wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Uri ng Kilos ng Tao

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilosloob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama - kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.

a)

kilos ng tao

b)

makataong kilos

c)

kusang loob

d)

hindi kusang loob

2.

Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

a)

kilos ng tao

b)

makataong kilos

c)

kusang loob

d)

hindi kusang loob

3.

Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

a)

kilos ng tao

b)

hindi kusang loob

c)

kusang loob

d)

makataong kilos

4.

Ang mga halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao.

a)

kilos ng tao

b)

hindi kusang loob

c)

kusang loob

d)

makataong kilos

5.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi halimbawa ng kilos ng tao?

a)

paghinga

b)

pagtibok ng puso

c)

hindi pagkopya ng sagot sa kaklase

d)

pagkurap ng mata

6.

Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? a. Oo, dahil ginamit ng tao ang kaniyang kakayahang pumili at malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang ikikilos. b. Hindi, dahil wala naming obligasyon ang tao sa kanyang ikinikilos. c. Maari, depende sa hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon. d. Wala sa mga nabanggit na pamimilian

a)

Oo, dahil ginamit ng tao ang kaniyang kakayahang pumili at malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang ikikilos.

b)

Hindi, dahil wala naming obligasyon ang tao sa kanyang ikinikilos.

c)

Maari, depende sa hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon.

d)

Wala sa mga nabanggit na pamimilian

7.

Ang mga tao ay inaasahan na gumagawa palagi ng mabuting kilos sa kanyang kapwa. Ang mabuting kilos ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?

a)

Oo, sapagkat ito ay para sa kabutihan ng lahat.

b)

Oo, sapagkat ang hindi nito pagsasagawa ay isang maling gawain.

c)

Hindi, sapagkat wala namang obligasyon ang tao na gawin ito sa kanyang kapwa.

d)

Hindi, sapagkat ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin sa kapwa kung ang hindi paggawa nito ay magdudulot ng maling bunga.

8.

Ang pagsasalita habang natutulog ay isang halimbawa ng anong uri ng kilos ng tao?

a)

kilos ng tao

b)

hindi kusang loob

c)

kusang loob

d)

makataong kilos

9.

Pagtitiyaga na bumuo ng mga tanong na may mapanuring pag-iisip sa ginagawang pagsasaliksik ay isang halimbawa ng anong uri ng kilos ng tao?

a)

kilos ng tao

b)

hindi kusang loob

c)

kusang loob

d)

makataong kilos

10.

Ayon sa kanya, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay.

a)

Manuel Dy

b)

Aristoteles

c)

Agapay

d)

Santo Tomas De Aquinas