wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

aktibong pagkamamamayan

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.

a)

Diskriminasyon

b)

Pagkamamamayan

c)

Konsepto ng Kasarian

d)

Estado

2.

Sa anong artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas nasasaad ang pagkamamamayan ng isang Pilipino?

a)

Article I

b)

Article II

c)

Article III

d)

Article IV

3.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkamamamayan ng isang Pilipino ayon sa legal na pananaw ng pagkamamamayan?

a)

Paggalang sa Saligang Batas ng Pilipinas.

b)

Pagiging matapat sa pag-iisip at sa gawa.

c)

Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas.

d)

Pagtangkilik sa sariling atin.

4.

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

a)

Tama ang Unang Pahayag, Mali ang Ikalawa.

b)

Mali ang Unang Pahayag, Tama ang Ikalawa.

c)

Tama ang una at ikalawang pahayag.

d)

Mali ang una at ikalawang pahayag.

5.

Ang Likas o katutubong mamamamayan ay anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng Likas o Katutubong anak ng Pilipino, alinman sa kanyang magulang?

a)

Si Melissa ay ipinanganak sa America, ang kanyang ama ay isang Australian at ang kanyang Ina ay isang Amerikana.

b)

Si Jonh ay anak nila G. at Gng. Lapuz na parehong Taga Bulacan.

c)

Ako si Wena, ako ay ipinanganak sa Marilao, Bulacan. Ang aking ama ay isang Ilocano at ang aking ina ay isang tagalog.

d)

Ako si Peter, isa akong Pinoy. Ang aking ina ay isang Amerikana at ang aking ama ay isang Cebuano.

6.

Tinatawag na Naturalisado ang dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng naturalisadong dayuhan?

a)

Ikinasal si Brenda sa kanyang kasintahan na si Michael na isang Australian.

b)

Taon taon ay nagtutungo sa Pilipinas si Bruno na isang Norwegian upang magbakasyon.

c)

Si Steve ay isang Indiano na nadestino sa isang Call Center Company sa Pilipinas upang magbigay ng Technical Assistance.

d)

Si Jerry Smith ay isang Amerikano na nanumpa sa saligang batas ng Pilipinas.

7.

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring matamo alinsunod sa nasasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas. Sa kabilang banda, ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala ayon sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

a)

Ang unang pahayag ay tama, mali ang ikalawang pahayag.

b)

Ang unang pahayag ay mali, tama ang ikalawang pahayag.

c)

Tama ang parehong pahayag.

d)

Mali ang parehong pahayag.

8.

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring matamo alinsunod sa nasasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas. Sa kabilang banda, ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala ayon sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

a)

Ang unang pahayag ay tama, mali ang ikalawang pahayag.

b)

Ang unang pahayag ay mali, tama ang ikalawang pahayag.

c)

Tama ang parehong pahayag.

d)

Mali ang parehong pahayag.

9.

Nakapangasawa ng isang British si Joia at nagdesisyon silang sa England na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kanyang mga magulang at kapatid at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Joia?

a)

British, sapagkat sa England na siya naninirahan.

b)

British, sapagkat nakapangasawa na siya sa England.

c)

Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang

pagkamamamayan.

d)

Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para

dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon.

10.

Si Franchesca ay ipinanganak at lumaki sa Amerika. Ang pareho niyang mga magulang ay kapwa Pilipino. Si Franchesca ay:

a)

mamamayang Pilipino.

b)

mamamayang Amerikano.

c)

walang pagkamamamayan.

d)

parehong mamamayang Pilipino at Amerikano.

11.

Si Yuan ay likas o katutubong Pilipino dahil:

a)

siya ay ipinanganak sa Pilipinas.

b)

dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon.

c)

pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino.

d)

pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino.

12.

Kung ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:

a)

jus soli

b)

jus civile

c)

jus naturale

d)

jus sanguinis

13.

Kung ang pagkamamamayan naman ng isang tao ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak, ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:

a)

jus soli

b)

jus civile

c)

jus naturale

d)

jus sanguinis

14.

Sa patuloy na paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan, hindi na lamang ito nananatili sa legal na konteksto. Isa sa mga pinakamahalagang aspekto nito sa kasalukuyan ay ang:

a)

pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes

b)

pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang

lipunan.

c)

pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng

pangulo.

d)

pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na

pamahalaan.

15.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama o wasto ukol sa aktibong

pagkamamamayan?

a)

Ang isang aktibong mamamayan ay nakakahon lamang sa pagsunod sa

mga batas.

b)

Ang mga mamamayan sa kasalukuyan ay tagasunod lamang ng mga

ipinag- uutos ng pamahalaan.

c)

Pinipili ng iilan na huwag na lamang makialam sa mga isyung hindi

naman ito direktang nakaaapekto sa kanila.

d)

Maaaring maging aktibo ang mga indibiduwal sa kani-kanilang mga

pamayanan sa iba’t ibang mga paraan.

16.

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong 1939, nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217 na tinatawag na:

a)

Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal

b)

Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal

c)

Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal

d)

Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal

17.

Ayon sa Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Ano ang pangunahing tungkulin ng pisang Pilipino sa kamyang bayan?

a)

Maging tapat

b)

Maging malinis

c)

Maging makaDiyos

d)

Maging tagapagtanggol ng bayan

18.

Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan.

Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga

pinuno ng bayan. Ano ang kahalagahan ng Saligang Batas?

a)

Para may susunding batas ang mga tao.

b)

Upang mapanatili ang kapayapaan sa pamayanan.

c)

Para naging sistematiko ang ating lipunan.

d)

Para sa kaligtas at karapatang pantao.

19.

Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din. Ano ang nais iparating ng ikalawang pahayag?

a)

Magbayad ng buwis upang magkaroon ng pondo ang pamahalaan para sa mga proyekto.

b)

Maging aktibong mamamayan para sa ikauunlad ng ating bayan.

c)

Ang anumang karapatan ay may kaakibat na responsibilidad.

d)

Maging mapanuring mamamayan sa atina lipunan.

20.

Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na nag-iisa kapiling ang iyong

mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapalaganap ng katarungang panlipunan ng isang ordinaryong mamamayang tulad mo?

a)

Pagbibigay alam sa kinauukulan tungkol sa domestic violence na nagaganap sa inyong kapitbahay.

b)

Pagpila sa inyong barangay para sa ayuda.

c)

Paggamit sa mga pampublikong pasilidad para sa mga senior citizen.

d)

Pamamahagi ni Mayor ng libreng gamot.