kanyang bayan kung ihahambing sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa.

4.

Ano ang dahilan kung bakit inilipat sa ibang bayan si Padre Damaso?

a)

Nagkaroon siya ng relasyon sa isang madre.

b)

Nasangkot siya sa isang isyung pulitikal.

c)

Nagkaroon siya ng anak na lumikha ng eskandalo sa simbahan.

d)

Ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalake.

5.

Sino ang nagkwento kay Crisostomo hinggil sa pagkakabilanggo at pagkamatay ng kanyang ama?

a)

Kapitan Tiago

b)

Tenyente Guevarra

c)

Padre Damaso

d)

Kapitan Tinong

6.

Ano ang dahilan ng pagdadabog ni Padre Damaso noong hapunan sa bahay ni Kapitan Tiago?

a)

Hindi siya ang naupo sa kabisera.

b)

Pinariringgan siya ni Tenyente Guevarra.

c)

Pinupuri ng mga panauhin ang kalaban niyang si Don Rafael sa harap ng anak nito.

d)

Hindi niya nagustuhan ang bahagi ng manok na tinolang napunta sa kanya.

7.

Siya ang tinutukoy na erehe at pilibustero sa Kabanata IV.

a)

Don Rafael

b)

Don Crisostomo

c)

Kapitan Tiago

d)

Padre Damaso

8.

Alin ang hindi kabilang sa iba't ibang pangyayaring tinutukoy sa Kabanata IX?

a)

Ang pagtungo nina Maria Clara at Tiya Isabel sa kumbento upang kunin ang mga gamit ng dalaga.

b)

Ang pakikipag-usap ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago.

c)

Ang pakikipag-usap ni Padre Sibyla sa isang matandang pari hinggil sa kinakailangang pagbabago sa pamamalakad ng simbahan.

d)

Ang pagsisiwalat ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo hinggil sa sinapit ng ama nito.

9.

Sa anong pangyayari sa Bibliya hinango ang pamagat ng Noli Me Tangere?

a)

noong binyagan si Hesus sa Ilog Jordan

b)

noong magpakita si Hesus kay Maria Magdalena sa muli niyang pagkabuhay

c)

noong magwala si Hesus sa templo matapos itong lapastanganin ng mga mangangalakal

d)

noong ipinapako sa krus si Hesus

10.

Anong Kanluraning paraan ng pagpapakilala ang ipinakita ni Crisostomo sa handaan?

a)

Siya na mismo ang lumapit sa ibang panauhin upang magpakilala.

b)

Hinintay niyang ang naghanda ang magpakilala sa kanya sa ibang panauhin.

c)

Pinakiusapan niya ang naghanda upang ipakilala siya sa ibang panauhin.

d)

Hinintay niya ang takdang oras ng pagpapakilala ng mga panauhin sa isa't isa.

11.

Siya ang anak ng matandang Kastila na natagpuang nakabitin sa sanga ng puno ng balete. Dahil sa kanyang makabagong paraan ng pagsasaka, ang San Diego ay naging isang ganap na bayan.

a)

Don Crisostomo

b)

Don Rafael

c)

Don Saturnino

d)

Don Pedro

12.

Sino ang hindi kabilang sa mga pintakasi o patron ng bayan ng Obando kung saan pinayuhan ni Padre Damaso ang mag-asawang Tiago at Pia na magtungo upang mamanata.

a)

Birhen ng Salambaw

b)

San Francisco

c)

San Pascual Bailon

d)

Santa Clara

13.

Gaano katagal nanatili sa Europa si Crisostomo Ibarra upang mag-aral?

a)

limang taon

b)

anim na taon

c)

pitong taon

d)

walong taon

14.

Bakit 'Bituin sa Karimlan' ang pamagat ng Kabanata V?

a)

Ipinapakita dito ang liwanag ng bituin na sumisimbolo sa pag-asa sa gitna ng kahirapan.

b)

Isinasalaysay dito si Maria Clara (bituin) na hindi napapansin ni Crisostomo dahil sa labis na kalungkutan sa sinapit ng kanyang ama (karimlan).

c)

Nagbibigay ito ng pag-asa na magwawakas na ang pang-aalipin ng Espanya sa Pilipinas.

d)

Tinatalakay dito ang sinag ng buwan na tumanglaw sa sepulturero habang hinuhukay ang bangkay ni Don Rafael.

