WorksheetsAP10_REVIEWER_1ST QTR_SUMMATIVE TEST 2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang problema sa solid waste at deforestation ay mga halimbawa ng anong uri ng kontemporaryong isyu?
Isyung Pang-ekonomiya
Isyung Pangkapaligiran
Isyung Panlipunan
Isyung Pangkalusugan
Ito ay tumutukoy sa permanenteng pagkasira ng mga kagubatan.
reforestation
fuel wood harvesting
deforestation
afforestation
Ito ay tumutukoy sa pagbabago sa temperatura ng atmospera ng daigdig na maaaring mapabilis sa natural na dahilan o sa mga gawain ng tao.
Wildfire
Climate Change
Deforestation
Ang sumusunod ay sanhi ng deforestation, maliban sa_____
Ilegal na pagtotroso
Pagtaas ng populasyon
Ilegal na pagmimina
Ito ang batas na nagkokontrol sa paglilinang ng mga yamang mineral sa bansa. Ito rin ang pangunahing batas na ang layunin ay pangalagaan ang mga kagubatan, kabundukang miminahan, at maging ang mga katutubong naninirahan sa mga lugar na pagmiminahan.
Republic Act 7942
Republic Act 9729
Republic Act.10771
Ito ay tumutukoy sa lahat ng basura na mula sa tahanan, komersyal, institusyonal, industriya, konstruksyon, paligid, basura mula sa sektor ng agrikultura, at iba pang hindi mapanganib / hindi nakalalason na basura.
Solid Waste
Deforestation
Global warming
Ito ang tawag sa pagguho ng lupa dahil sa labis at tuloy-tuloy na pag-ulan o maaaring dulot ng paglindol.
flash flood
landslide
global warming
Batay sa mga pag-aaral noong 2015, ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 toneladang basura kada araw. Ito ang dahilan kung bakit isa ang Solid Waste sa pangunahing suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng bansa. Ano ang ugat ng problemang ito?
Kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtatapon ng basura
Nagkulang ang pamahalaan sa pagpapa-alala
Hindi sapat ang impormasyon ukol sa tamang pagtatapon ng basura
Sa pagmimina nagmumula ang mga yamang mineral na ginagamit natin sa pang-araw araw. Subalit ang hindi tamang pamamaraan nito ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kalikasan. Ang sumusunod ay mga epekto nito, maliban sa
Pagkalbo ng kagubatan
Pagdumi ng karagatan
Pagbaba ng produksyon ng methane
Ang Mother Earth Foundation, Clean and Green Foundation at Greenpeace ay ilan lamang sa mga Non-Government Organization (NGO) na may adbokasiya sa kalikasan. Ano ang papel ng mga NGO sa pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran ng bansa?
Tuligsain ang mga proyektong pangkapaligiran na pinapatupad ng pamahalaan.
Maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkapaligiran
Magpatupad ng mga programang pangkapaligirang magbebenepisyo ang organisasyon.
Isa sa nilalaman ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ang pagpapatayo ng mga Materials Recovery Facilities (MRF). Ano ang ginagawa sa mga MRF?
Dito permanenteng tinatapon ang mga nakolektang basura mula sa mga bahay.
Dito ginagawa ang waste segregation bago dahin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite o sanitary landfill.
Dito tinatapon ang mga basurang tinatawag na E-waste.
Ano ang polusyon na pangunahing sanhi ng Global Warming?
Greenhouse Gases
Deforestation
Landslide
Ang ating carbon footprint ay nakakadagdag sa greenhouse gases sa atmospera. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang mabawasan ang iyong carbon footprint sa bahay?
Gumamit ng mga plastic na lalagyan ng pagkain.
Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.
Gumamit ng power bank sa pagcharge ng cellular phone.
