Font size
WorksheetsWMSU Filipino Assessment
Total questions: 75
Worksheet time: 56mins
Ito ay tawag sa makabuluhang tunog ng isang wika.
ponema
morpema
sintaks
diskurso
Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo ng mga taong kabilang sa isang kultura.
ponema
morpema
wika
sintaks
Ano ang dalawang uri ng ponema?
morpema
segmental
sintaks
suprasegmental
Ito ay tanging ponemang segmental na walang katumbas na titik sa alpabeto.
enye
impit na tunog o glotal
ng
w
Ito ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
patinig
klaster
pantig
diptonggo
Ito ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
ponemang malayang nagpapalitan
pares minimal
diptonggo
klaster
Ito ay magkaibang ponema subalit maaaring magkapalitan nang hindi nababago ang kahulugan ng salita.
diptonggo
pares minimal
klaster
ponemang malayang nagpapalitan
Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?
walisin
palitawin
kulayan
tangkay
Alin sa mga sumusunod na salita ang walang klaster?
industriya
plataporma
aktibo
grasya
Ang mga sumusunod na ponema ay malayang nagpapalitan, maliban sa isa.
/r/ at /d/
/o/ at /u/
/e/ at /i/
/b/ at /p/
Ginagamit sa pagbibigkas ng mga salita. Hindi ito kumakatawan sa titik o letra.
Ponemang Segmental
Ponemang Suprasegmental
Ponemang Supersegmental
Ang mga nasa pagpipilian ang 3 uri ng Ponemang Suprasegmental maliban sa isa. Ano ito?
antala
diin
kuwit
tono
Tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita.
antala
diin
tono
Anong uri ng ponema ang tiitik B?
Ponemang Segmental
Ponemang Suprasegmental
Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag ang pagpaparating ng tamang damdamin sa pagpapahayag. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ponemang suprasegmental?
Intonasyon, Tono at Punto
Haba at Diin
Palaisipan
Hinto o Antala
Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
“Hindi, akin ang makapal na aklat na iyan!”
Sinasabing hindi sa kanya ang aklat na itinuturo.
Sinasabing siya ang may-ari ng aklat na itinuro.
Sinasabing hindi makapal ang aklat.
Sinasabing makapal ang aklat na itinuturo.
Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na tumutugon sa kalagayang tinutukoy ng sumusunod na pahayag “Nagtatanong ka kay Luisa.”
Nasaan / si Joy / Luisa
Nasaan si Joy Luisa
Nasaan si Joy / Luisa
Nasaan si / Joy / Luisa
Ipinakilala mo ang iyong nakababatang kapatid sa iyong guro at kaibigang si Bing.
Bing / kapatid ko / ma’am
Ma’am / Bing / ang kapatid ko
Ma’am Bing / ang kapatid ko
Bing / kapatid / ko ma’am
1. Anong tawag sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponema?
Ponemang Segmental
Ponemang Suprasegmental
Pagbabagong Morpoponemiko
Paraan ng Pagbuo ng Salita
Pagbabagong Morpoponemiko: “niluto”?
Pagpapalit
Pagdaragdag
Paglilipat ng ponema
Paglilipat diin
Pagbabagong Morpoponemiko: “pansandok”?
Asimilasyong parsyal
Asimilasyong ganap
Pagkakalts
May pungos
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbabagong morpoponemiko?
Reduplikasyon
May Paningit
Reduksyon
Pagtatambal
Pagbabagong Morpoponemiko: “banyuhay”
Reduksyon
Pagkakaltas
Pagpapalit diin
Reduplikasyon
PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salita. Piliin ang tamang sagot.
