wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BALIK-ARAL SA FILIPINO 10 (UNANG MARKAHAN)

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Nawala ang hiniram na kwintas ni Mathilde kay Madam Forestier nang ito’y dumalo sa palasyo.

a)

Makatotohanan

b)

Hindi Makatotohanan

2.

Kilalang mga bayaning Pilipino sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio, sila ay nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

a)

Anapora

b)

Katapora

3.

Isinumpa ni Athena si Medusa, ginawang ahas ang kaniyang napakagandang buhok at mula sa araw na iyon ang sinomang tumingin sa kaniyang mata ay magiging bato.

a)

Makatotohanan

b)

Hindi Makatotohanan

4.

Akdang pampanitikang ginaganapan ng mga diyos at diyosa ang mga kwento.

a)

Alamat

b)

Maikling Kwento

c)

Mitolohiya

d)

Parabula

5.

Patuloy nilang dinarayo ang Boracay dahil ang mga turista’y totoong nahuhumaling sa lugar na ito.

a)

Anapora

b)

Katapora

6.

Lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng isang kwento.

a)

Banghay

b)

Tauhan

c)

Tagpuan

d)

Aral

7.

Elemento ito ng anopamang akdang pampanitikan na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na pangyayari.

a)

Banghay

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

d)

Paksang-diwa

8.

Naging positibo sa CoViD-19 ang banyagang artistang si Tom Hanks gayon din ang kanyang maybahay na si Rita.

Ano ang ginamit na pang-ugnay sa pangungusap?

a)

Naging

b)

Gayon din

c)

Kanya

d)

Ang

9.

Laging naiiwan ni Pedro ang kaniyang gamit kaya malimit siyang paalalahanan ng kaniyang ina.

a)

Anapora

b)

Katapora

10.

Nabigla si Jane sa kaniyang nalaman. Sinabi niya na peke ang kaniyang ipinahiram at nasa halagang limandaang prangko lamang. Anong damdamin ang namamayani sa teksto?

a)

Pagtataka

b)

Pagkagulat

c)

Pag-asa

d)

Pagtawa

11.

Akdang pampanitikang hango ang kwento sa banal na kasulatan o Bibliya. Layunin nitong imungkahi ang pagtuturo ng moralidad at kagandahang asal.

a)

Parabula

b)

Maikling Kwento

c)

Sanaysay

d)

Nobela

12.

Ang paksa ng epiko ay mga _____ ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.

a)

Suliranin

b)

Kasikatan

c)

Kabayanihan

d)

Kapangyarihan

13.

Akdang pampanitikang nahahati sa maraming kabanata. Walang iisang banghay. Marami ang tauhan at iba't iba ang tagpuan.

a)

Maikling kwento

b)

Alamat

c)

Epiko

d)

Nobela

14.

Uri ito ng sanaysay na nakabatay sa opinyon o kuro-kuro ang mga pangungusap.

a)

Pormal

b)

Di-Pormal

15.

“Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.”

a)

Makatotohanan

b)

Hindi Makatotohanan

16.

Tauhan sa kuwento na kung saan hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang katapusan.

a)

Bilog

b)

Lapad

17.

Akdang pampanitikan na may iisang impresyon o kakintalan, limitado ang banghay at tauhan at maaring tapusin sa isang upuan lamang,

a)

Epiko

b)

Sanaysay

c)

Nobela

d)

Maikling Kwento

18.

Ito ay mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwento.

a)

Aral

b)

Wakas

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

19.

Kohesyong gramatikal na ang panghalip ay ginamit sa hulihan bilang panghalili sa binanggit na pangngalan sa unahan ng pangungusap.

a)

Anapora

b)

Katapora

20.

Dalawang salita na pinaghanguan ng salitang sanaysay.

a)

sanay

b)

saysay

c)

pagsasalaysay

d)

salay

21.

KASINGKAHULUGAN:

Marami ang nahuhumaling sa kakisigan ni Ares.

a)

Umaayaw

b)

Nagkakagusto

c)

Naninibugho

22.

Ipinagtaka ni Fiona ang pagkawala ng kaniyang wallet sa loob ng simbahan.

Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?

a)

Aksyon

b)

Karanasan

c)

Pangyayari

23.

Alin sa mga sumusunod na panandang pandiskurso ang nagpapahayag ng pananaw?

a)

Ayon sa

b)

Sa palagay ko

c)

Sa dakong huli

d)

Alinsunod sa

24.

