WorksheetsNOLI PART 3
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Siya ay larawan din ng isang mayuming Pilipina na nagtataglay ng mabubuting kaasalan at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay kumakatawan kay Leonor Rivera. Mahalaga siya sapagkat siya’y larawan o imahe ng ating Inang Bayan sa nobela.
Pia Alba
Tiya Isabel
Maria Clara
Ivana
Mahalaga siya sa nobela sapagkat siya ang nag-abiso kay Ibarra na may kaguluhang magaganap na kung saan ang binata ang pagbibintangan kaya niya ito pinatakas at tanging siya lamang ang tumulong sa binata.
Lucas
Elias
Fidel
Padre Salvi
Taglay ang katangian ni Dr. Jose P. Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. Mahalaga siya dahil siya’y naging simbolo ng karunungan sa akda at kumakatawan kay Paciano na kapatid ni Rizal.
Pilosopo Tasyo
Elias
Crisostomo Ibarra
Tenyente Guevarra
Siya ang tunay na ama ni Maria Clara na naging mortal na kalaban ni Crisostomo Ibarra sa nobela. Siya’y kumakatawan sa mga arogante at abusadong prayle sa panahon ni Rizal.
Pilosopo Tasyo
Tenyente Guevarra
Kapitan Tiyago
Padre Damaso
Pinakamayamang kapitalista sa San Diego at labis na kinaiingitan dahil sa yamang taglay. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa at naging kahanga-hanga ang paggalang at pagtitiwala sa batas at pagkamuhi sa mga lumabag dito.
Don Pepot
Don Pedro Eibarramendia
Don Rafael Ibarra
Don Crisostomo Ibarra
“Ako’y minsan lamang umibig, at kung walang pag-ibig ay di ako magiging kaninuman.” Anong uri ng pag-ibig ang masasalamin sa pahayag?
Pag-ibig sa magulang
Pag-ibig sa kasintahan
Pag-ibig sa bayan
Pag-ibig sa kapwa
“Iniibig ko ang aking bayan, ang Pilipinas, sapagkat utang ko sa kaniya ang aking buhay at kaligayahan, sapagkat bawat tao’y may katungkulang umibig sa kaniyang bayan.” Anong uri ng pag-ibig ang masasalamin sa pahayag?
Pag-ibig sa magulang
Pag-ibig sa kasintahan
Pag-ibig sa bayan
Pag-ibig sa kapwa
“Maaari ba kitang malimot? Hindi ko kailanman maaaring kalimutan ang banal na sumpa. Ang sumpang ginawa ko sa harap ng aking pumanaw na ina. Ikaw lamang Maria Clara ang isinumpa kong mamahalin at paliligayahin habang ako’y nabubuhay.” Anong uri ng pag-ibig ang masasalamin sa pahayag?
Pag-ibig sa magulang
Pag-ibig sa kasintahan
Pag-ibig sa bayan
Pag-ibig sa kapwa
Bakit itinuturing na dakilang araw ng paggunita ng mga Pilipino ang ika-30 ng Disyembre?
dahil sa pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani ng bansa
dahil sa pagkilala ng mga Pilipino sa katalinuhan, katapangan at pagpapakasakit ni Rizal
dahil sa pagkilala sa mga obra ni Rizal na naging daan sa pagkakamit ng kalayaan
dahil sa pagsariwa sa pangyayaring naghatid ng pighati sa bayan
Ano ang ipinakikitang katotohanan sa buhay ng pangunahing tauhang si Crisostomo Ibarra?
Kinakailangang humarap sa pagsubok ang isang tao upang maging matatag.
Hindi dapat na nagtitiwala sa mga taong hindin lubusang kilala.
Kahit ang isang taong may mabuting layunin ay maaaring maging biktima ng di magandang kapalaran.
Walang maibubuting maganda ang paghihiganti sa kapwa.
