NEW
Font size
Worksheets2nd COT ArPan 9: Sektor ng Agrikultura
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor na ito at sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay dito umaasa.
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Industriya
Sektor ng Paglilingkod
Impormal na Sektor
Dito kinukuha ang maraming mga pangunahing pananim ng bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging pinya, kape, manga, tabako at abaka.
Paghahalaman
Paghahayupan
Paggugubat
Pangingisda
Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok pato at iba pa. Dito nanggagaling ang supply ng karne.
Paghahalaman
Paghahayupan
Pangingisda
Paggugubat
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa din ito sa may pinakamalaking daungan ng mga huling sida. Anong uri ng sub-sektor ng agrikultura ito?
Paghahalaman
Paghahayupan
Paggugubat
Pangingisda
Ito ay isang agham ng pagroprodyus ng pagkain at mga hilaw na produkto na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao.
Industriya
Agrikultura
Komersyo
Siyensya
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa dahil malaking bahagi nito ang
kumakatawan sa mga gawaing agrikultural. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura?
Pinagmumulan ng hilaw na materyal
Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
Nagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino
Nakagagawa ng produkto gamit ang makina
Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
Nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan.
Pinagkukunan ng pinansyal na pangangailangan.
Nagbibigay ng pinansiyal sa mga mamamayan.
Pinagkukunan ng kitang panlabas mula sa mga produktong agrikultural na ibinebenta sa pandaigdigang pamilihan.
Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng
agrikultura?
Nagpapakita ito ng kaayusang teknolohikal
Nagbibigay ng pagkakataon na malinang ang kaisipan ng mga tao
Dito nanggagaling ang serbisyong teknikal at konstruksiyon.
Dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa ating mga pangangailangan
Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?
Paghahalaman
Paghahayupan
Paggugubat
Pangingisda
Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
Bureau of Customs
Department of Labor and Employment
Department of Agriculture
Department of Environment and Natural Resources
