wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 10 _ TULA

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy sa akda na pagpapahayag ng napakaraming kaisipan sa kaunting salita lamang.

a)

BUGTONG

b)

SAWIKAIN

c)

TULA

d)

KASABIHAN

2.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng tula?

a)

TAYUTAY

b)

SIMBOLISMO

c)

TALINHAGA

d)

DIKSYON

3.

Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

a)

SAKNONG

b)

TAYUTAY

c)

TUGMA

d)

SUKAT

4.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng tula?

a)

Pinapalawak ang kamalayan ng indibidwal tungo sa isang mas malalim na pagtingin o pananaw sa isang bagay.

b)

Pinapaganda at pinapalinaw nito ang bawat pahayag upang maging mas mabisa sa mga mambabasa.

c)

Pinapasarap nito ang emosyon upang maging madadamin ang dating sa mga mambabasa.

d)

Pinapaaliw nito ang mga mambabasa sa pamamagitan nakakatawa at matatalinghanggang salita.

5.

Paano nakatutulong ang mga elementong ito sa pagbubuo ng pangangusap o pagsusulat ng tula?

a)

Sa pamamagitan ng mga elementong tinalakay ay magiging mas katawa-tawa ang mga pangungusap pati na rin ang ginawang tula.

b)

Sa pamamagitan ng mga elementong tinalakay mas nagiging kadala-dala ang bawat eksena.

c)

Sa pamamagitan ng mga elementong tinalakay nagiging mabisa ang pakikipag-ugnayan ng makata sa mga mambasa sa loob ng tula.

d)

Sa pamamagitan ng mga elementong tinalakay nagiging mas maganda ang epekto nito sa mga mambabasa.

6.

Suriin ang bahagi ng tulang, "Ang Aking Pag-ibig"ni Elizabeth Barret Browning na isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago.

Iniibig kita nang buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,

Lipad ng kaluluwang ibig na marating

Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Ano ang elementong makikita sa bahagi ng tula?

a)

TUGMA

b)

SAKNONG

c)

SUKAT

d)

TAYUTAY

7.


Ano ang pagkakaiba ng saknong at taludtod?

a)

Ang saknong at taludtod ay parehong tumutukoy sa linya.

b)

Ang saknong at taludtod ay parehong tumutukoy sa talata.

c)

Ang saknong ay tumutukoy sa linya at ang taludtod naman ay tumutukoy sa talata.

d)

Ang saknong ay tumutukoy sa talata at ang taludtod naman ay tumutukoy sa linya.

8.

Suriin ang bahagi ng tulang, "Ang Kawikaan ng Dagat"ni Kahlil Gibran.

Sa kalagitnaan ng gabi,

Habang natutulog ang tao sa likod ng mga tupi,

Sinabi ng gubat:

"Ako ang kapangyarihan;

Dinala ng araw

Mula sa puso ng mundo."

Nanatiling tahimik ang dagat, at sinabi habang tulog:

"Ako ang Kapangyarihan."

Ano ang elementong nangibabaw sa bahagi ng tula?

a)

TAYUTAY

b)

TUGMA

c)

TALUDTOD

d)

SUKAT

9.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit gumagawa ang tao ng mga akda tulad ng tula?

a)

Dahil wala siyang magawa sa buhay.

b)

Dahil gusto niyang sumikat at purihin ng mga tao sa buong mundo.

c)

Dahil nais niyang ibahagi ang kaniyang kaisipan at saloobin sa mga bagay-bagay.

d)

Dahil ibig niyang paunlarin ang sarili at ang kaniyang talento sa pamamagitan ng pagsulat ng mga akda.

10.


Sa pagsulat ng tula, ano ang unang gagawin?

a)

Pag-iisip ng paksa.

b)

Pagrerebisa

c)

Pagsulat ng burador o draft

d)

Paghahanay ng daloy o takbo ng tula.