NEW
Font size
WorksheetsAP10_4TH QTR_ST2_REVIEWER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang aktibong pagkamamamayan?
Si Maffi ay nagsagawa ng patimpalak pangkagandahan upang makalikom ng pondo para sa kanilang school organization.
Si Robert ay nakilahok bilang varsity ng kanilang paaralan na lumalaban sa inter-barangay.
Si Jhoie ay nagbuluntaryong sumamama sa proyektong Clean and Green ng kanilang barangay.
Si Rowena ay isang aktibisdang mag-aaral. Siya ay nakikibahagi sa mga pagkilos upang iprotesta ang pagtaas ng tuition fee sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Anong karapatang pantao ang inilalarawan dito?
Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag at mapayapang makapagtipon at magpetisyon upang ilahad ang karaingan
Karapatan sa buhay, kalayaan at ari-arian
Karapatan sa mataas na kalidad ng edukasyon
Lahat ng nabubuhay na indibidwal ay may taglay na karapatan. Paano tayo napagkalooban ng mga karapatan?
Nagsilbi itong simbolo ng pamahalaan.
Pinagtibay ito ng pangulo ng ating bansa.
Ipinaglaban ito ng bawat mamamayan ng ating bansa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng katangian ng isang responsible, aktibo at mabuting mamamayang Pilipino?
Si Nina na nag-aaral na mabuti upang maging maganda ang kanyang kinabukasan.
Si Piolo na nagtatrabaho, pumapasok araw-araw subalit madalas na “late” dahil sa puyat.
Si Mark, may-ari ng botika at sinisigurong magbigay ng resibo kahit hindi ito hinihingi ng kanyang mga parokyano.
Ito ang tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa.
Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw.
Maging aktibo ang mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga iilang nangyayari sa kanilang lipunan.
Aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid upang sagayon ay may ma i-post ito sa kanyang Social Media account.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat mamamayan sa isang tunay na pagbabago ng lipunang ating ginagalawan. Ang sumusumod ay mga pananaw sa kung ano ang mga dapat gawin ng isang mabuting mamamayan MALIBAN sa isa.
Subuking unawain ang katuwiran ng mga taong may ibang opinyon
Pumili ng produkto para sa politikal, etikal o pangkalikasang kadahilanan, kahit na ito ay mayroong dagdag na gastos.
Iboto sa halalan ang mga politikong may mga larawan sa bawat tulong na kanyang ipinamamahagi.
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang batas
Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa
Bakit sinasabing makapangyarihan ang boto ng isang tao?
Maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.
Pwedeng magkaroon ng madaliang salapi kapalit ng pagboto.
Maaaring makatulong sa kamag-anak na maloluklok sa pwesto.
Si Alden ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
Non-Governmental Organization
Grassroot Support Organizations
People’s Organizations
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko?
Si Allen na sumasali sa mga “outreach programs” dahil ito at may katumbas na mataas na marka sa pinapasukang institusyon.
Si James na isang ordinaryong mamamayan na lumalahok sa mga proyektong patungo sa mga pamayanan na kadalasang hindi naabot ng tulong ng pamahalaan, ito ay dahil sa kanyang pagnanasang makapaglingkod sa kapwa ng walang hinihinging kabayaran.
Si Loki na napilitang magtungo sa mga tribo sa kabundukan ng Mindanao sa utos ng kanilang pinunong pambayan.
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto MALIBAN SA ISA___?
Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng Saligang-batas
Labing-walong taon gulang ngunit hindi rehistrado sa Comelec
Pamilya Reyes ay mga mamamayan ng Pilipinas
Kabilang ang mga grassroots level na mga organisasyon, simbahan, at iba pang non-government organizations (NGOs) kung saan ang mga tao o publiko ay nakikipag-ugnayan at sumasapi upang maisulong ang kanilang nagkakaisang adhikain o layunin ay pagpapakita ng ______.?
Civil Society
Community-based Organizations
Participatory governance
Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay itinuturing na isang flawed democracy. Ano ang ibig sabihin nito?
May malayang halalang nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito
May malayang halalan ngunit may mga ibang aspekto ng demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan.
May malayang halalang nagaganap ngunit hindi nirerespeto ang karapatan ng mamayan nito.
Maituturing na isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang katiwalian ayon saTransparency International, isang pangkat na lumalaban sa katiwalian. Ayon sa kanila, tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. Ang mga sumusunod ay bunga ng katiwalian MALIBAN SA..
Kawalan ng kakayahan o competence sa pamumuno ng mga state parties
Malawak na kalayaan sa pagbibigay ng desisyon sa head of the state
Kawalan ng papanagutan at malasakit sa mamamayan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Participatory Governance?
Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan
Ito ay tinatawag na ‘elitist democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay pinag-iisipang mabuti at nagmumula sa mga namumuno.
Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang
bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang mapaunlad ang isang bansa. Ayon sa ilang mga eksperto, alin sa mga sumusunod ang mas magiging aktibong paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan?
Pakikilahok ng mga mamamayan at kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan
Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan
Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
Ito ay tumutukoy sa paniniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan. Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga Nagueño sa kanilang sarili.
Progressive development perspective
Functional partnerships
People’s participation
Alin sa mga sumusunod ang inilahad ng OHCHR o Office of the High Commissioner for Human Rights (2014) ang pakahulugan nito sa good governance?
Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law.
Ang good governance ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and social resources” ng bansa para sa kaunlaran nito
Ang pagkakaroon ng isang bansa ng bukas at malinaw na polisiyang pangkaunlaran, may mataas na kalidad ng propesyonalismo sa burukrasya, at mapanagutang pamahalaan
Bilang isang Pilipino, paano mo igigiit ang iyong karapatan bilang isang mamamayan?
Makikinig sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
Palagiang manonood ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
Aktibong makikilahok sa peace and order committee ng barangay.
Sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng media sa pagsusulong karapatang pantao. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong gawain ng media sa pagsusulong ng karapatang pantao?
Paglalahad ng balita tungkol sa mga karumal-dumal na krimen na batay sa iisang panig.
Pagbibigay ng pahayag tungkol sa karapatan ng mga batang kapus-palad na sa nasa lungsod.
Pagpapakita ng dokumentaryo tungkol sa pang-aabuso ng mga pulis at militar sa karapatang tao.
Nakapaloob sa Artikulo 11 ng Saligang Batas ang tamang paraan ng mabuting pinuno.
TAMA
MALI
Mahalaga na dapat walang bahid korapsyon ang bawat pinuno ng bansa.
TAMA
MALI
Ipagsawalang bahala ang pagpili ng pinuno ng bansa.
TAMA
MALI
Isa sa mga dimesiyon ng good governance ay the rule of law.
TAMA
MALI
Ang graft at korapsyon ay makabubuti sa ating bansa.
TAMA
MALI
