WorksheetsD-TEST-AP-5
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Name
Class
Date
1.
Ano ang tawag sa patag na representasyon ng daigdig o mga bahagi nito na nakaguhit sa papel?
a)
A. Globo
b)
B. Mapa
c)
C.Libro
d)
D. Google Map
2.
Ano ang tawag sa lokasyon na tumutukoy sa kinalalagyan ng isang lugar batay sa mga kalapit nitong lugar?
a)
A. Tiyak na LOkasyon
b)
B. Lokasyong Bisinal
c)
C. GPS
d)
D. Relatibong Lokasyon
3.
Ano ang tawag sa pangmatagalang kondisyon ng atmospera sa isang partikular na lugar?
a)
A. Klima
b)
B. Temperatura
c)
C. Panahon
d)
D. Bagyo
4.
Ano ang tawag sa antas ng init sa isang lugar?
a)
A. Klima
b)
B. Temperatura
c)
C. Panahon
d)
D. Bagyo
5.
Anong teorya ang nagsasabi na ang Pilipinas ay dating nakadugtong sa kalakhang lupain ng Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupa?
a)
A. Pacific Theory
b)
B. Ang Bottom of the Sea Theory
c)
C. Lost Continent Theory
d)
D. Teorya ng Tulay na Lupa
6.
Anong teorya ang nagsasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay mga labi ng isang kontinente noong sinaunang panahon.
a)
A. Pacific Theory
b)
B. Ang Bottom of the Sea Theory
c)
C. Lost Continent Theory
d)
D. Teorya ng Tulay na Lupa
7.
Ano ang tawag sa panahon na ang mga sinaunang tao ay gumagamit ng magagaspang na bato bilang kasangkapan?
a)
A. Panahong Paleolitiko
b)
B. Panahong Neolitiko
c)
C. Panahon ng Metal
d)
D. Wala sa Nabanggit
8.
Ano ang tawag sa panahon na gumagamit ang mga sinaunang tao ng metal bilang kasangkapan at armas?
a)
A. Panahong Paleolitiko
b)
B. Panahong Neolitiko
c)
C. Panahon ng Metal
d)
D. Wala sa Nabangit
9.
Ano ang tawag sa lipunan ng sinanunang Pilipino?
a)
A. Bansa
b)
B. Barangay
c)
C. Purok
d)
D. probinsiya
10.
Ano ang tawag sa namamahala sa mga barangay? Sila ay nabibilang sa pinakamataas na uri ng lipunan at kadalasan ay pinakamayaman?
a)
A. Datu
b)
B. Maginoo
c)
C. Timawa
d)
D. Alipin
11.
Ano ang tawag sa mga babaeng namumuno sa pagdaraos ng mga ritwal sa pamayanan o barangay?
a)
A. namamahay
b)
B. saguiguilid
c)
C. tumataban
d)
D. babaylan
12.
Alin sa mga sumusunod ang namana natin sa mga Tsino?
a)
A. Porselana
b)
B. Ginintuang Tara
c)
C. tarsilah
d)
D. Laguna Copper Plate
13.
Sinong misyonaryong Muslim ang nagpalaganap ng relihiyong Islam sa katimogang bahagi ng Pilipinas?
a)
A. Shariff Karim
b)
B. Mohammed
c)
C. Osama Hussein
d)
D. Shariff Karim ul-Mahkdum
14.
Ano ang tawag sa pananakop ng isang bansa sa isang lupain o teritoryo at direktang pagkontrol dito?
a)
A. merkantilismo
b)
B. Renasimiyento
c)
C. Panahon ng Pagtuklas
d)
D. kolonyalismo
15.
Ano ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga taga Europa ay humanap ng daan makarating lang sa Asya?
a)
A. Ginto
b)
B. pampalasa
c)
C. negosyo
d)
D. wala sa nabangit
16.
Sinong manlalakbay na taga Portugal ang waging nakarating sa Asya sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya?
a)
A. Bartolomeo Dias
b)
B. James Cook
c)
C. Christopher Columbus
d)
D. Ferdinand Magellan
17.
