WorksheetsNOLI PART 1 (KALIGIRAN)
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Ang mga sumusunod ay mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere maliban sa isa.
pagmamalupit ng mga guwardiya sibil sa mga Pilipino
malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino
hindi pagkakamit ng katarungan laban sa mga Espanyol
hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
Ang sumusunod ay mga pangyayari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere maliban sa:
Marami ang humanga sa kanyang kagalingan sa pagsusulat.
Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat.
Maraming mga prayle at Kastila ang nagalit sa kanya.
Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito.
Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan. Ano ang kasingkahulugan ng mga may salungguhit na salita?
pagkabigo
kasamaan
pagkalinga
kalungkutan.
Ano ang layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
Upang sagutin ang paninirang loob na matagal ng panahong ikinulapol sa mga Pilipino.
Lahat ng nabanggit.
Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
Upang maipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kondisyong panlipunan bago naisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
Naging maganda ang pamumuhay nila sa panahong iyon.
Nagtulungan ang lahat sa pagpapaunlad ng mga bayan-bayan.
Umasenso ang kalakalan sa iba’t ibang pook sa Pilipinas.
Nakaranas ng pang-aapi at kawalan ng katarungan ang marami.
Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa. Anong magkasingkahulugang salita ang ginamit sa loob ng pangungusap?
Pilipino at dayuhan
pagdaralita at pagpapahirap
pagdaralita at pang-aabuso
pagpapahirap at pang-aabuso
Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal?
Naglalaman ito ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.
Naglalaman ito ng mga bagay na kayang gawin ng mga Pilipino.
Naglalaman ito ng mga bagay na maituturing na banal.
Naglalaman ito ng mga bagay na walang sinuman ang makapangahas bumaggit sa kanyang panahon.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kondisyong panlipunan matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
Nangyayari ang mga kaguluhan sa iba’t ibang probinsya sa Luzon.
Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga bansang nasa Europa.
Natakot ang maraming Pilipino dahil magkakaroon ng digmaan.
Namulat ang maraming Pilipino tungkol sa kalagayan ng Pilipinas sa pamamahala ng mga Espanyol.
Ang isa sa nakaimpluwensiya kay Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang The Wandering Jew at Uncle Tom’s Cabin. Ano ang pagkakatulad ng dalawang aklat na ito?
nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang lahi
nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa
nagpapakita ng pagmamalupit ng isang lahi sa iba
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katahimikan
Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang may salungguhit ay may kasingkahulugan na ______.
ipinagsigawan
pinagtibay
ipinakita
minura