15.

Bakit nakulong ang ama ni Crisostomo?

a)

Napatay daw nito ang isang bata.

b)

Napatay diumano nito ang isang maniningil ng buwis.

c)

Malaki ang pagkakautang nitong buwis sa pamahalaan.

d)

Sangkot siya sa bentahan ng opyo.

16.

Siya ang naghanda ng isang piging bilang pasasalamat sa mahal na birhen para sa maluwalhating pagbabalik ni Crisostomo mula sa Europa

a)

Tenyente Guevarra

b)

Kapitan Tiago

c)

Pilosopong Tasyo

d)

Padre Damaso

17.

Sino ang hindi kabilang sa mga makapangyarihan sa bayan ng San diego?

a)

Tenyente Guevarra

b)

Alperes

c)

Padre Salvi

d)

Kapitan Tiago

18.

Ayon sa alperes, kapag sinabi ng paring ito sa utusan na maghanda ng sikulate a, dapat magsumbrero agad ang sinumang panauhin at kaagad na umalis.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Damaso

c)

Padre Sibyla

d)

Padre Irene

19.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo  hinggil kay Kapitan Tiago?

a)

Siya ang pinakamayaman sa Binondo.

b)

Kasosyo niya ang isang mangangalakal na Intsik sa negosyo ng opyum.

c)

Marami sa mga katangiang pisikal niya ang namana sa kanya ni Maria Clara.

d)

Nabyudo siya nang mamatay ang kanyang asawa matapos ipanganak si Maria Clara.

20.

Kapag nakikita siya ng kura na pumasok sa simbahan, inuutusan ng pari ang sakristan na isarang lahat ang mga pinto at saka magsesermon nang sobrang haba hanggang sa siya ay antukin.

a)

Kapitan Tiago

b)

Crisostomo

c)

Tenyente Guevarra

d)

Don Rafael

21.

Ang tawag o taguri kay Pilosopong Tasyo ng mga may pinag-aralan.

a)

Don Anastacio

b)

Butihing Guro

c)

Tasyong Baliw

d)

Don Pilosopo

22.

Siya ang tinutukoy na piloto na nagtangkang paslangin ang buwaya.

a)

Elias

b)

Crisostomo

c)

Albino

d)

Leon

23.

Ano ang dahilan kung bakit pinatawad ni Ibarra ang pari na lumapastangan sa kanyang ama?

a)

Iginagalang ni Ibarra ang tungkulin ng paring ito.

b)

Minsang naging kaibigan ng kanyang ama ang pari.

c)

Naniniwala si Ibarra na ibang tao ang maghihiganti sa pari para sa kanya.

d)

May utang na loob siya sa paring lumapastangan sa kanyang ama.

24.

Bakit duguan ang damit ni Basilio nang gabing umuwi siya sa kanilang tahanan?

a)

dahil sa daplis na bala sa noo nang paputukan siya ng guardia civil

b)

dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa kanyang kapatid

c)

dahil sa pagkakadapa nang magmadali siyang umuwi upang hindi mahuli ng mga guardia civil

d)

dahil sa pambubugbog sa kanya ng sakristan mayor

25.

Sa pulong para sa tribunal, anong panlilinlang ang ginawa ng mga liberal sa mga conservador?

a)

Ang mga nais mangyari mismo ng mga conservador ang iminungkahi ng mga liberal.

b)

Kinausap ng mga liberal ang ibang conservador upang pumanig sa kanilang panukala.

c)

Kinasabwat ng mga liberal ang kura paroko upang sila ang panigan.

d)

Nagpaawa ang mga kasapi ng liberal upang makuha ang simpatiya ng mga conservador

26.

Siya ang tenyente mayor at ang pinuno ng partido Liberal na kasama sa mga nagpulong para sa kapistahan ng bayan ng San Diego.

a)

Kapitan Basilio

b)

Don Filipo Lino

c)

Kapitan Tiago

d)

Don Rafael Ibarra

27.

Ayon sa kanya, gawa-gawa lang ng kura ang pagkawala ng pera ng simbahan kaya agad na ipinag-utos ang pagpapalaya kay Sisa.

a)

Gobernador-Heneral

b)

Don Filipo Lino

c)

Tenyente Guevarra

d)

Kapitan Basilio

28.

Ano ang magandang balitang natanggap ni Ibarra sa gubat?

a)

Magkakaroon na ng hustisya ang nangyari sa kanyang ama.

b)

Matutuloy na ang kasal nila ni Maria Clara.

c)

Aprubado na ang kanyang ipatatayong paaralan.

d)

Dumating na ang sorpresa niya para kay Maria Clara.

29.

Pinagpipilas at itinapon ito ni Padre Salvi na naging dahilan ng galit ng mga nagsisipaglaro nito.

a)

Gulong ng Kapalaran

b)

Cuajo

c)

baraha

d)

talaarawan

30.

Ang kanyang kagustuhan ang nanaig sa pagpupulong ng bayan para sa kapistahan.

a)

Padre Salvi

b)

Tenyente Guevarra

c)

Crisostomo Ibarra

d)

Don Filipo Lino

31.

Sino ang hindi kabilang sa mga tinutukoy na nagdurusang kaluluwa sa Kabanata XVIII?

a)

Sisa

b)

kura ng San Diego

c)

Padre Salvi

d)

Crispin

32.

Sinabihan niya si Sisa na, “Mabuti kang ina, pero ang bunso mo’y sa ama nagmana.”

a)

sakristan mayor

b)

kura

c)

tenyente

d)

kusinero

33.

Matapos mapakinggan ang mga isinalaysay ng guro hinggil sa kanyang ama, ano ang napagdesisyunang gawin ni Crisostomo Ibarra?

a)

Gusto niyang hanapin ang mga taong nagsabwatan upang mapahamak ang kanyang ama at papanagutin sa batas.

b)

Nais niya ipatanggal sa tungkulin ang paring lumapastangan sa bangkay ng kanyang ama.

c)

Hangad niyang makapagpatayo ng isang palatandaan o marker sa lugar kung saan itinapon ang bangkay ng kanyang ama.

d)

Nais niyang makapagpatayo ng isang paaralan bilang parangal sa ama.

34.

Magkano ang halagang diumano'y ninakaw ni Crispin?

a)

dalawang piso

b)

tatlumpu't dalawang onsa

c)

dalawang onsa

d)

tatlumpung piso

35.

Bakit hindi pinahintulutan ng sakristan mayor si Basilio na makauwi sa takdang oras noong gabing iyon?

a)

dahil sa nagnakaw daw ang kanyang kapatid

b)

dahil hinihintay nyang isoli ni Crispin ang ninakaw nito

c)

dahil may iba pang ipinagawa sa kanya si Padre Salvi

d)

dahil mali ang pagkatugtog niya sa kampana

36.

Siya ang nagturo kay Crisostomo kung saang bahagi ng lawa itinapon ang bangkay ng ama ng binata.

a)

sepulturero

b)

guro

c)

Tenyente Guevarra

d)

Elias

37.

Sa kagubatan, sa larong ito idinaan ang pagdedesisyon sa isang usapin na matagal nang nakabimbin sa hukuman.

a)

Gulong ng Kapalaran

b)

Cuajo

c)

ahedres

d)

taguan

38.

Bakit lihim na nagdaramdam si Sisa sa mga ikinukwento ni Basilio?

a)

Hindi kasama sa mga pangarap ni Basilio ang kanyang ama.

b)

Nais na ni Basilio na lumayo sa piling ng ina upang mag-aral

c)

Ipinapamukha sa kanya ni Basilio ang kanyang mga pagkukulang bilang ina

d)

Naaawa si Sisa sa kanyang sarili.

39.

Bakit inaresto ng mga guardia civil si Sisa?

a)

dahil sa kapabayaan nito bilang isang ina

b)

dahil sa krimen na ginawa raw ng kanyang asawa

c)

dahil ninakaw niya ang pera ng simbahan

d)

dahil hindi natagpuan ng mga guardia civil si Crispin

40.