Tukuyin ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap:

Kasunduan nilang mag-asawa na magsasama sa hirap at ginahawa, pangakong binaggit nila sa harap ng altar.

a)

Kasunduan

b)

Ginahawa

c)

Pangako

d)

Binanggit

25.

KASINGKAHULUGAN:

Sa sobrang ganda ni Venus, maraming kababaihan nangingimbolo sa kanya.

a)

Nagagalit

b)

Naiinggit

c)

Naakit

d)

Nagseselos

26.

______ sa katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

a)

Dahil

b)

Upang

27.

Habang naglalaro sa kaniyang balintataw ang gabing siya ang naging tampulan ng atensyon ng mga kalalakihan, kinikiliti siya ng alaalang ito na hindi niya malilimutan.

a)

Malilimutan

b)

Kinikiliti

c)

Balintataw

d)

Alaala

28.

Iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars.

Alin ang pandiwa sa pangungusap?

a)

Kaniyang

b)

Iniwan

c)

Tiyo

d)

Kay

29.

Ginawang walumpung kabang trigo mula sa isandaang trigo, dahil sa katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

a)

Nagpapahayag ng ugnayang lohikal

b)

Pagdaragdag, pag-iisa-isa o Pagsusunod-sunod ng impormasyon

c)

Nagpapahayg ng aksyon

d)

Nagpapahayag ng saloobin

30.

Bahagi ng banghay kung saan magtatagpo-tagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

a)

Saglit na Kasiglahan

b)

Tunggalian

c)

Kakalasan

d)

Wakas

31.

Laganap sa mundo ang sakit kaya naman pinaaalalahanan ang lahat na magpalakas at ingatan ang kalusugan.

a)

Nagpapahayag ng ugnayang lohikal

b)

Pagdaragdag, pag-iisa-isa o Pagsusunod-sunod ng impormasyon

c)

Nagpapahayg ng aksyon

d)

Nagpapahayag ng saloobin

32.

May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kanyang ari-arian _____ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.

a)

Kaya't

b)

Saka

33.

Sa pangungusap na, "Iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars."

Ano ang gamit ng pandiwa?"

a)

Aksyon

b)

Karanasan

c)

Pangyayari

34.

KASINGKAHULUGAN:

Nagbabantulot si Mina kung ano ang uunahin niya, pag-aaral o pag-ibig?

a)

Nagagalit

b)

Nagdadalawang-isip

c)

Nagtataka

d)

Naririndi

35.

KASINGKAHULUGAN:

Nagugulumihanan si Rick sa dami ng kanilang lagumang pagsusulit.

a)

Nalilinawan

b)

Naguguluhan

c)

Nilalamig

36.

Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

c)

Pangngalan

d)

Pang-ugnay

37.

Tukuyin ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap:

Sa ginawang pagkukunwari ni Josh, hindi na siya napatawad ni Mary dahil paulit-ulit na rin ang kaniyang panloloko.

a)

Paulit-ulit

b)

Ginawa

c)

Pagkukunwari

d)

Panloloko

38.

Tukuyin ang salitang magkasinkahulugan sa pangungusap.

Hindi nalinlang ni Valentina si Darna sa ginawa nitong pagpapanggap.

a)

Hindi

b)

Nalinlang

c)

Pagpapanggap

d)

Ginawa

39.

Hinuli si Rhea ng kanyang masamang tiyuhin.

Ano ang gamit ng pandiwang “Hinuli”

a)

Aksyon

b)

Karanasan

c)

Pangyayari

40.

Sa pangungusap na, Ininom ni Robb ang natirang alak sa baso ni Kart.

Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?

a)

Aksyon

b)

Karanasan

c)

Pangyayari

41.

Nagliliyab ang dibdib ni Athena sap ag-aakalang sinuway siya ni Medusa.

a)

Galit na Galit

b)

Tuwang tuwa

c)

Gulat na Gulat

42.

KASINGKAHULUGAN:

Naulinig nila ang malakas na sigaw ni Mathilde nang malamang peke ang kwintas.

a)

Nakita

b)

Narinig

c)

Nadama

43.

Kung gabi, ito ang nagbibigay liwanag sa kadiliman, ang buwan. 

a)

Anapora

b)

Katapora

44.

Dito ipinagdiriwang ang Coco Festival, sa bayan ng San Pablo.

a)

Anapora

b)

Katapora

45.

Kohesyong gramatikal na ang panghalip ay ginamit sa unahan bilang panghalili sa binanggit na pangngalan sa hulihan ng pangungusap.

a)

Anapora

b)

Katapora