NEW
Font size
WorksheetsAP 10 Quarter 1
Total questions: 20
Worksheet time: 5mins
Ang mahalagang aral na natutuhan ng mga Pilipino sa paglaganap ng Covid 19 ay ang katotohanang na ang bawat isa na nilalang sa mundo ay dapat na maging mulat at magmalasakit sa kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid. Ang katotohanan na ang lahat ng mamamayan ng mga bansa ay konektado sa isa’t isa kaya nga marapat na may kaalaman tayong lahat sa kontemporaryong isyu, sabi nga para maka survive” (Cabral, W. & Fuentes, R. 2020).
Mula sa iyong nabasang teksto, alin sa mga sumusunod ang maituturing na halimbawa ng kontemporaryong isyu?
Pagkalat ng COVID-19
Pagpapakalat ng FAKE NEWS
KORAPSIYON sa Gobyerno
Isyung Pangkapaligiran
Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Upang maging updated sa latest trend sa social media
B. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
C. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
D. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, mahalagang maunawaan ang kahalagahan nito ng mga mag-aaral. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas nito?
I. Nagiging mulat sa katotohanan.
II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip.
III. Napalalawak ang kaalaman.
IV.Napauunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.
A. I
B. I, II
C. I, II, III
D. I, II, III, IV
Ang uri ng kontemporaryong isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan at ekonomiya.
A. Panlipunan
B. Pangkalusugan
C. Pangkapaligiran
D. Pangkalakalan
Ang global warming, paglindol, baha, bagyo, El Nińo at La Nińa ay halimbawa ng mga isyung may kinalaman sa isyung ____________ at usapin sa tamang paggamit sa ating kalikasan.
A. Panlipunan
B. Pangkalusugan
C. Pangkapaligiran
D. Pangkalakalan
Sa panahon ngayon, marami nang mapagkukunan ng mga imprmasyon tungkol sa kontemporaryong isyu. Kabilang dito ang radio, telebisyon, internet, social media, at mga nakalathalang pahayagan, flyers at magasin. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng visual media?
A. komiks, magazine, diyaryo
B. balita, pelikula, dokyumentaryo
C. facebook, online blogs, website
D. magazine, dokyumentaryo, Instagram
Alin sa mga sumusunod na anthropogenic hazard ang naganap noon sa Marawi noong Mayo, 2017?
Terorismo
Sunog
Pangunguna sa rebolusyon
Away pulitika
Anong buwan at taon dumating at nanalanta ang bagyong Yolanda?
Nobyembre, 2010
Enero, 2013
Nobyembre, 2013
Enero, 2010
Ang isa sa matinding suliranin ng Pilipinas ay solid waste management. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ito?
A. Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura.
B. Marami ang sumusunod sa pagbubukod ng basura.
C. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan saan.
D. Tone-toneladang basura ang itinanapon sa mga ilog,estero, at bakanteng lote.
Ang batas na nagtataguyod na tugonan ang suliranin sa polusyon sa hangin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at mga industriya.
A. Batas Republika Blg. 9003
B. Batas Republika Blg. 7586 National Integrated Protected Areas System Act of 1992
C. Batas Republika Blg. 8749 Philippine Clean Air Act
D. Batas Republika Blg. 9072 National Caves and Cave Resources Management and Protection Act
Sa pagpapatupad ng waste segregation at resource recovery, pinagtibay ang programang ito na tumulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na kapaligiran.
A. Bantay Kalikasan
B. Greenpeace Philippines
C. Material Recovery Facility
D. Mother Earth Foundation
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahinaan ng tao, lugar, at imprastrakrtura na may mataas na posibilidad na maaapektuhan ng mga hazard.
A. Disaster
B. Risk
C. Resilience
D. Vulnerability
Ang mga Pilipino ay kilala sa kakayahan sa pagbangon (resilience) sa tuwing makakaranas ng kalamidad. Alin ang nagpapatunay dito?
A. Ang mga Pilipino ay may kusa at malikhain na iangkop ang sarili sa new normal na kalagayan ng panahon.
B. Ang mga Pilipino ay may matatag na paghahangad sa pagbangon ng bansa sa epekto ng kalamidad.
C. Ang mga Pilipino ay nakikibahagi sa mga gawaing tradisyunal sa pagpapanatili ng kahandaan sa panahon ng kalamidad.
D. Ang mga Pilipino ay nakikiisa na makamit ng bawat isa ang kaligtasan at proteksiyon ng komunidad sa panahon ng kalamidad.
A. A,B,C
B. A,B
C. A,C,D
D. A,B,D
Ang CBDRM ay proseso at disaster management approach na kung saan ang paghahanda laban sa kalamidad at sakuna ay nakasentro sa kapakanan ng tao. Ano ang ibig sabihin ng CB sa CBDRM?
Centrality-Based
Civic Based
Commercial-Based
Community-Based
Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, susuri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaaring maranasan lalo sa pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Alin sa ibaba ang hindi sumasang-ayon sa pahayag na ito
A. Isa itong paraan upang maiwasan ang malalaking pinsala sa buhay at ari-arian .
B. Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mga mamamayan.
C. Binibigyang pansin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan
D. Binibigyang-pansin ang mga mamamayang hindi nakikiisa sa kanilang gampanin.
Mahalaga ang aktibong pakikilahok at partisipasyon ng lahat ng sektor para sa matagumpay na disaster management plan. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapatunay sa pahayag?
A. Mababawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mapapanatili ang kaligtasan ng pamayanan mula sa kalamidad.
C. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na pamamaraan ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.
May paparating na malakas na bagyo sa inyong lugar, anong paghahanda ang nararapat gawin ng iyong pamilya?
A. Magpanic buying ng mga kakailanganin ng pamilya (inumin,gamot at pagkain)
B. Mag-imbak ng sapat na pagkain para sa pamilya at lumikas kung kailangan.
C. Manatiling kampante sa loob ng tahanan habang may paparating na bagyo.
D. Maghanda sa paparating na malakas na bagyo.
Sa panahon ng kalamidad, bakit sinasabing “ligtas ang may alam”?
A. Alerto sa mga nangyayari sa paligid at alam ang gagawin sa oras ng kalamidad.
B. Alam kung paano makakaiwas sa suliraning pangkapaligiran at laging handa.
C. Ang kaalaman ang pangunahing sandata sa pagharap sa hamon sa buhay.
D. Ang “may alam” lamang ang nakakaligtas sa mga sakuna at kalamidad.
A. A,B,C
B. A,C,D
C. B,C,D
D. B,D,A
Si Jenna ang Chairman ng Sangguniang Kabataan ng kanilang barangay. Kasapi siya sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management Plan sa kanilang komunidad. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gawin upang makatulong sa pagiging handa ng komunidad sa panahon ng kalamidad?
A. Magpatawag ng pulong sa miyembro ng Sangguniang Kabataan.
B. Magsagawa ng plano na nakabase sa CBDRRM Plan ng barangay.
C. Magsagawa ng mga drill na may kaugnayan sa kalamidad bilang paghahanda.
D. Magsaliksik ng mga pamamaraan na dapat isagawa sa panahon ng kalamidad.
Ang pagbuo ng CBDRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga yugto sa pagbuo nito?
I. Disaster Preparedness
II. Disaster Response
III. Disaster Rehabilitation and Recovery
IV. Disaster Prevention and Mitigation
A. IV, I, II, III
B. II, I, III, IV
C. I, II, III, IV
D. I, IV, II, III
