Font size
WorksheetsMaikling Pagsusulit_Gender Roles_week 3&4
Total questions: 20
Worksheet time: 7mins
1. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
Pananakit
Pang-aabuso
Diskriminasyon
Pagsasamantala
2. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima din nito. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisipa, sinasampal, sinasakal, o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
D. Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya.
Suriin ang larawan nakikita, Ano ang ipinahihiwatig ng nasabing larawan?
A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sakalalakihan.
C. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing pambabae
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
4. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
Dowry
Purdah
Babaylan
Lotus feet
5. Nagiging biktima rin ng domestic violence ang mga kalalakihan.
TAMA
MALI
6. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin sa buong daigdig.
TAMA
MALI
7. Kultura, impluwensya ng mga kaibigan at media ang pangunahing nakakaapekto sa oryentasyong ito
A. Sex
B. Heteronormativity
C. Sexuality
D. Gender roles
8. Si Carlo ay may atraksyong sekswal sa kapwa niya lalaki. siya ay maituturing na_____.
Heterosexual
Homosexual
Asexual
Bisexual
9. Para sa kanila, hindi mahalaga ang gender at Sex sa atraksyong sekswal.
Bisexual
Asexual
Pansexual
Queer
10. Panahon o yugto sa Pilipinas kung saan sinasabing mas angakt ang tungkulin o gampaning pangkasarian ng mga babae kaysa lalaki. Panahon ng ________.
Amerikano
Espanyol
Pre-kolonyal
Hapon
Kasalukuyang panahon
Multiple answers
11. Alin sa mga sumusunod ang naging gampaning pangkasarian ng mga kababaihan sa panahong Pre-kolonyal?
Pagiging Babaylan
Pagbibilang ng boto sa pueblo o tribo
Kahalili ng Datu/Raja/ Sultan
Pagiging Binukot o Prinsesa
12. Panahon sa Pilipinas kung saan ang mga kababaihan ay pinapalaki upang maging ina o mamuhay para sa simbhan. kalimitan ay nag-aaral sa ilalim ng mga pare o madre.
Pre-kolonyal
Espanyol
Amerikano
Hapon
13. Isang tradisyon noong pre-kolonyal na kung saan nagbibigay ang lalaki ng kabayaran sa paraan ng salapi, gamit, hayop o lupain sa pamilya ng mapapangasawang babae
Pagtubos
bigay-kaya
sanla
utang
14. Paaralang itinayo ng mga Heswita noong 1935 para lamang sa mga illustrado na kalalakihan sa Pilipinas
Unibersidad ng Cebu
Unibersidad ng San Carlos
De Lasalle University
Unibersidad ng Santo Tomas
15. Ang sinaunang Paaralan noong panahon ng kastila para lamang sa mga kababaihan
Colegio de Santa Potenciana
San Juan de Letran
Unibersidad de Filipinas
Xavier School
16. Panahon sa bansa ng pagkakapantay-pantay at ideya ng demokrasya kung saan lalaki man o babae ay pinapayagan ng mag-aral sa naising eskwelahan
Pre-kolonyal
Kastila
Amerikano
Hapon
17. Siya ay isa sa mga babae noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas na nanguna sa kampanya upang makamit ng mga kababaihan ang karapatan na bumoto at maiboto sa pamahalaan
Gregoria de Jesus
Dr. Maria Paz M. Quezon
Melchora Aquino
Gabriela Silang
18. Mga naging biktima ng pagmamalupit ng mga sundalong hapones sa kababaihan. kalimitang dinadala sa garrison para pagsamantalahan
entertainer
comfort women
binukot
katalona
19. Ano ang pinakamahalagang salik na nagdulot ng malaking pagbabago sa kalagayan ng kababaihan sa lipunan?
Paniniwala sa pamilya
Paglahok sa pulitika
Edukasyon
Paniniwala sa relihiyon
20. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang maituturing na naglalarawan sa "sistemang patriyarkal sa lipunan"?
Pagiging Padre de Familia ng lalaki
Paglahok sa gampaning pampulitika
Pagiging house husband
Ang huling opinyon o pagsang-ayon ay nasa Ama o Lolo ng pamilya/ angkan