Ayon sa kanya, kung ang mga magulang ang humihiling ng pamalo ay marapat lamang na sa kanila gamitin ito.

a)

Padre Damaso

b)

Don Rafael

c)

Pilosopong Tasyo

d)

guro

41.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?

a)

Nagbalik sa Pilipinas si Crisostomo dahil sa pagkamatay ng kanyang ama at upang tuparin ang pangakong kasal kay Maria Clara.

b)

Habang nasa ibang bansa si Crisostomo ay nanatili sa kumbento ng Santa Catalina si Maria Clara.

c)

Nasa ibang bansa pa lamang si Crisostomo ay alam na niya na namatay sa bilangguan ang kanyang ama.

d)

Sa pag-uwi ni Crisostomo sa Pilipinas ay napansin nito ang mabagal na pag-unlad ng kanyang bayan kung ihahambing sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa.

42.

Paano natuklasan ni Elias ang tangkang pagpatay kay Crisostomo Ibarra sa seremonya ng paghuhugos?

a)

Nakita niya ang taong madilaw na may kausap at sinabing "Ang isang ito ay hindi magiging pakain ng isda sa ilog".

b)

Nakita niyang kausap ni Ibarra si Nol Juan at ipinagmalaki ang husay niya sa paggawa ng makinang panghugos at hindi siya humingi ng malaking halaga.

c)

Narinig niya ang kapatid ng salarin nang sabihin nito ang plano sa oras ng seremonya.

d)

Alam ni Elias na may galit ang arkitekto sa lolo ni Ibarra.

43.

Ano ang babala na ibinigay ni Elias kay Crisostomo sa loob ng simbahan?

a)

Huwag aalis sa tabi ng taong madilaw.

b)

Huwag bababa sa hukay.

c)

Huwag ituloy ang seremonya ng paghuhugos.

d)

Huwag ituloy ang ipinatatayong paaralan.

44.

Ano ang iminungkahi ni Kapitan Tiago na maging pangalan ng ipinatatayong paaralan ni Crisostomo?

a)

Paaralan ni San Diego

b)

Paaralan ni San Gabriel Arkanghel

c)

Paaralan ni San Francisco

d)

Paaralan ni San Rafael

45.

Sa Kabanata 25, ano ang dahilan ng pagdalaw ni Crisostomo Ibarra kay Pilosopong Tasyo?

a)

Nais niyang kumbinsihin si Pilosopong Tasyo upang maging guro sa ipatatayo niyang paaralan.

b)

Nais niyang isangguni kay Pilosopong Tasyo ang nalalapit niyang kasal kay Maria Clara.

c)

Gusto niyang humingi ng payo kay Don Anastacio hinggil sa ipatatayo niyang paaralan.

d)

Gusto niyang hingin ang opinyon ni Don Anastacio hinggil sa kung ano ang nararapat gawin sa nangyari sa kanyang ama.

46.

Kakausapin siya ng Gobernador-Heneral upang tanggalin ang parusa kay Crisostomo.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Damaso

c)

Santo Papa

d)

Arsobispo

47.

Ayon sa mga tao, bakit higit na mas malaki ang ibinayad sa sermon ni Padre Damaso kaysa sa ibinayad sa mga magtatanghal ng komedya sa kapistahan ng San Diego?

a)

Kilalang mahusay na paglalahad ng sermon si Padre Damaso kaya nararapat lamang na malaki ang ibayad sa kanya.

b)

Naglingkod bilang kura paroko ng San Diego si Padre Damaso kaya marapat lamang na malaki ang ibayad sa kanyang sermon.

c)

Ang mga nakikinig sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit, at ang kaluluwa ng mga nanonood ng komedya ay mapupunta sa impyerno.

d)

Hindi sikat ang mga magtatanghal ng komedya kumpara kay Padre Damaso na isang kilalang prayle.

48.

Bakit nilatigo sa gitna ng kalye ang ketongin?

a)

dahil sa patuloy nitong panghihingi ng limos sa mga tao

b)

dahil sa pagtulong niya sa isang batang nahulog sa kanal

c)

dahil sa pakikipag-usap sa kanya ni Sisa

d)

dahil hinamak niya ang kura paroko

49.

