Font size
WorksheetsT3 Final Exam Reviewer
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Alin sa mga sumusunod na produkto ang HINDI nagmula sa sektor ng industriya?
Patatas
Mineral
Imprastraktura
Kuryente
Bakit kinikilala rin sa tawag na hidden economy/underground economy/shadow economy ang impormal na sektor?
Dahil walang maayos na lokasyon ang mga kasapi nito
Dahil hindi sila nasusubaybayan ng pamahalaan
Dahil mahirap mabili ang mga produkto rito
Dahil mahirap mahanap ang mga pamilihan na kabilang dito
A. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng mga manggagawa na kabilang sa lakas-paggawa.
B. Ito ay tumutukoy sa kakayahan, kasanayan, talino, at lakas ng mga manggagawa sa pagbuo ng produkto o serbisyo.
A ay tama, B ay mali
B ay Tama, A ay Mali
A at B ay Tama
A at B ay mali
Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tangible goods?
Expertise
Tiktok
Bachelors degree
Coke float
Ano ang tawag sa konsepto kung saan ang export ay mas mataas kaysa sa import?
Trade deficit
Trade surplus
Balance of trade
Trade of payments
Si Aling Celia ay nagtrabaho bilang mananahi sa isang pabrika sa loob lamang anim na buwan ayon sa mga papeles. Anong uri ng manggagawa si Aling Celia?
Kontraktwal
Regular
Kaswal
Buwanan
Ang globalisasyon ay integrasyon ng ekonomiks, politikal, kultural, rehiyon, at sistemang sosyal na umaabot sa buong daigdig.
Tama
Mali
Sino ang nagpakilala ng teoryang Comparative advantage?
(a)
Alin sa mga sumusunod na ahensya ang nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa sa bansa?
PRC
OWWA
DOLE
TESDA
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng impormal na sektor?
Doktor
Street vendor
Karpentero
Mekaniko
Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakadinamikong sektor?
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Industriya
Sektor ng Paglilingkod
Impormal na sektor
Bakit itinuturing na primaryang industriya ang pagmimina?
Dahil maraming produkto ang nabubuo mula sa subsektor na ito
Dahil maraming hilaw na materyales ang nakukuha rito
Dahil nagagamit ang mga hilaw na materyales dito sa pagbuo ng ibang produkto at pagsasagawa ng serbisyo
Dahil mahirap itong gawin
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng absolute advantage?
Ang Japan ay bumibili ng agrikultural na produkto mula sa Pilipinas.
Ang Germany ay nagpapakadalubhasa sa pagbuo ng mga sasakyan.
Ang United Kingdom ay gumagamit ng constitutional monarchy bilang pamahalaan.
Ang United States of America ay hindi mahusay sa pagprodyus ng agrikultural na produkto.
Ang impormal na sektor ay nakasasama sa ekonomiya ng isang bansa,
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan sa pagkakaroon ng impormal na sektor?
Kulang na puhunan o kapital
Kawalan ng sapat na kaalaman o edukasyon at kasanayan
Pagtaas ng polusyon at pagtindi ng trapiko
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng white collar job?
Kasambahay
Engineer
Hardinero
Security guard
Anong patakaran ang nangangalaga at sumisiguro sa pagkilala sa orihinal na may gawa ng isang produkto o serbisyo?
Anti-camcording Act
Intellectual Property Code
Social Reform and Poverty Alleviation Act
National Health Insurance Act
Ang export ay tumutukoy sa pagpapasok ng mga produkto mula sa ibang bansa papunta sa ating bansa.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod na sektor ang nagkakaloob ng lakas paggawa at gumagamit sa yamang tao ng bansa?
Panlabas na Sektor
Sektor ng Industriya
Sektor ng Paglilingkod
Impormal na Sektor
