wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP5_3rdTE_Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang maihahambing natin sa posisyon ng pangulo sa kasalukuyan?

a)

Gobernador Heneral

b)

Alcalde Mayor

c)

Arsobispo

2.

Sila ang mga tagapasiyasat na ipinapadala ng hari ng Espanya upang alamin kung may pang-aabuso sa kapangyarihan na ginagawa ang mga gobernador-heneral.

a)

Gobernador Heneral

b)

Alcalde Mayor

c)

Visitador

3.

Sila ang kataas-taasang hukuman. Kanilang nililitis ang mga pinunong patapos na ang panunungkulan at mapang-abuso sa tungkulin.

a)

Real Audiencia

b)

Residencia

c)

Visitador

4.

Alin sa mga sumusunod ang TOTOO kaugnay sa pamahalaang lokal noong panahon ng mga Espanyol?

a)

Tanging ang mga Pilipino lamang ang may kapangyarihan dito.

b)

Ang pamahalaan ay hinati sa mga lokal na yunit upang mas madali itong mapamahalaanan ng mga Espanyol.

c)

Ang psosiyon ng gobernador-heneral ay maaaring mapasakamay ng mga katutubong Pilipino.

5.

Alin sa mga sumusunod ang posisyon sa pamahalaan na nakalaan lamang para sa mga katutubong Pilipino?

a)

Cabeza de Barangay

b)

Real Patron

c)

Alcalde Mayor

6.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng  monopolyo ng tabako sa kalusugan ng mga Pilipino?

a)

Ang mga katutubong gumamit nito ay nagkaroon ng sakit sa baga (lungs) at nahirapan sa paghinga

b)

Lumakas ang ekonomiya at dumami ang nakipagkalakalan sa ating bansa

c)

Naging kilala ang Pilipinas pagdating sa produksyon ng tabako dito sa Timog-Silangang Asya

7.

Si Orlando ay isang magsasaka noong panahon ng monopolyo ng tabako dahil dito sapilitan siyang pinagtanim ng tabako. Ano kaya ang mga bagay na kanyang pinagdaan sa mga panahong ito?

a)

Lumaki ang ani at kita (income) ni Orlando dahil sa pagtatanim ng tabako.

b)

Nagkaroon ng tag-gutom sa kanilang lugar dahil sa hindi sila pinayagan na magtanim ng ibang halaman.

c)

Dumami ang mga tabako sa bansa kaya hindi na ito naikalakal sa ibang bansa dahil nasira na ang mga ito. 

8.

Ano ang naging halaga at bunga ng maayos na transportasyon sa agrikultura ng ating bansa?

a)

Ito ay nakatulong sa mabilis na pakikipagkalakalan at pagdadala ng mga agrikultural na produkto sa ibat-ibang bahagi ng bansa

b)

Nasira ang mga pananim dahil kailangan itong tayuan ng mga kalsada at riles ng tren.

c)

Madali ng nakapupunta ang mga Pilipino s apook-pasyalan sa ating bansa dahil sa mabilis na transportasyon.

9.

Ito ay isang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Espanyol sa pakikipagkalan ?

a)

Titanic

b)

Balangay

c)

Galyon

10.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI epekto ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang galyon?

a)

Nakarating sa ating bansa ang mga imahe ng mga santo at ang pananampalatayang Kristiyanismo.

b)

Ang mga katutubong Pilipino ay natutong magdiwang ng mga kapistahan at pasasalamat sa mabuting paglalakbay.

c)

Natuto ang mga Pilipinong maghanda ng mga pagkaing hamburger, fries at pizza dahil sa pakikipaglitan ng produkto.

11.

Bakit pinipili pa rin ng mga mamamayang manirahan sa mga punong lungsod kaysa mga lugar na malapit sa mga kabundukan at tabing dagat?

a)

Dahil mas maraming opurtunidad sa paghahanapbuhay sa mga punong lungsod

b)

dahil ito ay utos ng simbahan

c)

dahil gusto nilang makapaglingkod sa pamahalaan

12.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa produktong banyaga

b)

Ang paglaban ng mga babaylan upang mapanatili ang katutubong pananampalataya

c)

Ang pagdiriwang ng mga Pilipino ng kapistahan bilang parangal sa mga santo.