Sa kanyang tahanan tumuloy ang Gobernador-Heneral noong araw ng pista.

a)

Crisostomo

b)

Kapitan Basilio

c)

Kapitan Tiago

d)

Tenyente Guevarra

50.

Siya ang tagapangasiwa ng ipinatatayong paaralan ni Crisostomo.

a)

Don Filipo Lino

b)

Don Anastacio

c)

Nol Juan

d)

Tenyente Guevarra

51.

Siya ang gumawa ng makinang panghugos.

a)

Elias

b)

Taong Madilaw

c)

Nol Juan

d)

Don Filipo

52.

Magkano ang halagang ibinayad kay Padre Damaso sa kanyang sermon noong araw ng pista?

a)

250 piso

b)

300 piso

c)

isanlibong piso

d)

dalawanlibong piso

53.

Sino ang naghandog o nagbigay kay Maria Clara ng relikaryong ginto?

a)

Kapitan Tiago

b)

Padre Damaso

c)

Crisostomo

d)

Tiya Isabel

54.

 

Anong parusa ang ipinataw ng simbahan kay Crisostomo dahil sa pananakit nito kay Padre Damaso?

a)

Ipakakasal sa iba si Maria Clara.

b)

Pinagbayad siya ng malaking halaga.

c)

Idineklara siyang ekskomulgado.

d)

Hinadlangan ng simbahan ang pagpapatayo niya ng paaralan.

55.

Ang inawit ni Sisa nang pilitin siya ni Donya Consolacion.

a)

Kundiman

b)

Awit ng Gabi

c)

Takipsilim

d)

Awit ng Pangungulila

56.

Bakit sinabihan ni Pilosopong Tasyo si Ibarra na huwag humingi ng payo sa kanya?

a)

Hindi interesado si Tasyo sa ipatatayong paaralan ni Ibarra.

b)

Baka pag-isipan ng mga tao na isang baliw si Ibarra.

c)

Hindi naniniwala ang pilosopo na pahihintulutan ang paaralang ipatatayo ni Ibarra.

d)

Ayaw ni Pilosopong Tasyo na maging kaaway ang mga kalaban ni Ibarra.

57.

Siya ang nasawi sa aksidente sa seremonya ng paghuhugos.

a)

Elias

b)

Nol Juan

c)

Crisostomo

d)

Taong Madilaw

58.

 

Petsa ng kapistahan ng bayan ng San Diego.

a)

Nobyembre 10

b)

Nobyembre 11

c)

Nobyembre 12

d)

Nobyembre 13

59.

Napigilan niya si Crisostomo sa muntikang pagpaslang kay Padre Damaso.

a)

Kapitan Tiago

b)

Elias

c)

Maria Clara

d)

Padre Salvi

60.

"Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan." Sino ang nagsabi nito at kanino niya ito sinabi?

a)

Pilosopong Tasyo kay Ibarra

b)

Ibarra kay Pilosopong Tasyo

c)

Ibarra kay Elias

d)

Elias kay Ibarra

61.

Bakit muntikan nang mapatay ni Crisostomo Ibarra si Padre Damaso?

a)

dahil sa panghahamak ng prayle sa alaala ng ama ni Crisostomo

b)

bilang ganti sa pagpapahukay ni Padre Damaso sa bangkay ni Don Crisostomo

c)

dahil hinahadlangan ng prayle ang ipinatatayo niyang paaralan

d)

dahil hinahadlangan ni Padre Damaso ang pag-iibigan nina Crisostomo at Maria Clara

62.

Ilang araw ang ipinangako ni Elias sa grupo nina Kapitan Pablo bago nila malaman ang tugon ni Ibarra sa kanilang kahilingan?

a)

tatlong araw

b)

apat na araw

c)

isang linggo

d)

isang buwan

63.

Ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso na ibig ipakasal kay Maria Clara.

a)

Carlicos

b)

Alfonso

c)

Sebastian

d)

Timoteo

64.

Mag-aabuloy siya ng gintong tungkod sa Birhen ng Antipolo para sa mabilis na paggaling ng Maria Clara.

a)

Kapitan Tiago

b)

Tiya Isabel

c)

Crisostomo

d)

Padre Damaso

65.

