wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 10 Term 3 Final Exam Reviewer

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa kawalan ng katapatan ng wala o nasa posisyon sa pamahalaan.

a)

Graft

b)

Corruption

c)

Dishonesty

d)

Scam

2.

Ito ay ilegal na pagkuha at paggamit ng salapi o pondo ng bayan ng mga opisyal ng pamahalaan para sa sariling kapakinabangan.

a)

Graft

b)

Corruption

c)

Embezzlement

d)

Extortion

3.

Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa grand corruption MALIBAN sa:

a)

Ang grand corruption ay kinasasangkutan ng mga politiko sa bansa.

b)

Ang grand corruption ay nangyayari sa pamahalaan.

c)

Ang grand corruption at public corruption ay maaaring mangyari ng sabay.

d)

Ang grand corruption ay ang pangingikil sa mga maliliit na halaga ng pera.

4.

Sino ang maituturing na naturalisadong Pilipino?

a)

Si Mr. Takahashi na nauwi sa bansa tuwing bagong taon.

b)

Si Mrs. Smith na sumailalim sa pagdinig ng korte para sa kanyang pagkamamamayan.

c)

Si Ms. Swift na bumibili ng mga lokal na produkto ng bansa dahil mas mura ang halaga nito kaysa sa kanilang bansa.

d)

Si Mr. Heather na isa nang sundalo ng bansa matapos ang sampung taong paninirahan dito.

5.

Alin sa mga pahayag ang sumasalamin sa embezzlement?

a)

Winaldas ni Hanzo ang mahigit Php 1,000,000 ipinagkatiwala sa kanya ng kanilang kumpanya.

b)

Pineke ni Cathy ang pirma ni Joe upang mapasakanya ang pagmamay-ari nitong titulo ng lupa.

c)

Mas pinili ni Thelma ang kanyang kaibigan na makapasok sa trabaho dahil sa kakilala na niya ito.

d)

Nagpanggap na may-ari ng karinderya si Luis upang mangulimbat ng pera mula sa mga kostumer nito.

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng KATOTOHANAN tungkol sa pagkamamamayan ng ating bansa?

a)

Mananatili ang iyong pagkamamamayang Pilipino kahit na nakapag-asawa ka ng dayuhan.

b)

Mawawala ang iyong pagkamamamayan lalo na't kung hindi mo ineensayo ang iyong mga karapatan.

c)

Pinapayagan sa ating bansa ang pagkakaroon ng higit sa isang pagkakamamamayan (multiple citizenship).

d)

Tanging mga Pilipino lang ang maaaring mag may-ari ng mass media sa bansa.

7.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga gawaing pansibiko?

a)

Pagdalo sa birthday party ng iyong kaibigan

b)

Pagbili ng mga lokal na produkto

c)

Pagdonate ng mga lumang damit para sa mga nasunugan

d)

Pagliban sa pagbabayad ng buwis

8.

Ang mga fixer ay ang mga taong binabayaran upang mas mapabilis ang proseso ng paglakad sa iba't ibang uri ng papeles. Anong anyo ng korapsyon ang sumasalamin sa mga fixer?

a)

Nepotism

b)

Bribery

c)

Fraud

d)

Extortion

9.

Ito ay tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang tao sa isang bansa o isang malaking pangkat-etniko.

a)

nasyonalidad

b)

pagkamamamayan

c)

mamamayan

d)

lahi

10.

Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng mga gawaing pansibiko?

a)

Pagkawatak-watak ng lipunan

b)

Pagyabong ng inklusibo

c)

Pagtaas ng krimen

d)

Pagdami ng mga degree holder

11.

Si Mr. Villasco ay isang senador. Dalawang taon matapos siyang maluklok, lumabas na siya pala ang utak sa isang 10 Billion Scam Scandal. Anong ahensiya ng pamahalaan ang dapat na tumugon sa sitwasyong ito?

a)

Sandiganbayan

b)

Office of the Ombudsman

c)

Commission on Audit

d)

Civil Service Commission

12.

Nakaugalian na ni Governor Cruz na magpasa ng Statement of Liabilities and Networth (SALN) para sa transparency sa kanyang nasasakupan. Anong ahensiya ng pamahalaan ang dapat na tumugon sa sitwasyong ito?

a)

Sandiganbayan

b)

Office of the Ombudsman

c)

Commission on Audit

d)

Bureau of Internal Revenue

13.

Si Lt. Marasigan ay tumatanggap ng mga protection money mula sa mga preso sa bilibid. Anong uri ng korapsyon ang sumasalamin sa pahayag?

a)

Administrative Corruption

b)

Grand Corruption

c)

Petty Corruption

d)

Public Corruption

14.

Si Wilmore ay isang Pilipino dahil ang kanyang mga magulang ay Pilipino. Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ang sumasalamin sa pahayag?

a)

Law of the Blood

b)

Law of the Citizenship

c)

Law of the Soil

d)

Law of the Land

15.

Kahit may inang Pilipino, si Brenda ay isang Amerikana dahil siya ay ipinanganak sa California. Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ang sumasalamin sa pahayag?

a)

Law of the Blood

b)

Law of the Citizenship

c)

Law of the Soil

d)

Law of the Land

16.

Alin sa mga sumusunod na elemento ang bumubuo sa isang estado?

a)

teritoryo

b)

soberanya

c)

pagkamamamayan

d)

gobyerno

17.

Ang lahat ng tao sa isang bansa ay maituturing na mamamayan nito. Ang pahayag ay:

a)

TAMA, dahil ang mga mamamayan ay matatagpuan sa isang bansa.

b)

TAMA, dahil ang mga mamamayan ang siyang nagbabantay sa kapakanan ng estado.

c)

MALI, dahil may mga taong dayuhan lamang sa bansa.

d)

MALI, dahil ang mga mamamayan ay ang mga botante lamang ng isang bansa.

18.

Ang pagpapatupad ng Martial Law na nagdulot ng karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan ay sumasalamin sa anong uri ng korapsyon?

a)

Petty Corruption

b)

Political Corruption

c)

Administrative Corruption

d)

Constitutional Corruption

19.

Alin sa mga sumusunod na programa ang mga gawaing pansibiko?

a)

Extra-judicial Killings

b)

Kadiwa Market

c)

Pink Wave Movement

d)

PCSO Lotto

20.

Ano ang ipinagkaiba ng graft sa corruption?

a)

Ang graft ay kinasasangkutan ng mga politiko samantalang ang korapsyon ay kinasasangkutan ng mga mamamayan anuman ang antas nito.

b)

Ang graft ay ang pagpapabor sa isang tao samantalang ang korapsyon ay ang pagnakaw sa pondo ng bayan.

c)

Ang graft and corruption ay iisang konsepto lamang at kapwa ginagamit sa paglalarawan sa katiwalian sa pamahalaan.

d)

Ang graft ay ang pagnakaw ng hindi bababa sa 50 milyong piso samantalang ang korapsyon ay ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis.