WorksheetsArpan9
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Inilahad sa aklat na Economic Development (2012) na mayroong dalawang magkaibang konsepto ang pag-unlad. Ito ay tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw. Sino ang may-akda sa aklat na ito?
Fajardo
Todaro at Smith
Meriam-Webster
Sen
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa palatandaan ng pag-unlad?
May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP.
May pag-unlad kung limitado ang kalayaan.
May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.
May pag-unlad kung may makabagong teknolohiya at makinarya.
Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa ito sa kaisipang maaaring may kaugnay din sa salitang pagsulong. Ang kahulugan na ito ay mula kay _____.
Fajardo
Todaro at Smith
Merriam-Webster
Sen
Ipinaliwanag niya na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapaunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa yaman ng ekonomiya nito.
Ang pahayag na ito ay mula kay _____.
Fajardo
Todaro at Smith
Meriam-Webster
Sen
Ang sumusunod ay mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong sa isang bansa maliban sa _____.
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Teknolohiya at Inobasyon
Kalakalan
Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspeto ng kaunlarang pantao.
Human Development Report
Human Development Index
Human Resource Management
Human Resource Development
Sa pamamagitan ng mga salik na ito ng pag-unlad, nagagamit ng mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami ang mga nalilikhang produkto at serbisyo. Anong salik ng pag-unlad ang tinutukoy nito?
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Teknolohiya at Inobasyon
Kalakalan
Anong pananda ang ginagamit sa aspekto ng edukasyon ukol sa antas ng pinag-aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang?
Life Expectancy
Mean Years of Schooling
Gross National Income Per Capita
Expected Years of Schooling
Ito ay itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Teknolohiya at Inobasyon
Kalakalan
Alin sa sumusunod na pangungusap ang tama tungkol sa konsepto ng pag-unlad?
Ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng tao.
Ang pag-unlad ay nasusukat sa dami ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
Ang pag-unlad ay nakikita sa mga modernong gusali na naipatayo.
Ang pag-unlad ay nasusukat sa GNP at GDP ng bansa.
Ang mga sumusunod ay mga estratehiyang maaring gawin ng mga mamamayan para magbigay ng kontribusyon sa pambansang kaunlaran maliban sa:
Matalino
Maabilidad
Maalam
Makabansa
Ang pagkilala sa kandidato at sa programanang pangkaunlaran na kaniyang inihanda bago iboto ay isang paraan ng pagpapakita estratehiyang:
Mapanagutan
Maalam
Maabilidad
Makabansa
Bilang pagpapakita ng pakikiahok sa adhikain ng pamahalaan, mahalaga din ang inisyatibo ng bawat mamamayan na makalikha mga programang pangkaunlaran sa kanilang komunidad. Ito ay isa sa mga gawain sa ilalim ng estratehiyang:
Mapanagutan
Maabilidad
Maalam
Makabansa
Upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino, mahalaga ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng pamahalaan, mapalokal man o nasyonal. Ito ay nagpapakita ng pagiging:
Mapanagutan
Maabilidad
Maalam
Makabansa
Mahalaga ang buwis dahil nagbibigay ito ng sapat na pondo sa pamahalaan para makapagbigay sa mga mamamayan ng libreng serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan, at iba pa. Ito ay nagpapakita ng pagiging:
Mapanagutan
Maalam
Maabilidad
Makabansa
Mahalaga ang paghahanap ng iba pang pagkakatian gaya ng pagnenegosyo nang sa gayon ang isang manggagawa ay hindi lamang aasa sa kaniyang sweldo o sahod. Ito ay isang halimbawa ng katangian sa ilalim ng estratehiyang:
Mapanagutan
Maabilidad
Maalam
Makabansa
Ang pagiging kasapi sa isang kooperatiba ay isang maliit na pamaraan ng isang mamamayan para makalikha ng yaman ng bansa. Ito ay naayon sa estratihiyang:
Mapanagutan
Makabansa
Maabilidad
Maalam
Ang hindi pagsasawalang-kibo sa anumang katiwalian at pang-aabuso ng mga opisyal ng alin mang sektor sa ating pamahalaan at pagsisiwalat ng katotohan ay isang halimbawa ng pagiging:
Mapanagutan
Maabilidad
Maalam
Makabansa
Upang hindi mawala ang yaman ng bansa, kailangan nating tangkilikin ang ating sariling produkto bilang pagpapahiwatig ng ating pagiging:
Makabansa
Maabilidad
Mapanagutan
Maalam
Tanging pamahalaan lamang ang may kakayahan para maisakatuparan ang inaasam-asam na pambansang kaunlaran.