Ano ang pangalan ng barko na nawala sa kalagitnaan ng bagyo noong nasa Timog Amerika na si Magellan at ang kanyang mga kasama?
a)
A. Santiago
b)
B. San Antonio
c)
C. Victoria
d)
D. Trinidad
18.
Ano ang ginawa nina Miquel Lopez de Legazpi at Rajah Sikatuna bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan?
a)
A. pagdiriwang
b)
C. paligsahan
c)
B. pista
d)
D. sanduguan
19.
Ang pananakop ng mga Espanyol ay mayroong mga simbolo, ang Espada at krus? Saan sumisimbolo ang espada?
a)
A. Puwersa ng Espanya
b)
B. Pagiging Mandirigma
c)
C. Hustisya
d)
D. wala sa nabangit
20.
Ano ang tawag sa pagtipon ng mga naghiwalay na mga kabahayan sa bayan o pueblo?
a)
A. Reduccion
b)
B. Plaza
c)
C. Ayuntamiento
d)
D. Iglesia
21.
Ano ang tawag sa sistemang ipinatupad ng mga Espanyol na kung saan ang mga lupa ay hinati at ipinamahagi sa mga conquistador upang kanilang pamahalaan?
a)
A. encomienda
b)
B. reduccion
c)
C. tributo
d)
D. kolonyalismo
22.
Sino ang nakatanggap ng tungkulin at kapangyarihan na maihahalintulad sa hari ng Espanya?
a)
A. Viceroy
b)
B. Real y Supremo de las Indias
c)
C. Gobernador-Heneral
d)
D. Gobernador Cillo
23.
Sino ang namumuno sa mga lalawigan na ganap ng nasakop ng mga Espanyol?
a)
A. Alcalde-mayor
b)
B. Corregidor
c)
C. gobernadorcillo
d)
D. Cabeza de barangay
24.
Ano ang tawag sa sangay panghukuman ng simbahan na maihahalintulad sa Real Audiencia ng pamahalaang kolonyal?
a)
A. Korte Suprema
b)
B. Korteng Pangbayan
c)
C. Korteng Eklesiyastiko
d)
D. Wala sa Nabangit
25.
Ano ang tawag sa unang libro na nailimbag sa Pilipinas?
a)
A. Bibliya
b)
B. Koran
c)
C. Doctrina Cristiana
d)
D. Filipinas
26.
Ano ang tawag sa sapilitang paggawa na ipinapatupad ng mga Espanyol para sa lahat ng lalaking katutubo na may edad 16 hanggang 60?
a)
A. Donative de Zamboanga
b)
B. Sistemang Hacienda
c)
C. Kalakalang Galyon
d)
D. Polo y servicio
27.
Ano ang tawag sa sapilitang pagbebenta ng mga katutubo sa pamahalaan ng kanilang mga produkto?
a)
A. Donative de Zamboanga
b)
B. Bandala
c)
C. Polo y Servicio
d)
D. Kalakalang Galyon
28.
Sinong gobernador heneral ang nagpakilala ng paggamit ng apelyido o huling pangalan?
a)
A. Gobernador-Heneral Claveria
b)
B. Gobernador-Heneral Rojo
c)
C. Gobernador-Heneral de la Torre
d)
D. Legaspi
29.
Sino ang pinunong Muslim ng Maguindanao na kilala bilang pinakamatalino at pinakamagaling na mandirigma?
a)
A. Limahong
b)
B. Koxinga
c)
C. Sultan Kudarat
d)
D. Tamblot
30.
Sino ang cabeza na taga Bohol na nag-alsa laban sa mga Espanyol na tinaguriang pinakamatagal na pag-aalsa sa kasaysayan ng digmaang Pilipino-Espanyol?
a)
A. Francisco Maniago
b)
B. Pedro Almazan
c)
C. Francisco Dagohoy
d)
D. Andres Malong
100 %
