NEW
Font size
WorksheetsValues Ed TERM1 LP1- 2 reviewer
Total questions: 21
Worksheet time: 11mins
Paano maipakita ng isang tao ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng kilos-loob?
Sa pamamagitan ng pagiging masungit sa ibang tao
Sa pamamagitan ng pagpili ng mga desisyon at gawain na makabubuti sa kaniya at sa iba
Sa pamamagitan ng pagiging walang pakialam sa kapwa
Ano ang kahulugan ng "kakayahang magpasiya"?
Kakayahan na magluto ng masarap na pagkain
Kakayahan na gumawa ng maraming kaibigan
Kakayahan na magdesisyon para sa sarili.
Ano ang kaugnayan ng isip at kilos-loob sa pagpili ng mga desisyon?
Ang isip ang nagdidikta sa kilos-loob
Ang kilos-loob ang nagbibigay direksyon sa isip
Ang isip at kilos-loob ay nagtutulungan sa pagpili ng mabuting desisyon
Ano ang ibig sabihin ng "kabutihan" sa konteksto ng pagpapahalaga sa sarili?
Pagiging masama
Pagiging mabuti at makabubuti sa iba
Pagiging mapagmalupit
Paano naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob sa pagpili ng mga kilos o gawain?
Hindi nito naaapektohan ang kilos-loob
Ang kilos-loob ay umaasa sa impormasyon mula sa isip sa pagpili ng kilos
Ang isip ay umaasa sa impormasyon mula sa kilos-loob sa pagpili ng kilos
no ang kahalagahan ng pagiging natatangi o iba sa ibang nilalang?
Para makakuha ng maraming kaibigan
Para makamit ang tagumpay sa buhay
Para hindi makasakit ng ibang tao
Ano ang kahalagahan ng pag-aalaga sa mga sariling kakayahan?
Upang maging makasarili
Upang magkaruon ng magandang kalusugan
Upang maabot ang tagumpay at kaligayahan sa buhay
Ano ang pangunahing layunin ng pagbubungkal ng lupa sa pangangalaga ng mga halaman?
Upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran
Upang maihanda ang lupang tataniman. Gayundin upang makahinga ang mga ugat ng halaman at lumabas ng husto ang sustansiya na kailangan nito.
Upang makapag-ambag ng karbon sa hangin
Ano ang ibig sabihin ng "pagiging mapanagutan" sa konteksto ng pangangalaga at pagpaparami ng mga puno at halaman?
Pag-aalaga at pagmamahal sa mga puno at halaman
Paggamit ng mga puno at halaman para sa sariling kapakinabangan
Paggawa ng mga proyekto na nag-aaksaya ng kalikasan
Ano ang tamang oras para diligin ang mga halaman?
Sa gabi
Sa hapon o umaga
Tuwing tanghali
Ano ang pangunahing layunin ng paglalagay ng abono sa mga halaman?
Upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran
Upang mapabuti ang kalusugan ng tao
Upang ng maging mataba ng mga halaman
Tama o Mali
Si Ana ay nagtanim ng mga halaman sa kanyang bakuran. Tuwing umaga, dinidiligan niya ito ng tamang dami ng tubig.
Tama
Mali
Tama o Mali
Ang paaralan ni Maria ay mayroong "Tree Planting" na aktibidad. Nagtulong-tulong silang mga mag-aaral upang magtanim ng mga puno sa kanilang paaralan upang mapanatili ang kalusugan ng kalikasan.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga at pagpaparami sa halaman o puno?
Madalas nalilimutang diligan ni Alex ang kanyang mga halaman at hindi rin niya inaalis ang mga patay na dahon at damo sa paligid ng kanyang mgahalaman.
Sumasali si Ana sa mga programang kagaya ng tree planting upang makatulong sa pagpaparami ng halaman.
Hinahayaan lang ni Marco ang mga halaman at puno na nabuwal sa kanilang bakuran dahil sa bagyo.
Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan, talento, at hilig na may paggabay ng pamilya?
Upang magkaroon ng maraming kaibigan
Upang mapanatili ang tiwala sa sarili at mas malinang ang kakayahan o talento.
Upang maging makasarili at maiapagyabang sa iba kakayahan o talento.
Ano ang mga paraan para paunlarin ang mga kakayahan o talento?
Huwag na lang itong praktisin
Huminto sa pag-aaral upang mag pokus sa pag-eensayo ng talento
Mag-ensayo, sumali sa mga patimpalak, at humingi ng tulong sa mga magagaling
Bakit mahalaga ang tiwala sa sarili sa pagpapaunlad ng mga kakayahan at talento?
. Dahil ito ang nagpapababa ng kumpyansa sa sarili
Dahil ito ang nagbibigay inspirasyon para magpatuloy at magtagumpay
Dahil ito ay nagdudulot ng pagiging makasarili
Ano ang ibig sabihin ng pagpapahalaga sa sarili?
Pagiging makasarili
Pagkilala sa ating sarili at pag-aalaga sa ating mga kakayahan
Pag-aaksaya ng oras sa sarili
Tama o Mali
Ang kakayahan sa pagsasayaw ay Hindi halimbawa ng talento.
Tama
Mali
Tama o Mali
Ang tiwala sa sarili ay hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong talento.
Tama
Mali
Tama o Mali
Ang pagbabahagi ng iyong talento sa iba ay maaaring magdulot ng kaligayahan sa iyo at sa iba.
Tama
Mali