1. kitil + in -kitilin = kitlin
Asimilasyong Ganap
Pagpapali ng Ponema
Pagkakaltas
Metatesis
sing + dunong = sindunong
Asimilasyong Ganap
Asimilasyong Parsyal
Reduplikasyon
Pagpapalit ng Ponema
hayaan + mo = hamo
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Reduplikasyon
Reduksyon
yakap + -in - yinakap = niyakap
Metatesis
Reduplikasyon
Asimilasyong Parsyal
Asimilasyong Ganap
alala + han –alalahan + in = alalahanin
Metatesis
Pagpapalit ng Ponema
Pagkakaltas ng Ponema
Reduplikasyon
ma + dunong -madunong = marunong
Reduksyon
Pagkakaltas ng Ponema
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
luto + -in -linuto = niluto
Pagkakaltas
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Asimilasyong Ganap
pang + sayaw = pansayaw
Asimilasyong Parsyal
Asimilasyong Ganap
Reduksyon
Pagpapalit ng Ponema
pang + tabas - pantabas = panabas
Asimilasyong Ganap
Asimilasyong Parsyal
Metatesis
Reduksyon
I. PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salita.
ma- + dami - madami = marami
Paglilipat ng Diin
Reduksyon
Pagkakaltas ng Ponema
Pagpapalit ng Ponema
wika + mo = kamo
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Reduksyon
Paglilipat ng Diin
lipad + -in - lipadin = nilipad
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Asimilasyon Ganap
Kung may tagtuyot at bagyo sa mga bansa, maaapektuhan ang ating ekonomiya. Ano ang kayarian ng pangungusap?
payak
tambalan
hugnayan
Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.
"Ang biyaya ay kusang loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad."
payak
tambalan
hugnayan
langkapan
Tukuyin ang kayarian ng pangungusap sa ibaba.
"Iniisip mo sila kaya napahamak ka."
tambalan
langkapan
payak
hugnayan
Ang tunay na kaibigan ay mapagkakatiwalaan sa panahon ng kagipitan.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Tukuyin ang kayarian ng pangungusap.
"Nakikipaglaro si Maria sa kanyang alagang aso habang nag-aaral si Ben para sa kanilang pagsusulit"
payak
tambalan
hugnayan
langkapan
Ito ay bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit - ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Pangngalan
Panghalip
Pang - ukol
Pangatnig
Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising. Ang salita may salungguhit ay ginamit bilang?
pang - ukol
pang - uri
pangngalan
pandiwa
Naglinis ng hardin si Nena. Anong uri ito ng pandiwa?
payak
palipat
katawanin
Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Ganapan
Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
Pokus na tagaganap
Pokus na layon
Pokus na Lokatib
Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger.
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago sila pumasok sa paaralan
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Ipinapagawa sa kanya ang nasirang sapatos.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Nag- igib ng tubig si Vince.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Kasingkahulugan ng namangha
nagulat
natakot
nadapa
Pinuntahan ni Zach at alkalde ang bahay nina Ben.
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Nagluto ng kanilang hapunan ang dalaga.
Pokus na tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Humihingi siya ng tulong sa Diyos.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Inakyat niya ang bundok ng Arayat dahil inutusan siya ng kanyang Ina.
Pokus na Tagaganap
Pokus na Layon
Pokus na Lokatib
Anong uri ng pangungusap ang makikita sa ibaba.
Maaari mo bang bilhin ang mga ito sa palengke?
Pasalaysay
Pakiusap
Patanong
Tukuyin ang uri ng pangungusap:
Dadaan po ba kayo sa palengke?
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
Pautos
Pakiusap
Tukuyin ang uri ng pangungusap:
Hoy, bawal sumingit sa pila!
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
Pautos
Pakiusap
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
pang+bahay=pambahay
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
pang+bahay=pambahay
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
-in (gitlapi) + limas= nilimas
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
pang+tukso=panukso
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
pang+sandok = panandok
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
-in (gitlapi)+loko= niloko
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
tawad+an = tawaran
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
pang+bili = pambili
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
sing+puti = simputi
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
bakod+an = bakuran
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
sunod+in = sundin
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Tukuyin kung anong Pagbabagong Morpoponemiko ang ginamit sa salita.
dala+han = dalhan
Asimilasyong Di-ganap
Asimilasyong Ganap
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
