NEW
Font size
WorksheetsLONG TEST in FILDIS_MIDTERM PERIOD
Total questions: 50
Worksheet time: 17mins
Hindi nagdulot ng pagbabago sa pyudal na kalagayan o paghahari ng mga panginoong maylupa sa malalawak na lupa, hanggang sa ngayon patuloy na pinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang parte sa lupa kahit walang kasiguraduhan. Sa anong sitwasyon ng mga agraryo ito nabibilang?
Malawakang pag-atake sa lumad para sa imperyalistang pandarambong
Upa sa lupa
Kawalan ng lupang sakahan
Plantasyon
Ayon sa gobyerno, ang manggagawang bukid daw sa palayan ay kumikita ng 256 habang sa maisan ay P206. Gayunpaman, kahit pa umabot ito ng P300 kung sakali man hindi ito kaya para sa pantustos sa araw-araw na gastusin. Sa anong sitwasyon ng mga agraryo ito nabibilang?
Malawakang atake sa lumad para sa imperyalistang pandarambong sa likas na yaman
Upa sa lupa
Kawalan ng lupang sakahan
Mababang sahod at iba pang pananamantala
Bunga ng malawak na kawalang lupa, nakatanikala na pagbabayad sa lupa upang makapagsaka lamang. Sa anong sitwasyon ng mga agraryo ito nabibilang?
Malawakang atake sa lumad para sa imperyalistang pandarambong sa likas
Upa sa lupa
Kawalan ng lupang sakahan
Plantasyon
Mula pa sa kolonyalismong kastila, ang agrikultura ng Pilipinas ay nagsilbing taga suplay lamang ng dikta ng dayuhang makapangyarihan. Sa anong sitwasyon ng agraryo ito nabibilang?
Mababang sahod at iba pang pananamantala
Kawalan ng lupang sakahan
Plantasyon
Upa sa lupa
Pangunahing bunsod ng pang-aagaw sa kanilang lupang ninuno, pagwasak sa kanilang komunidad para sa dambungin ng monopoly kapitalista ng likas na yaman. Sa anong sitwasyon ng agraryo ito nabibilang?
Malawakang atake sa lumad para sa imperyalistang pandarambong sa likas
Upa sa lupa
Kawalan ng lupang sakahan
Plantasyon
Pagilingkod ng pamahalaan sa mga mamamayan na ginagamit na instrumento ang bawat ahensya sa gobyerno ng makarating ang serbisyon. Dagdag pa dito, Kakikitaan mo ng hindi pagpapahalaga sa sariling wika ang ating bayan. Ilan sa mga mapapansin ang mga pormularyong ginagamit sa mga tanggapan ng gobyerno na karaniwang nakatala o nakasulat sa Ingles kung kaya’t nagiging hadlang sa pakikipagkomunikasyon. Anong kurso o disiplina ito?
Serbisyong Panlipunan
Akawnting
Negosyo
Pambansang Industriyalisasyon
Isang patunay na ang iba’t ibang anunsyo mula sa ibang bansa na nilalapatan ng wikang Filipino ay upang higit nating maunawaan at makahikayat ng mga mamimili. Anong Kurso o disiplina ito?
Literatura
Edukasyon
Negosyo
Medisina o Agham
Ito ay teknikal na pag-aaral kung saan kinakailangan bigyang linaw ang kahulugan o ipaliwanag ang teknikal na mga salita sa mga libro nitong ginagamit, higit na sa mga asignaturang matematika na mayroong pormyula at mga ibang katawagan batay sa kanilang kurso. Anong Kurso o disiplina ito?
Humanidades
Inhenyerong Sibil
Agraryo
Akawnting
Salamin ng tao ang kanyang kultura. Ang mga impluwensyang ito ay nagpapakita ng pagiging dominante ng mga kaisipang panlabas na niyayakap ng mga Pilipino. Tunay na nakasentro ang kulturang popular upang tangkilikin ng masang Pilipino ang ating kinagisnan at maging “in” sa komersyalisasyon. Anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Negosyo
Akawnting
Literatura
Edukasyon
Ang kantang Dam ni Gary Granada ay hindi lamang awit na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan kundi awit na rin na nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan. Anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Humanidades
Literatura
Serbisyong Panlipunan
Medisina o Agham
Nagiging palatandaan ng sakit na Dengue ay ang pagtaas ng lagnat kasunod nito ang anumang uri ng pagdurugo sa katawan. Ito ay maiiwasan kung pananatilihing malinis ang ating kapaligiran upang maiwasan na pamahayan ng lamok ang mga sulok nito. Anong kurso o disipina ito nabibilang?