Sa kanya lumapit si Lucas upang isumbong ang mababang halagang ibinigay sa kanya ni Ibarra sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Damaso

c)

Tenyente Guevarra

d)

Don Filipo Lino

66.

Sinabihan niya si Linares na labanan ang alperes, at kung hindi ay ibubunyag niya ang lihim ng binata.

a)

Donya Consolacion

b)

Donya Victorina

c)

Don Tiburcio

d)

Padre Salvi

67.

 

Siya ang namamahala sa palabas na nanindigang huwag paalisin si Crisostomo sa kabila ng pag-uutos at pagbabanta ni Padre Salvi.

a)

Kapitan Basilio

b)

Kapitan Tiago

c)

Don Filipo

d)

Nol Juan

68.

Halagang ibinigay ni Crisostomo para sa pamilya ng taong madilaw na nasawi sa seremonya ng paghuhugos.

a)

250 piso

b)

300 piso

c)

500 piso

d)

1,000 piso

69.

 

Siya ang itinuturing na ama ni Elias na siyang kinatagpo ng binata sa Batangas.

a)

Kapitan Martin

b)

Kapitan Simon

c)

Kapitan Pablo

d)

Kapitan Leon

70.

Isinakdal sa salang panununog. Dahil maralita at walang kakayahang magbayad ng abogado ay nahatulan ito. Siya’y ipinaseo sa lansangan nang nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Sino sa mga kaanak ni Elias ang tinutukoy?

a)

kapatid

b)

ama

c)

tiyuhin

d)

lolo

71.

Ang pari na nagpakumpisal kay Maria Clara noong ito ay may sakit.

a)

Padre Damaso

b)

Padre Salvi

c)

Padre Irene

d)

Padre Sibyla

72.

 

Sa Kabanata 52, paano nalinlang ni Elias ang mga guardia civil na naghahanap sa kanya?

a)

Nilasing ni Elias ang mga guardia civil.

b)

Nagpanggap siya bilang isa ring guardia civil.

c)

Kinasabwat niya ang isang rebelde upang ito ang habulin ng mga guardia civil.

d)

Nagkunwari si Elias na si Lucas ang hinahanap ng mga guardia civil.

73.

Paano ipapahamak si Crisostomo batay sa planong nabuo sa sabungan?

a)

Sasalakayin ang kwartel at isisigaw ang pangalan ni Crisostomo.

b)

Palalabasin na si Crisostomo ang may pakana ng pagsalakay sa kumbento.

c)

Papaslangin ang Gobernador-Heneral at si Crisostomo ang ituturong nag-utos.

d)

Kukubkubin ang mga tulay at daungan sa sasabihing ipinag-utos ito ni Ibarra.

74.

Saan nagmumula ang galit ng taong madilaw at ni Lucas kay Crisostomo?

a)

Hindi ibinigay ni Crisostomo ang kanilang mga kahilingan.

b)

Pinahirapan ng lolo ni Crisostomo ang kanilang ama.

c)

Inagaw ni Don Rafael ang lupain ng kanilang pamilya.

d)

Pinagbintangan ng ninuno ni Crisostomo ang lolo ng magkapatid ng panununog na dahilan upang mabilanggo ito.

75.

Isa lamang siyang patapon sa Espanya at nang mapadpad sa Maynila ay nagpanggap na isang doktor sa tulong ng maybahay na matagal nang pangarap na makapangasawa ng isang Kastila.

a)

Tenyente Guevarra

b)

Kapitan Basilio

c)

Don Santiago

d)

Don Tiburcio

76.

Ano ang babala na ibinigay ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago sakaling hindi nito hadlangan ang kasal nina Maria Clara at Crisostomo?

a)

Kailangang bayaran agad ni Kapitan Tiago ang malaking utang niya kay Padre Damaso.

b)

Papatawan ng ekskomulgasyon si Kapitan Tiago.

c)

Gagawa ng paraan si Padre Damaso upang mapahamak si Crisostomo.

d)

Idedeklarang erehe at subersibo si Kapitan Tiago.

77.