Tama, dahil sila ang may hawak ng buwis at may kapangyarhihang gamitin ito.
Mali, dahil kailangan din ang kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga mamamayan para sa pagkamit ng adhikaing pambansang kaunlaran.
Mali, dahil dapat ang mamamayan lang ang magdedekta sa pamahaaan kung ano ang hakbang na dapat gawin para umunlad ang bansa
Tama, dahil mas matalino ang mga taong nanunungkulan sa pamahalaan at hindi na kailangan ang tulong ng mga mamamayan.
Ano ang tinutukoy na isang industriya na napakahalaga dahil sa ito ang nagkakaloob sa atin ng pagkain, at maging ng pananamit at tahanan?
Pagsasaka
Paggugubat
Pangingisda
Paghahayupan
Alin ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya?
Suplay ng pagkain
Nagpapasok ng dolyar
Raw materials para sa sektor ng industriya
Pagbili ng sakahan ng mga dayuhan
Nagmula sa salitang Latin na ager cultura noong 6000 B.C. Ano ang kahulugan nito?
kultibasyon ng mga bukirin
pangangalaga ng mga pananim
pamimitas ng mga prutas
pagtatanim
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa sector agricultural?
Pagsasaka
pangingisda
paggugubat
pagmimina
Anong pangunahing ahensya ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
Department of Agrarian Reform
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
Department of Agriculture
Bureau of Soils and Water Management
Alin ang kinabibilangan hindi lamang ng pamamahala sa mga gubat para sa kapakanan ng mga tao, kundi ng tamang paggamit ng tubig, konserbasyon ng mga hayop at halaman, at ang pagtatayo ng mga lugar-pasyalan o recreation areas?
Pagsasaka
Paggugubat
Pangingisda
Paghahayupan
Dahil ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan, ito ay may malawak na katubigan, na pumapaligid sa mga isla nito, at sa pagitan ng mga pulo. Ano ang isa sa mahalagang industriya ang kaugnay nito?
Pagsasaka
Paggugubat
Pangingisda
Paghahayupan
Bakit itinuturing na isang agham ang agrikultura?
dahil ito ay may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman
dahil ito ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat
dahil ang sektor na ito ay kasing halaga rin ng iba pang sektor
dahil ng mga gawaing agrikultural ay mayroong mahalagang papel sa pagsulong ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa
Ito’y ang resulta ng mabilis na proseso ng urbanisasyon ng ilang bahagi ng bansa, patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng komersyo, at industriya.
Pagliit ng lupang pansakahan
Climate Change
Paggamit ng Teknolohiya
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Isang malaking kompetisyon ang pagbubukas ng bansa sa kalakalang panlabas at ang pagsali nito sa pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO). Nagdudulot ito ng ____________________?
Pagliit ng lupang pansakahan
Climate Change
Paggamit ng Teknolohiya
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Ang mga tagtuyot, malakas na bagyo, at malaking baha ay ang mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng ani at pagbaba ng produktibidad ng agrikultura.Ito ay dulot __________________?
Pagliit ng lupang pansakahan
Climate Change
Paggamit ng Teknolohiya
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Alin ang pinakamahalagang ginagampanan ng sektor agrikultural sa ekonomiya ng bansa?
Ito ang nagpasimula ng mga lipunan at komunidad ng sangkatauhan.
Ito ang nagsilbing ugat ng pagsulong ng daigdig na alam natin sa kasalukuyan.
Dahil sa agrikultura, nagawa ng mga tao na mag-imbak ng mga butil na maaaring kainin sa ibang araw.
