NEW
Font size
WorksheetsDisaster Management
Total questions: 15
Worksheet time: 4mins
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
Lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakatataas na kinauukulan
Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galing sa nakatataas na kinauukulan
Pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring maging epekto ng bagyong paparating
Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang pansin
Alin ang tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad?
Disaster
Vulnerability
Resilience
Hazard
Anong uri ng hazard o panganib na dulot ng kalikasan?
Natural Hazard
Social Hazard
Anthropogenic Hazard
Physical Hazard
Anong uri ng hazard na bunga ng mga gawain ng tao?
Natural Hazard
Social Hazard
Anthropogenic Hazard
Physical Hazard
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya?
Hazard
Risk
Disaster
Resilience
Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?
Pinsala sa buhay at ari-arian
Pagbagsak ng ekonomiya
Pagtaas ng bilihin
Pagdami ng basura
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at panganib?
Hazard Assessment
Disaster management
Capacity management
Disaster
Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at kalamidad?
Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor
Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima
Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian, at sa kalikasan
Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan
Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?
Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa
Maayos ang ugnayan ng buong pamilya
Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos ang kani-kaniyang responsibilidad
Alin sa mga sumusunod ang may halimbawa ng maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan?
Natural Hazard
Anthropogenic Hazard
Structural Risk
Disaster
Alin sa sumusunod ang dapat gawin sa paghahanda sa pagdating ng bagyo at iba pang kalamidad?
Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista
Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit
Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon
Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong upang hindi tangayin ng hangin
Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng bottom-up approach?
Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga mamamayan na simulan at panatilihin ito
Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang pansin
Pananaw lamang ng namumuno ang nabibbigyang pansin sa paggawa ng plano
Nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan ang responsibilidad sa pagbabago
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahinaan ng top-down approach?
Limitado ang pagbuo sa disaster risk management plan dahil tanging ang pananaw ng mga namumuno ang nabibigyang-pansin sa pagbuo ng plano
Nabibigyang-pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard at kalamidad
Madaling nakakarating ang mga plano at dapat gawin kapag mayroong mga sakuna
Ang mga suliraning dulot ng kalamidad ay madaling nabibigyan ng solusyon
Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad
Mailigtas ang maraming ari-arian
Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad
Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad
Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
Pagtutok sa ulat panahon ng PAGASA
Pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS
Pakikinig at panunuod sa Social Media
Mahusay na plano ng Disaster Management