13.

Alin sa mga sumusunod na bahagi ng Pilipinas ang naging mahirap para sa mga Espanyol na puntahan upang palaganapin ang pananampalatayang Islam?

a)

Ang mga kabundukan at mga tabing dagat

b)

Ang mga kapatagan

c)

Ang sentrong lungsod ng Maynila

14.

Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol ipakilala sa mga taga Mindanao ang pananampalatayang Kristiyanismo?

a)

Sapagkat mayroon na silang sariling pananampalataya

b)

Ayaw makinig ng mga taga Mindanao

c)

Walang tao sa Mindanao ng pumunta ang mga Espanyol

15.

Ano ang naging reaksyon ng mga katutubo ng ipinakilala ng mga Espanyol ang pananampalatayang Kristiyano?

a)

Sila ay hindi nakinig at nanatili sa kanilang katutubong pananampalataya at normal na pamumuhay.

b)

Nakita nilang maganda ang mga imahe ng santo na dala ng mga Espanyol.

c)

Sila ay sumunod dahil sa takot sa mga mananakop at sa mga kaparusahan (punishment) na kasama ng hindi pagsunod dito.

16.

Sino sa mga sumusunod ang isang Ilustrado?

a)

b)

c)

17.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO kaugnay sa hindi pagtatagumpay ng mga Espanyol na masakop ang ilang bahagi ng ating bansa?

a)

Nakatulong ang heograpiya (geography) ng ating bansa upang mahirapan ang mga Espanyol na marating ang mga lugar na malayo sa mga sentro.

b)

Hindi sapat ang pwersa at armas ng mga Espanyol upang sakupin ang kabuuan ng ating bansa.

c)

Hindi naabot ng mga Espanyol ang mga liblib na lugar ng Pilipinas tulad ng mga bundok at kagubatan.

18.

Sino ang tinaguriang “Joan of Arc ng Ilocos” dahil sa kanyang husay sa pakikipaglaban at mga naipanalong pag-aalsa laban sa mga Espanyol?

a)

GABRIELA SILANG

b)

MELCHORA AQUINO

c)

TAMBLOT

19.

Ano ang tawag sa samahan na itinatag ni Apolinario dela Cruz matapos siyang hindi tanggapin ng mga prayle sa monasteryo?

a)

KATIPUNAN

b)

LA SOLIDARIDAD

c)

CONFRADIA DE SAN JOSE

20.

Alin sa mga sumusunod ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubong Pilipino?

a)

Pangkabuhayan, Panrelihiyon at Pampolitika

b)

Pangkabuhayan, Panteknolohiya at Pampolitika

c)

Pan-internasyunal, Panrelihiyon at Pampolitika

21.

Maganda ang lokasyon ng Pilipinas para sa pakikipagkalakalan.

a)

TAMA

b)

MALI

22.

Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal, ang mga bansa sa Europa ay nagsimulang bumuo ng mga makina na makakatulong sa pamumuhay ng mga tao.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig kaya't iniwan ng Espanya ang Pilipinas sa mga mananakop na Amerikano.

a)

TAMA

b)

MALI

24.

Dahil sa mahabang panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay maraming kulturang katutubo ang nahaluan ng kulturang Espanyol.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

Nagkaroon ng colonial mentality ang maraming Pilipino bunga ng matagal na panahong pananatili ng Espanyol sa Pilipinas.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

Dahil sa pag-usbong ng Merkantilismo, nahikayat ang mga bansa na sumali sa kalakalan at makipagpalitan ng kanilang mga produkto.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Maihahambing natin ang Exchange Program ng ating paaralan sa opurtunidad ng mga Ilustrado na makapag-aral sa ibang bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Ang edukasyon na natamasa ng mga ilustrado ay nakatulong upang maghanagd ang mga ito ng kalayaan.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Ang asignaturang ICT, Robotics at ang ating MAC laboratory ay ilan lamang sa mga programa ng paaralan na kakikitaan ng makabagong teknolohiya.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Ang paaralang Elizabeth Seton  ay may mga programa na nagpapaunlad sa ating pagkilala sa kultura, tradisyon at pamumuhay ng mga Pilipino tulad na lamang ng KAMPISE at Buwan ng Wika.

a)

TAMA

b)

MALI