wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10_REVIEWER_1ST QTR_SUMMATIVE TEST 3

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang hamon dulot ng kalamidad, sakuna, at hazard ay dapat pagplanuhan nang mabuti ng pamahalaan at mga mamamayan upang mabawasan ang panganib at pinsala. Alin sa sumusunod ang isang dinamikong prosesong sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol?

a)

disaster plan

b)

disaster management

c)

evacuation plan

2.

Bunga ng gawa ng tao: Human – Induced Hazard; Hazard na dulot ng kalikasan:___________

a)

Natural Hazard

b)

Nature Hazard

c)

Mother Earth Hazard

3.

Ang mabilis na pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na nagdudulot ng panganib sa mga tao at motorist tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay tumutukoy sa________________.

a)

Disaster

b)

Hazard

c)

Risk

4.

Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sector ng pamayanan sa CBDRM upang_____.

a)

Mabawasan ang mga epekto ng mga hazard at kalamidad

b)

Maisa – ayos ang mga plano ng pamahalaan kung paano tutugunan ang kalamidad

c)

Maging pamilyar sa darating na sakuna at upang maging handa sa magiging malubhang epekto nito.

5.

Ang konsepto ng Community Based Disaster Risk Management Approach ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at ari-arian ng mga tao. Ang fonsepto na ito ay naayon sa_____.

a)

Top – Down Approach

b)

Bottom – Up Approach

6.

Ito naman ay tumutukoy sa mga banta na dulot ng kalikasan. Gaya na lamang ng “ Super Typhoon Ulysess ” na nagresulta ng pagkasira ng madaming ari-arian at pagkakasawi ng ilang tao sa malaking bahagi ng Luzon.

a)

Human-Induced Hazard

b)

Natural Hazard

7.

Ayon kina Shesh at Zubair (2006) , hindi natutugunan ng

Top – Down Approach ang mga pangangailangan ng pamayanan sa kadahilanang__________

a)

Masyadong malayo ang mga lugar na nakakaranas ng suliraning pangkapaligiran o kalamidad kaya hindi naaabot ng pagtugon ng pamahalaan

b)

Malawak ang saklaw ng pagbibigay ng tulong o aksyon kaya hindi lahat ay agarang nasosolusyunan

c)

Limitado ang pagbuo ng Disaster Management plan dahil pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano

8.

Ang hindi pagkakasundo ng Pambansang pamahalaan at ng Lokal na pamahalaan tungkol sa mga hakbangin na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad ay nagdudulot ng______________?

a)

Walang katiyakang tulong na manggagaling sa pamahalaan

b)

Mabagal na pagtugon sa mga pangangailangan ng taong naapektuhan ng kalamidad

c)

Mabilisang aksyon mula sa local na pamahalaan upang matiyak ang pagkapanalo sa alitan

9.

Maraming bansa sa Asya hindi lamang ang Pilipinas ang gumagamit ng Bottom –Up Approach dahil_____?

a)

Ang Top-Down Approach ay isang mahinang approach na hindi dapat gamitin

b)

Ang pangunahing batayan ng plano ay ang mga karanasan at pananaw ng mga mismong naninirahan sa lugar

c)

Ang bawat lalawigan o lugar ay may kanya-kanyang pondo na maaring magamit sa oras ng sakuna

10.

Ang lahat ng pangungusap ay nagsadaad ng katangian ng Bottom-up Approach maliban sa_______.

a)

Mahalagang salik ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ng approach

b)

Ang responsibilidad ng pagbabago ay nasa kamay ng iilan

c)

Ang responsableng paggamit ng tulong pinansyal ay kailangan

11.

Sa pagpaplano ng Disaster Risk Management mahalagang magamit ang kalakasan ng 2 approach. Ang Bottom – up at Top-Down approach. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatotoo dito?

I. Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang kanilang ipinapatupad

II. Mahalagang malaman ang pananaw at karanasan ng mga mamamayan sa pagbuo ng Disaster Risk Management

III. Ang pagsasanib ng 2 approach ay maaring makapagbigay ng mas malaking tulong pinansyal sa mga pamayanang nakakaranas ng sakuna o kalamidad

IV. Ang ;pagsasanib na ito ng 2 approach ay maaring magdulot ng “ holistic “ na pagtingin sa kalamidad at hazard ng isang komunidad

a)

I, II, III

b)

I, II, IV

c)

II, III, IV

d)

I, II, III,IV

12.

Posibilidad na mas makaaapektuhan sa panahon ng kalamidad dahil sa mahina ang kapasidad na protektahan ang sarili .Halimbawa nito ay mga buntis, may kapansanan, mga bata. Para naman sa imprasetruktura, mga bahay na gawa sa kahoy o hindi matibay na materyales.

a)

Resilience

b)

Vulnerability

c)

Hazard

13.

Ito ay ang mga banta na dulot ng gawain ng tao. Ang mga halimbawa nito ay maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan.

a)

Human-Induced Hazard

b)

Natural Hazard

14.

Ano ang nararapat na slogan na nagpapakita ng mungkahi para sa makaiwas sa malaking pinsala dulot ng kalamidad?

a)

“Aanhin pa ang damo , Kung Patay na ang Kabayo”

b)

“ Kung Tayo Ay Handa , Sakuna ay Walang Panama”

c)

“ Likas Na Yaman ay alagaan,Yan an gating Kailangan”

15.

TAMA O MALI. Bilang mag-aaral, hindi ako magiging aktibo sa aktibidad ng paaralan lalo na kapag may earthquake at fire drill.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

TAMA O MALI. Mahalaga na maging maghanda ang bawat isa sa anuman hazard na dumating sa atin.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

TAMA O MALI. Ang RA 10121 ay tinatawag na Philippine Disaster Risk Reduction and Management.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

TAMA O MALI. Isinusulong ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework ang paharap sa mga suliraning pangkapaligiran.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

TAMA O MALI. Ang mga mamamayan lamang ang may gampanin sa pagbuo ng disaster management plan.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

TAMA O MALI. Tanging mga pinuno lamang ang may karapatan sa desisyon para komunidad.

a)

TAMA

b)

MALI