Font size
WorksheetsIkaapat na Markahang Pagsusulit sa FILIPINO-5
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang pagtatapon ng basura ay malaking suliranin hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong daigdig.
Oo
Hindi
Pwede
Ewan
Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang
A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura
Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa
A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?
A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Paglipat ng pook tirahan
B. Illegal na pagtotroso
C. Pagdami ng populasyon
D. Illegal na pagmimina
Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang
A. Ecological Garbage Management Act of 2010
B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000
D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010
Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang
A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura
Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?
A. tahanan
B. palengke
C. paaralan
D. pabrika
Bakit kailangan ng pagtugon sa suliranin ng ating kapaligiran?
Para hindi ito lubusang masira at mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon.
Maging kapaki-pakinabang ang ating yaman
Hindi na nakakaakit ang ating bayan
Wala ng mapapasyalan
Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba't ibang sektor sa lipunan
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran.
Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba't ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligran nito.
Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo.
Pagliit ng produksyon sa sektor ng agrikultura.
Dito isinasagawa ang pagbubukod ng mga basura bago ito dalhin sa mga dumpsite.
a. Material Facility
b. Material Recovery
c. Material Processing
d. Material Recovery Facility
Alin sa mga sumusunod ang pakinabang ng kagubatan sa buhay ng tao?
a. pinagkukunan ng hilaw na materyales para sa produksyon
b. nakakatulong sa mitigasyon sa climate change
c. tirahan ng mga hayop
d. Lahat ng nabanggit.
Ang mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa Solid Waste, MALIBAN sa isa:
Kawalan ng disiplina ng mga tao.
Kawalan ng pondo ng pamahalaan.
Kawalan ng pera at pagkain ng mga tao.
Kawalan ng programa ng pamahalaan.
Gumuho ang lupa kasi tuloy-tuloy ang ilegal na pagtotroso sa bundok.
SANHI
BUNGA
Unti-unting nawawalan
ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang buhay nila.
SANHI
BUNGA
Dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa ating likas na yaman, mabilis na nauubos ang mga ito.
SANHI
BUNGA
Madalas ang pagbaha sa kanilang lugar sapagkat nagtatapon sila ng basura sa estero
SANHI
BUNGA
Nais ng pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas na yaman kaya may mga batas
pangkalikasan.
SANHI
BUNGA
Ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari.
Sanhi
Bunga
Sanhi at Bunga
Ito ay nagsasabi ng resulta ng panngyayari.
Sanhi
Bunga
Sanhi at Bunga
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?
dahil naligo sa ulan
kaya siya ay nagkasakit
Siya ay naligo sa ulan kaya siya nagkasakit.
Hudyat na salita na nagsasabi ng SANHI ng pangyayari
kaya
bunga
sapagkat
Hudyat na salita na nagsasabi ng BUNGA ng pangyayari
kaya
kasi
dahil
Ito ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
Magasin
Dagli
Balita
Komiks
Ang balita ay maibabahagi sa pamamaraang ______ kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon;
Pampaningin
Pasalita
Pasulat
Pahayagan
______ kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang babasahin;
Pasulat
Pampaningin
Radyo
Pasalita
Naibabahagi ang balita sa pamamaraang pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.
TAMA
MALI
Mas nakatatawag-pansin sa mambabasa o tagapakinig ang mga napapanahon at sariwang balita.
Tama
Mali
Aling bahagi ng pahayagan ang pupuntahan batay sa ibinigay na sitwasyon?
Nasira ang laptop ni G. Sanchez sa online na klase. Nais niyang humingi ng tulong sa isang technician na maaaring magpunta sa kanilang bahay upang ayusin ito.
Anunsyo Klasipikado
Pahinang Editoryal
Pamukhang Pahina
Pahinang Panlibangan
Pahinang Pampalakasan
Aling bahagi ng pahayagan ang nasa larawan?
Anunsyo Klasipikado
Pangmukhang Pahina
Pahinang Panlibangan
Pahinang Pampalakasan
Pahinang Editoryal
Aling bahagi ng pahayagan ang nasa larawan?
Pahina ng Obituwaryo
Pahinang Panlibangan
Pangmukhang Pahina
Pahina ng Balitang Lokal
Pahina ng Balitang Pandaigdig
Aling bahagi ng pahayagan ang nasa larawan?
Anunsyo Klasipikado
Pangmukhang Pahina
Pahinang Panlibangan
Pahina ng Pangangalakal at Pananalapi
Pahinang Pang-edukasyon
Aling bahagi ng pahayagan ang nasa larawan?
Pahinang Pang-edukasyon
Pangmukhang Pahina
Pahinang Panlibangan
Pahina ng Pangangalakal at Pananalapi
Pahinang Editoryal
Aling bahagi ng pahayagan ang pupuntahan batay sa ibinigay na sitwasyon?
Nais malaman ni Kuya Anton kung sino ang nanalo sa UAAP ngayong taon.
Pahinang Pangkalusugan
Pahina ng Balitang Lokal
Pahinang Pampalakasan
Pahinang Panlibangan
Pahina ng Balitang Pandaigdig
Ito ay isa sa pinakamatandang anyo ng print media
kompyuter
pahayagan
internet
magasin
Pangulong Duterte, pumuntang Davao para sa isang pulong disenyong pasyalan.
Balitang Lokal
Balitang Internasyonal
Balitang Kutsero
Balitang Obitwaryo
Gusto mong malaman kung kailan ililibing ang namatay na pulitiko.
Obitwaryo
Editoryal
Balitang Lokal
Isports
Naglalaman ng mga balita mula sa iba’t-ibang bansa at panig ng daigdig.
Isports
Balitang Pandaigdig
Balitang Lokal
Editoryal
Naipasa na niya ang kanilang proyekto ____ hindi na sila mapagagalitan ng kanilang guro.
dahil
kaya
ngunit
samakatuwid
Hindi ka makakakuha ng pagsusulit ____ nahuli ka sa klase.
at
kapag
ngunit
pero
Mabilis niyang tinapos ang kanyang takdang aralin ____ nakapaglaro na siya.
habang
kaya
ngunit
sapagkat
Mabait naman si Rafael _____ iniiwasan pa rin siya ng iba niyang kamag-aral.
saka
subalit
sapagkat
kaya
Ang aming mapagmahal _____ ina ang nag-aalaga sa aming magkakapatid.
na
ng
Ang responsable _____ mag-aaral ay kinatutuwaan ng mga guro.
na
ng
Tukuyin at piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
Humingi ng pabor si Haring David ___ Propeta Nathan na ipahatid sa Panginoon ang paghingi niya ng tawad.
kina
sa
kay
ng
Tukuyin at piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
Nagkuwento ng talinghaga si Propeta ___________ sa dalawang lalaki na nag-aalaga ng tupa.
ayon kay
ayon sa
tungkol sa
tungkol kay
Tukuyin at piliin ang angkop na pang-ukol na bubuo sa pangungusap.
Ipinapatay ng mayamang lalaki ang tupa ng mahirap na lalaki ________sa bisita niyang dumating.
para sa
ukol sa
ayon sa
tungo sa
Tukuyin at piliin ang angkop na pangatnig na bubuo sa pangungusap.
Sang-ayon ka ba sa parusa ni Haring David ___ naaawa ka sa sinapit ng kanyang anak?
pero
habang
dahil
o