Pambansang Industriyalisasyon
Medisina o Agham
Literatura
Agraryo
Ang panukalang proyekto ay para sa mga taong nangangailangan na magpatayo ng mga imprastraktura upang mapakinabangan ng bawat indibidwal. kasunod nito kinakailangan na may badget na nakalaan, iskedyul na nakatalaga kung kailan isasagawa at matatapos ang nasabing proyekto. Sa anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Pambansang Industriyalisasyon
Agraryo
Inhenyerong Sibil
Serbisyong Panlipunan
Mabisang-mabisa ang midyum na Wikang Filipino upang maging kasiya-siya ang pag-aaral; upang mailapat ang kaugnayan sa buhay ng aralin; upang maging malawak at komportable sa pag-aaral at higit sa lahat maging praktikal ang proseso ng pag-aaral. Sa anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Edukasyon
literatura
Negosyo
Akawnting
Sa malawak na kanayunan sa bansa, mananatiling mababa ang sahod sa mga manggagawang bukid daw sa palayan ay kumikita ng P256 habang sa maisan ay P206. Gayunpaman kahit pa umabot ito ng P300. Hindi ito kakasya para sa pantustos sa araw-araw na gastusin. Sa anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Edukasyon
Agraryo
Pambansang Industriyalisasyon
Serbisyong Panlipunan
Karamihan sa mga bansa ay dumadaan sa pagpapaunlad ng iba’t ibang antas para sa ating ekonomiya. Nagmemekanisa ng produkto upang maging metatag ang malalaking pabrika at empresa sa iba’t ibang antas at sector dagdag pa dito ang pagbuhos ng rekursong pananaliksik para mapaunlad ang ating produksyon. Sa anong kurso o disiplina ito nabibilang?
Akawnting
Edukasyon
Negosyo
Pambansang Industriyalisasyon
Isa sa mga pinakamatapang na awit ni Gary Granada na tumatalakay hinggil sa protesta sa dayaan ng halalan noong taong 2004 ?
Anak
Kanser
Dam
Values Education
Ito ay sinulat ni Tom Aguito ngunit nilapatan ng musika at inawit ni Gary Granada patungkol sa abusadong panginoong maylupa.
Pablong Propitaryo
O kay Sarap
Holdap
Values Education
Awiting naglalahad ng mga suliranin na kung saan umaalis ng bansa upang bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Dahil sa Hirap ng Buhay
Manggagawa
Sintang Mahal
OFW
Ang mga Kanta ni Goryo na kinatatampukan ng pangunahing awiting tradisyunal sa Pilipinas.
Ati Cu Pung Singsing, Pamulinawen, Leron Leron Sinta,
Ati Cu Pung Singsing, Bahay Kubo, Pamulinawen, Anak
Ati Cu Pung Singsing, Dung-aw, Saru Banggi
Bahay Kubo, Pasyon, Pamulinawen
Islogan ni Fidel V. Ramos
Strong Republic
Tuwid na Daan
Walang maiiwan sa laylayan
Newly Industrialized Country
Awiting tumatatak sa sakit ng lipunan partikular sa pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap na ang solusyon ay totoong rebolusyon.
Ugat
Kanser
Holdap
Edsa
Pinasikat niya ang mga awiting nagpapakita ng nasyonalismo, pulitika at suliranin ng bansa.
Lea Salonga
Gary Granada
Efren Abueg
Freddie Aguilar
Kailan napatunayang peke at huwad ang CARP.
Hulyo 20, 2013
Hulyo 30, 2013
Hunyo 20, 2014
Hunyo 30, 2014
Binibigyang diin ang pagiging manhid ng mga kapitalista sa karaingan lalo pa sa usapin ng pagtaas ng kanilang sweldo.
Manggagawa
Dam
Bahay
Dahil sa Hirap ng Buhay
Awiting ginising ang ating pagkapilipino laban sa pagpapatalsik sa sinasabi noong diktaturya ng Pangulong Ferdinand Marcos at inawit sa Edsa Revolution.
Ako'y Pilipino
Tagumpay nating lahat
Magkaisa
Kapayapaan
Siya ang nagpasikat ng awiting magkaisa.
Lea Salonga
Gary Granada
Efren Abueg
Freddie Aguilar
Tumutuligsa sa kawalan ng pagbabago pagkatapos na mapatalsik si Marcos at mailuklok sa pwesto si Pangulong Corazon Aquino.
Dam
Kanser
Ugat
Edsa
Organisasyong kinabibilangan ng mga magsasaka upang ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa
KMP
PDP
MTPDP
DAR
Karaniwang tumutukoy sa paglaya ng isang grupo o bansa mula sa isang mapaniil na pamahalaan, mananakop, o kaugalian.
