NEW
Font size
WorksheetsPagsasanay 2 - Filipino 9
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita ng pangungusap.
Pang-ukol
Pangatnig
Pang-angkop
Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay.
Pang-ukol
Pang-angkop
Pangatnig
Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan upang maipakita ang diwa ng pangungusap.
Pangatnig
Pang-angkop
Pang-ukol
______ ____ Dr. Santos, kailangang maging maingat sa paggamit ng social media.
Ano ang angkop na pang-ukol sa pangungusap?
Alinsunod kay
Gayon sa
Laban kay
Alinsunod sa
Tumestigo siya _____ ___ Don Facundo sa kaso.
ayon kay
gayon kay
laban kay
hinggil kay
Ako'y magdadala ng tinapay ______ inumin.
at
upang
o
saka
Tayo ay aalis ______ ikaw ay magpapakabait.
lalo
kapag
kung
upang
Marahil ang bagay na ito na paglisan natin sa ating nakasanayan ay bahagi ng ating paglago sa kani-kaniyang buhay.
Ang pangungusap ay naglalahad ng?
Nagpapahayag ng katotohanan
Nagpapahayag ng opinyon
Sa aking paniniwala na mayroon maling pagamit sa pariralang "Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana". Dahil ang mas angkop na parirala ay "Tinadhanang pagtapuin lamang".
Ang pangungusap ay na sa anyong?
Nagpapahayag ng katotohanan
Nagpapahayag ng opinyon
Tunay ngang ayon sa mga pag-aaral na ang dalawa ay mas higit sa isa. Ayon na rin sa kasulatan sa Bibliya na kung madapa ang isa ay mayroong aakay sa kanya upang magpatuloy.
Ang pangungusap ay na sa anyong?
Nagpapayag ng katotohanan
Nagpapahayag ng opinyon
Ito ay ang pagbibigay kahulugan sa tinutukoy na salita batay sa damdamin o impresyong nakikita sa pagpapahayag nito.
Denotatibo
Konotatibo
Ito ay ang literal na pagbibigay ng kahulugan sa tinutukoy na salita. Ito ay binabatay sa pisikal na katangian.
Konotatibo
Denotatibo
Kay layo man ng mga bituin sana'y ito ay hindi maglaho at patuloy ng magniningning.
Ang butuin sa pangungusap ay isang?
Denotatibo
Konotatibo
Tila ba'y ang iyong mata ay salamin ng iyong dalisay na damdamin.
Ang mata sa pangungusap ay isang?
Denotatibo
Konotatibo
Isang makitid na daan ang patungo sa kanilang tahanan.
Ang makitid sa pangungusap ay isang?
Denotatibo
Konotatibo
Sumasang-ayon ako sa sinabi mo dahil ganoon man kahirap ang buhay ay dapat tayong magpatuloy.
Ang pangungusap ay na sa anyong?
Matibay na opinyon
Katamtamang opinyon
Lubos kong pinaniniwalaan na ang isang taong may mabuting kalooban ay nagtataglay mala hiyas na puso.
Matibay na opinyon
Katamtamang opinyon.
Sa aking pananaw ang mga hapdi at kirot bunga ng nakaraan ay maghihilom din sa tamang panahon.
Matibay na opinyon
Katamtamang opinyon
Bato! bato sa langit ang tamaan huwag magalit.
Ang pakahulugan ng pangungusa pa ay?
Paglalaro ng mga bato
Pinagbang ng bato ang mga kagalit
Nakipagbatuhan ng bato sa kalsada
Kung wala kang ginawang mali hindi ka maapektuhan
Basa na ang papel ng iyong Guro ang inyong ginawa kaya huwag na ka nang magsinungaling.
Ang basa na ang papel ang may pakahulugang?
nabasa ang papel
nahuling nangongopya
binabasa ng guro
pinagbabasa ng guro ang mag-aaral