Siya’y nanunog at pumatay upang maipaghiganti ang kaapihang natamo. Isang araw ay natagpuan na lamang ang kaniyang ulo na nakasilid sa isang basket na nakasabit sa puno. Ang katawan nito’y ibinaon samantalang ang mga paa at kamay ay ikinalat.

a)

Elias

b)

ama ni elias

c)

tiyuhin ni Elias

d)

lolo ni Elias

78.

Ang anak niyang babae ay ginahasa ng isang alagad ng simbahan. Ang isa niyang anak na lalake ay pinagbintangang magnanakaw, ibinitin at pinahirapan, samantalang ang isa naman ay nagpakamatay na lamang nang hindi na makayanan ang pagpapahirap sa kanya ng mga guardia civil.

a)

Lucas

b)

Elias

c)

Kapitan Pablo

d)

Don Filipo

79.

Magkano ang paunang bayad na ibinigay ni Lucas sa mga lalaking nangakong sasama sa kanyang plano?

a)

25 piso

b)

30 piso

c)

50 piso

d)

100 piso

80.

Siya ang lalapitan ni Elias upang maging tagapagsulong ng karapatan at katarungan para sa mga api.

a)

Gobernador-Heneral

b)

Padre Salvi

c)

Pilosopong Tasyo

d)

Crisostomo

81.

 

Saan nabuo ang planong pagsalakay sa kwartel?

a)

sa kumbento

b)

sa sabungan

c)

sa paaralan

d)

sa sementeryo

82.

Halos lahat ng mga tao ay siya ang sinisisi sa sinapit na kasawian ng kanilang mga kaanak na nasawi o inaresto dahil sa pagsalakay sa kwartel.

a)

Crisostomo

b)

Tarsilo

c)

Albino

d)

Andong

83.

Nang matuklasan niyang nuno ni Crisostomo si Pedro Eibarramendia, tinangka niyang paslangin ang binata, ngunit nagbago ang kanyang isip at tulirong lumisan sa bahay nito.

a)

Alfonso

b)

guro

c)

Lucas

d)

Elias

84.

Ano ang huling habilin ng duguang lalake kay Basilio?

a)

Sunugin ang kanyang bangkay at hukayin ang kayamanan.

b)

Hukayin ang kayamanan at ipaghiganti ang sinapit ng kanyang ina at kapatid.

c)

Ipaalam kay Crisostomo ang kanyang kasawiang-palad.

d)

Ipagdasal ang kanyang sawing kaluluwa.

85.

Ano ang papel ni Don Pedro Eibarramendia sa buhay ni Elias?

a)

Siya ang nagpabilad sa ama ni Elias sa matinding sikat ng araw.

b)

Pinagbintangan niya ang lolo ni Elias ng panununog sa isang pagawaan.

c)

Pinagsamantalahan nito ang ina ni Elias.

d)

Siya ang nagpabilanggo sa ama ni Elias.

86.

Nang mapabalitang patay na si Crisostomo, alin sa mga sumusunod ang nais gawin ni Maria Clara?

a)

pakasalan si Alfonso

b)

pumasok sa kumbento

c)

ipagpatuloy ang ipatatayong paaralan

d)

wakasan ang sariling buhay

87.

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking bayan. Kayong makakikita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi." Sino ang nagwika nito?

a)

Crisostomo Ibarra

b)

Elias

c)

Sisa

d)

Maria Clara

88.

Batay sa pagsusuri ng doktor, ano raw ang ikinamatay ni Padre Damaso?

a)

katandaan

b)

sama ng loob o bangungot

c)

labis na pag-aalala

d)

atake sa puso

89.

Paano itinakas ni Elias mula sa bilangguan si Crisostomo?

a)

Isinakay niya ang binata sa bangka at pinagpanggap na isang guardia civil.

b)

Isinakay niya ang binata sa bangka at pinagpanggap na isang mangingisda.

c)

Pinahiga niya ang binata sa bangka at tinabunan ng mga dayami.

d)

Isinakay niya ang binata sa bangka at pinatalon sa tubig nang makalayo na.

90.

Nang mabalitaang namatay na si Ibarra, alin sa mga sumusunod ang nais mangyari ni Maria Clara?

a)

Itutuloy na niya ang planong pagpapakasal kay Alfonso Linares.

b)

Gusto niya magtungo sa Europa upang makalimot.

c)

Idedemanda niya si Padre Salvi dahil sa nangyari kay Ibarra.

d)

Papasok na lamang siya sa kumbento upang magmongha.

