NEW
Font size
WorksheetsEl Filibusterismo_Kaligirang Kasaysayan
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Sa anong buwan natapos ang Noli Me Tangere?
Setyembre
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
Sa anong buwan naman nagsimula ang El Filibusterismo?
Setyembre
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
Ilang taon ang naging agwat ng El Filibusterismo sa unang nobela na Noli Me Tangere?
Limang taon
Walong taon
10 taon
13 taon
Kung ang Noli Me Tangere ay inialay ng Pambansang Bayani sa Inang Bayan, kanino naman niya inialay ang mas makamandag ng nobelang El Filibusterismo?
Sa Inang Bayan pa rin.
Sa mga kababayan sa Calamba.
Sa tatlong paring martyr.
Sa mga tinaguriang Indio.
Ang mga sumusunod ay ang naging buhay ni Rizal habang isinusulat ang ikalawang nobela, maliban sa _______.
Labis na kahirapan sa ibang bansa.
Labis na pag-uusig sa pamilyang naiwan sa Calamba.
Ikinasal ang natatanging iniibig sa iba.
Nakaranas ng problemang emosyonal at mental.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyenteng guwardiya sibil na marunong managalog."
Ang bahagi ng liham na ito ni Rizal kay Ferdinand Blumentrit ay naipadala sa kanya noong nilisan niya ang Pilipinas sa anong petsa?
Abri 7, 1887
Pebrero 3, 1888
Pebrero 15, 1889
Marso 25, 1890
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyenteng guwardiya sibil na marunong managalog."
Sa karanasang ito ni Rizal, mababatid natin ang pagkakaroon ng _________.
Pagmamalabis sa paggamit ng kapangyarihan.
Pag-uusig sa mga kontra sa sistema.
Matinding galit sa Pilipinong ang nais lamang ay kabutihan para sa bayan.
Labis na inggit sa Pilipinong may angking talino at matibay na paninindigan.
Masasabing nobelang politikal ang El Filibusterismo kumpara sa pagiging nobelang Panlipunan ng Noli Me Tangere dahil sa mga sumusunod na dahilan maliban sa _______.
Nilalarawan nito ang bulok na pamamalakad sa lipunan.
Nilalarawan nito ang bulok na paniniwala sa relihiyon.
Nilalarawan nito ang baluktot na sistema ng edukasyon.
Nilalarawan nito ang sakit ng mga mamamayan noon.
Kung pagbabatayan ang naging sulat ni Rizal kay Blumentrit, alin sa iyong palagay ang mas higit na motibo ng may-akda sa paglimbag niya ng ikalawang nobela?
Reaksiyon niya sa labis na pagtuligsa sa naunang nobela.
Paraan niya ng pagtulong sa mga naghihirap na kababayan.
Pagsisiwalat niya sa baluktot na kolonyal na pamamalakad.
Pagpapabatid sa mga kababayan sa kanilang karapatan na dapat ipaglaban.
Bilang pagkilala sa pangunahing tauhan na si Simoun, ang mga sumusunod ay naging kapansin-pansin sa kanya sa karugtong na nobela maliban sa ______________.
nawala na ang positibo nitong pananaw sa bansa.
mapangahas sa mga desisyon malayo sa dating paraan ng pagpapasiya.
may katigasan na ang puso at makakaliwa na ang mga pananaw.
taglay pa rin ang diwang makabayan.
