WorksheetsPagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di piksyon?
tip: t_t_on_ p_ng_a_ar_
(a)
2. Ang sumusunod naman ay mga babasahing piksiyon: maikling kwento, tula, nobela. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing piksiyon?
tip: k_t_a_g-_s_p
(a)
3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa salitang may salungguhit, anong pang ibang salita ang maikakabit dito?
tip: ek_p_s_t_r_
(a)
4. May iba’t ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong naratibo, unang panauhan, ikalawang panauhan, ikatlong panauhan. Batay sa mga nabanggit na mga pananaw, sino ang nagsasalaysay para sa unang panauhan?
tip: t_u_a_
(a)
5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, ang direkta o tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang pagpapahayag. Batay sa mga nabanggit na paraan, sino ang naglalahad sa di direkta o di tuwirang pagpapahayag?
tip: ta_a_a_s_l_y_a_
(a)
6. Maaaring maging subhetibo sa paggawa ng iba't ibang uri ng teksto. Ang manunulat ay maaaring nakabatay sa kaniyang sariling imahinasyon. Batay sa mga pangungusap na ito, anong salita ang maikakabit sa salitang subhetibo?
tip: op_n_o_
(a)
7. Taliwas sa konseptong subhetibo, ang tekstong impormatibo ay kinakailangan maging obhetibo. Dapat ay nakabase ang mga pahayag sa ebidensiya. Ayon dito, ang pagiging obhetibo ay nakakabit sa ano?
tip: ka_o_o_a_a_
(a)
8. Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginagamit ng manunulat bilang paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Batay sa nabasa, anong kahulugan o katangian ang maikakabit sa salitang pananaw?
tip: p_nt_ de-vi_t_
(a)
9. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Batay dito, anong layunin ng tekstong persuweysib?
tip: mang_i_a_a_
(a)
10. Nakabatay sa datos o impormasyong inilalatag ng manunulat ang laman ng tekstong argumentatibo dahil may pinaglalabang posisyon ang tekstong ito. Ayon dito, anong katangian mayroon ang tekstong argumentatibo?
tip: obh_t_b_
(a)