91.

Bakit namatay si Sisa?

a)

Inatake sa puso dahil sa takot sa paghabol sa kanya ng isang batang hindi niya kilala.

b)

Nabagok ang ulo matapos matalisod sa isang bato dahil sa paghabol sa kanya ni Basilio.

c)

Nabagok ang ulo matapos akyatin ang bakod ng isang libingan habang hinahabol ni Basilio.

d)

Binaril ng mga guardia civil.

92.

Bakit nagawa ni Maria Clarang ibigay ang liham mula kay Ibarra na siyang nagdiin kay Ibarra sa kasong pagsalakay?

a)

Pinagbantaan si Maria Clarang papatayin si Ibarra kung hindi niya ibibigay ang sulat.

b)

Sapilitan siyang ipakakasal kay Alfonso Linares kapag hindi niya ibinigay ang liham mula sa kasintahan.

c)

Gusto niyang protektahan ang karangalan ng kanyang ina.

d)

Madadamay diumano si Maria Clara sa isasampang kaso dahil sa pakikipagsabwatan nito kay Ibarra.

93.

Bakit pursigido ang mga guardia civil na mahuli si Elias?

a)

Magbibigay ng dalawang libong piso ang tenyente sa sinumang makahuhuli kay Elias.

b)

Malaki rin ang pagkakasala ni Elias sa mga guardia civil.

c)

Hindi papaluin sa loob ng tatlong buwan ang sinumang makahuhuli sa kanya.

d)

Pinagbantaan ng tenyente ang mga guardia civil na sila ang ibibilanggo kapag nabigo silang hanapin si Elias.

94.

Sino ang itinuturing na 'isinumpa' sa Kabanata 58?

a)

Elias

b)

Crisostomo

c)

Maria Clara

d)

Sisa

95.

Habang hinihintay niya ang kanyang pagiging obispo, pansamantala siyang nanungkulan sa kumbento ng Sta. Clara. Matapos nito, umalis na rin siya sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

a)

Padre Salvi

b)

Padre Damaso

c)

Padre Sibyla

d)

Padre Martin

96.

Paano natuklasan ang planong pagsalakay sa kwartel?

a)

May isang babaeng nangumpisal sa pari hinggil sa balak na paglusob.

b)

Isa sa mga rebelde ang nagtapat kay Tenyente Guevarra ng kanilang plano.

c)

Mula sa kumbento, narinig ng kura ang pag-uusap ng mga anino sa sementeryo.

d)

Napaniginipan ng alperes ang planong pagsalakay ng mga rebelde.

97.

Ano ang dahilan kung bakit nasa patyo ng simbahan si Andong noong mga oras na isinasagawa ang paglusob?

a)

Hinahanap niya ang kanyang asawa para maghanap ng makakain.

b)

Magbabawas siya dahil sa pagpapakain sa kanya ng byenan niya ng panis at bulok na pagkain.

c)

Hihingi sana siya ng pagkain mula sa kumbento.

d)

Magsisimba siya upang ihingi ng kapatawaran ang nagawa sa kanya ng byenan niya.

98.

Pinahirapan, pilit na pinaamin, at pinatay matapos sabihing walang kinalaman si Crisostomo sa pagsalakay sa kwartel.

a)

Tarsilo

b)

Bruno

c)

Lucas

d)

Pedro

99.

Sino sa mga nagtangkang sumalakay sa kwartel ang natagpuang nakabigti sa sanga ng puno ng santol?

a)

Tarsino

b)

Bruno

c)

Lucas

d)

Pedro

100.

Ipinaalam niya sa alperes ang planong paglusob ng mga rebelde sa kwartel.

a)

Don Filipo

b)

Padre Salvi

c)

Kapitan Tiago

d)

Lucas

101.

Natagpuan na lamang siyang patay ng isang pastol sa may pintuan ng kanyang bahay.

a)

Padre Damaso

b)

Padre Salvi

c)

Pedro

d)

Pilosopong Tasyo