Ang masiglang sektor na ito ay nakaeengganyo ng maraming namumuhunan na pumasok sa sektor na ito na siyang lalong nakapagpapasigla rito at maraming trabaho ang nabuksan para sa mga mamamayan.
Bilang isang mag-aaral, alin ang HINDI mo kayang gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura?
Kumuha ng kursong pang-agrikultura upang makatulong sa pagpapaunlad nito
Magpantay ng mga batas upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura
Magtanim ng mga gulay sa likod bahay upang may mapagkukunan
Ugaliing magtapon ng basura sa tamang lalagyan
Malaking bahagi ng produksiyon sa agrikultura ay nasisira dahil kulang tayo sa mga pasilidad sa pagtutuyo at pagpoproseso ng mga ani at hilaw na produkto.
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
Lumalaking populasyon sa bansa
Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan.
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
Lumalaking populasyon sa bansa
Ang patuloy na pagdami ng tao na umaasa sa yamang tubig para sa kanilang ikabubuhay ay nagpapalala sa sitwasyon ng sektor ng pangisdaan.
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
Lumalaking populasyon sa bansa
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay nagtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura.
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
Lumalaking populasyon sa bansa
Ang malalaki at komersyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakakaapekto at nakakasira sa mga korales.
Epekto ng polusyon sa pangisdaan
Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda
Lumalaking populasyon sa bansa
Ito ay bunga ng paggamit ng mababang antas ng teknolohiya sa pagtatanim.
Pagliit ng lupang pansakahan
Climate Change
Paggamit ng Teknolohiya
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Ang mga malalaking barkong ito ay gumagamit ng sistema na kung tawagin ay _________________na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat.
trawl fishing
straw fishing
straight fishing
raw fishing
Kailan nilagdaan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang malawakang reporma sa lupa ayon sa Agricultural Land Reform Code?
Agosto 8, 1963
Agosto 10 1936
Agosto 7, 1963
Agosto 9, 1936
Alin sa mga sumusunod na batas ang nagbibigay-proteksyon laban sa mapang-abuso, mapang-api at mandaraya na may –ari ng lupa sa mga manggagawa?
Batas Republika Bilang 1160 ng 1953
Batas Republika Bilang 1190 ng 1954
Batas Republika Bilang 2200 ng 1980
Batas Republika Bilang 1132 ng 1867
Sino ang pangulo ng Pilipinas ang lumagda sa (CARP)Comprehensive Agrarian Reform Program noong Hunyo 10, 1988?
Jose P. Laurel
Diosdado P. Macapagal
Ferdinand E. Marcos
Corazon C. Aquino
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga programa ng pamahalaan upang maiangat ang kalagayan ng mga magsasaka MALIBAN sa:
KALAHI agrarian reform zones.
Pagbibigay ng Scholarship program para sa mga anak ng magsasaka.
Pag-aangkat ng produkto sa ibang bansa.
Pagtatayo ng mga daungan.
Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Program of CARP?
Ipamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang tanim o tenyur nito.
Ipamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno.
Ipamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 50% sa may-ari ng lupa
Ipamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 50% sa may-ari ng lupa
Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng mga kagubatan at lamang dagat, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan para malutas ang mga ito.
Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura
Magtatag ng mga ahensya at programa na tumutulong sa sektor na ito.
Magsasagawa ng kampanya upang humikayat na pangalagaan ang agrikultura
Magbigay ng maraming pananim at binhi sa mga magsasaka
Ito ay ang mga pinagsanib na programa upang mapaunlad ang land tenure at maayos ang mga hadlang na nagpapabagal sa pag-unlad ng agrikultura.
Repormang agraryo
Repormang pang-agrikultura
Comprehensive Land Reform Program
Comprehensive agrarian reform
Alin ang HINDI programang pang-agraryo?
Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
KALAHI agrarian reform zone
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
Ito ay itinatag upang pangasiwaan ang pamamahagi ng mga kalupaan para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA)
Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
National Protected Areas System (NIPAS)
Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL)
Isa sa pangunahing suliranin ng Sektor ng Agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultura. Bakit nangyayari ito?
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
Kawalan ng ng maayos na daan patungo sa pamilihan(Farm-to
market road)