Kapitalismo
Liberalismo
Pyudalismo
Imperyalismo
Taon kung kailan naisakatuparan ang Alternative Learning System
2002
2003
2004
2005
Batayan ng pagbibigay ng diploma at sertipiko sa mga nakapagtapos ng elemnetarya at sekondarya sa ALS.
Acceleration and Equivalency
National Achievement Test
NCAE
Diagnostic Test
Uri ng Sistema ng edukasyon na aktuwal ang interaksyon sa harap ng klase at guro. May sinusunod na “Curriculum Standard”.
Pormal na Edukasyon
Di-Pormal na Edukasyon
Alternative Learning Center
Elementarya at Sekondarya
Hindi mahihiwalay ang konsepto ng komersyalisasyon sa kulturang popular, kung kaya’t may kaakibat itong negosyo.
Relasyon ang layuning kulturang popular
Pinagkakakitaan ang kulturang popular
Likas ang pag-usbong ng kulturang popular
Uso ang kulturang popular
Ahensiyang nagbibigay ng suporta sa elementarya at sekondarya na sakop ng pampublikong paaralan.
UNESCO
ALS
DEPED
CHED
Ito ang programa na naglalayon na magkaroon ng tunay na reporma sa lupain ang bawat magsasaka subalit napatunayang peke at huwad lamang na programa.
Kilusang mambubukid sa Pilipinas
Comprehensive Agrarian Reporm Program
Department of Agriculture
Philippine Development Plan
Ang bagong katawagan sa Medium Term Philippine Development Plan pag-usbong ng rehimeng Aquino
Philippine Development Plan
Comprehensive Agrarian Reporm Program
Department of Agriculture
Kilusang mambubukid sa Pilipinas
Ugnayan. Ito ang pinatatag ng kulturang popular kung paano ang koneksyon ng tao sa kanyang kapwa ay napapanatili
Relasyon ang layuning kulturang popular
Abot kaya ang kulturang popular
Likas ang pag-usbong ng kulturang popular
Uso ang kulturang popular
Siya ang nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa kabisaan ng Wikang Filipino at Alternatibong Sistema ng Pagkatuto (ALS) sa pagtuturo sa mga Piling Learning Center.
Genoneva Matute
Emerito Samarca
Hermeline Aguilar
Ranee Rose A. Garol
Batis ng impormasyon na kumukuha ng datos sa pamamagitan ng interbyu sa isang indibidwal.
Hanguang Elektroniko
Primaryang Batis
Sekondaryang Batis
Respondente
Batis ng impormasyon na ang pagkalap ng datos ay mula sa pahayagan, magasin, aklat at iba pang mga teksto.
Hanguang Elektroniko
Primaryang Batis
Sekondaryang Batis
Respondente
Kasanayan sa pagpapakahulugan na literal ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o hango sa diksyunaryo.
Denotatibo
Konotatibo
Primaryang Batis
Sekondaryang Batis
Kabilang ito sa SQ3R na nagsasagawa ng muling pagbasa sa teksto upang mapalawak ang mga itinalang sulatin.
SURBEY
READ
RECALL
REVIEW
Pagkalap ng impormasyon o datos na nagreresolba sa isang suliranin na humahantong sa kaalaman.
Pananaliksik
Pagbasa
Pagsulat
Pagsasalita
Sulating naglalagay ng tulong-biswal upang mapadali ang pagtunton sa isang lugar.
Grap
Talahanayan
Mapa
Flowchart
Grapikong representante ng pagkakasunod-sunod na daloy o tunguhin ng mga isinasaad na impomasyon.
Grap
Talahanayan
Mapa
Flowchart
Kahulugan ng Akroniym na UNESCO;
United National Educational Scientific Cultural Organization
United Nation Educational Security Congress Organization
United Nation Educational Scientific Cultural Organization
United Nation Excellent Science Cultural Organizational
Ito ang ikatlong hakbang sa SQ3R na kinakailangang basahin ang bawat impormasyon na nakapaloob sa aklat o teksto upang malaman ang koneksyon ng nilalaman sa paksa.
Sarbey
Question
Read
Recall
Ang SQ3R ay isang estratehiya ng ______ upang naitatala ang bawat impormasyon kung ito ba ay balido o hindi.
PAGBASA
PAGSULAT
PAKIKINIG
PANONOOD
Ang pagsasagawa ng debrief ay pagkakakaroon ng ________ upang mabigyang linaw ang mga impormasyong nakalap.
TALAKAYAN
PANANALIKSIK
PAGBASA
PAGSULAT
Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kasanayan sa pagpapakahulugan.
Primaryang Batis, Sekondaryang Batis at Hanguang Elektroniko
Magtala, Wastong gamit ng Internet, Magdebrief at Kumonek
Denotatibo at Konotatibo
Surbey, Question, Read, Recall at Review
