NEW
Font size
WorksheetsAng Pinagmulan ng Daigdig
Total questions: 20
Worksheet time: 1hrs 14mins
1. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at si Maganda)", ano ang dahilan kung bakit hindi makapag-pahinga ang ibon kakalipad?
Dahil ang ibon ay nasisiyahan at nagagalak sa paglipad kaya ayaw niyang tumigil.
Dahil ang ibon ay may hinahanap na isang bagay.
Dahil wala pang lupa at mga puno sa kanilang daigdig.
Dahil kailangan niyang tuparin ang pangako niya sa Langit na lilipad lamang siya nang lilipad.
2. Hanapin ang panghalip sa pangungusap.
Pinagaspas ng ibon ang kaniyang pakpak at umihip ang malaunos na hangin sa Karagatan.
ibon
kaniyang
hangin
umihip
3. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", ano ang ginawa ng Langit upang mapanatag ang naistorbong Karagatan?
Ang Langit ay nagpaulan ng mga isla upang mapanatag ang Karagatan.
Ang Langit ay nagpaulan ng mga bato at mga puno.
Pinagalitan ng Langit ang ibon dahil ginalit nito ang nananahimik na Karagatan.
Pinagsabihan ng Langit ang Karagatan na huwag magalit sa ibon dahil hindi naman nito sinasadya ang nangyari.
4. Ilan ang panghalip na ginamit sa tekstong mababasa sa ibaba?
Sa panahong ding iyon, ikinasal ang Hanging Amihan sa Hanging Habagat. Ang kanilang pagmamahalan ay nagluwal ng isang anak - ang Kawayan.
Isa
Tatlo
Apat
Dalawa
5. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", paano isinilang sina Malakas at si Maganda?
Dahil sa pag-iibigan nina Langit at Karagatan naisilang sina Malakas at si Maganda.
Natamaan ng Kawayan ang paa ng ibon na nagpapahinga sa may ilog kaya tinuka siya nito. Nabiyak ang Kawayan at dito naisilang sina Malakas at si Maganda.
Isinilang ng Hanging Amihan at Hanging habagat sina Malakas at si Maganda.
Wala sa nabanggit.
6. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", bakit ipinatawag ng Lindol ang lahat ng mga nilalang sa kanilang daigdig?
Upang pag-usapan sina Malakas at Maganda at kung paano nila ito mapapaalis sa kanilang lugar.
Upang maghanda sa parating na pistahan sa kanilang nayon.
Upang mapagpasyahan kung ano ang magiging kapalaran nina Malakas at Maganda.
Upang salubungin sina Malakas at Maganda at paghandugan ng isang pagdiriwang.
7. Ilan ang panghalip na ginamit sa tekstong mababasa sa ibaba?
Sa huli, nagkasundo ang lahat na mag-iisang dibdib sina Malakas at Maganda. Nagluwal ang kanilang pagmamahalan ng napakaraming supling.
Tatlo
Dalawa
Isa
Apat
8. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", ano ang nangyari sa mga anak nina Malakas at Maganda pagkatapos lumipas ang ilang panahon?
Lumipas ang panahon at nagpakalayo-layo ang mga anak nila.
Lumipas ang panahon at nagkaroon ng sari-sariling pamilya ang mga anak nila.
Lumipas ang panahon at unti-unti silang namatay dahil sa malubhang sakit.
Lumipas ang panahon at lumaking batugan o tamad ang mga anak nila.
9. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", sa sobrang katamaran ng mga anak nina Malakas at Maganda, ano ang hinangad ng dalawa?
Hinangad ng dalawa na papuntahin na lang ang kanilang mga anak sa malayong lugar upang matahimik ang kanilang mundo.
Ipinagdasal na lamang ng dalawa ang mga anak sa Langit.
Hinangad ng dalawa na magbago ang kanilang mga anak.
Hinangad ng dalawa na palayasin na ang kanilang mga anak ngunit sila ay naawa dahil walang matutuluyan ang mga ito.
10. Sa kuwentong "Ang Pinagmulan ng Daigdig (Si Malakas at Si Maganda)", ano ang ginawa ni Malakas sa kaniyang mga anak nang ito ay nagalit na dahil nawalan na sila ni Maganda ng kapayapaan?
Kumuha si Malakas ng isang patpat at pinaghahampas niya ang lahat ng mga anak.
Ipinagdasal na lamang ng dalawa ang mga anak sa Langit.
Hinangad ng dalawa na magbago ang kanilang mga anak.
Wala sa nabanggit.
11. Ilan ang bilang ng panghalip na ginamit sa tekstong mababasa sa ibaba?
Nasindak ang kanyang mga anak kaya’t kumaripas ang mga ito sa iba-ibang direksyon -
may nagtago sa mga silid at sa likod ng mga pader ng kanilang bahay, may nagtago sa
may pandayan, ang iba nama’y nagsikalat sa labas ng bahay, habang ang iba’y pumalaot
sa karagatan.
Lima
Apat
Tatlo
Dalawa
12. Ayon sa tekstong mababasa sa ibaba, sino ang tinutukoy nang may salungguhit na panghalip?
"Sa sobrang katamaran ng mga anak, hinangad ng mag-asawa na palayasin na ang mga
ito."
Katamaran
Mag-asawa
Mga anak
Hinangad
13. Ayon sa tekstong mababasa sa ibaba, ano ang tinutukoy nang may salungguhit na panghalip?
"Isang araw, nagpapaanod ang Kawayan sa isang ilog nang matamaan nito ang paa ng Ibong
nagpapahinga sa pampang."
Kawayan
Araw
Ilog
Ibon
14. Ayon sa tekstong mababasa sa ibaba, sino ang tinutukoy nang may salungguhit na panghalip?
"Sapagkat naniniwala ang Ibong walang maaaring manakit sa kanya, tinuka ng Ibon ang Kawayan hanggang sa mabiyak at mahati ito sa dalawa."
Ang Kawayan
Ang Ibon
Ang Manakit
Ang Mabiyak
15. Tama o Mali
Ayon sa nabasang alamat ng paglikha ng daigdig, ang mga nagtago sa silid ng bahay ay ang ninuno ng mga Datu ng mga isla.
Tama
Mali
16. Tama o Mali
Ayon sa nabasang alamat ng paglikha ng daigdig, ang mga nagsitago sa likod ng mga pinto ay ang ninuno ng mga Alipin.
Tama
Mali
17. Tama o Mali
Ayon sa nabasang alamat ng paglikha ng daigdig, ang mga nagsikalat sa labas ng bahay ay ang ninuno ng Malalaya.
Tama
Mali
18. Tama o Mali
Ayon sa nabasang alamat ng paglikha ng daigdig, ang mga nagsitago sa pandayan ay ang ninuno ng lahing Maitim.
Tama
Mali
19. Tama o Mali
Ayon sa nabasang alamat ng paglikha ng daigdig, ang mga pumalaot ay ang ninuno ng
lahing Mapuputi.
Tama
Mali
20. Anong uri ng Panghalip ang nakasalungguhit na salita na mababasa sa ibaba?
Nasindak ang kanyang mga anak kaya’t kumaripas ang mga ito sa iba-ibang direksyon -
may nagtago sa mga silid at sa likod ng mga pader ng kanilang bahay, may nagtago sa
may pandayan, ang iba nama’y nagsikalat sa labas ng bahay, habang ang iba’y pumalaot
sa karagatan.
Panghalip na Pamatlig
Panghalip na Panaklaw
Panghalip na Pananong
Panghalip Panao
