NEW
Font size
WorksheetsAP10_REVIEWER_2ND QTR_SUMMATIVE TEST 1
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Bakit maituturing na isang isyung panlipunan ang globalisasyon?
Sapagkat direkta nitong binago,binabago at hinahamon ang sistema ng pamumuhay at mga institusyon na matagal nang naitatag.
Sapagkat natatalo nito ang local na pamilihan at mga produktong gawa sa Pilipinas.
Sapagkat patuloy ang pagdami ng mga makabagong teknolohiya na nagdudulot ng paglimot sa kultura ng ating bansa.
Ang sumusunod ay epekto ng konsepto ng globalisasyon MALIBAN sa isa. Ano ito?
Nakatutulong ito sa pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga Pilipino sa aspetong political,ekonomikal at sosyal.
Nakatutulong ito sa pagpapahayag ng personal na adbokasiya at opinyon ukol sa kaganapan sa mundo gamit ang social media.
Nagbibigay daan ito sa pagdami ng mga foreign investors na syang nakadadagdag sa kaunlaran ng ekonomiya ng ating bansa.
Anong pahayag ang maglalarawan sa “binago ng globalisasyon ang sistema ng hanapbuhay ng mga Pilipino?
Patuloy na pagtatayo ng negosyo ng mga dayuhan sa ating bansa.
Pagdagsa ng Business Process Outsourcing (BPO) sa ating bansa.
Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino.
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng globalisasyon?
Malawakang pagpapaunlad ng agrikultura na magsisilbing kaagapay sa mas mayabong at masaganang pamumuhay.
Mabilisang daloy ng interaksyon at integrasyon na napapabilis sa pamamagitan ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Malawakang pagpapatakbo ng mga makabagong makinarya na nagsusulong sa pandaigdigang pagkakaisa at pagbabago.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananaw o perspektibo tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
Ito ay nakaugat sa pamayanang binubuo ng mayayaman.
Ito ay pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch.
Ito ay pinaniniwalang nakaugat sa bawat isa.
Ito ang tawag sa mga kompanyang nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ito ay may mga pasilidad at pagawaan na nakabase ang paglikha ng produkto at serbisyo sa pangangailangan ng bansa.
Multinational Companies
Transnational Companies
Ito ay katawagan sa mga malalaking kompanya sa isang bansa at lumilikha ng mga produkto at serbisyo na hindi nakabatay sa kagyat na pangangailangan ng isang bansa.
Multinational Companies
Transnational Companies
Paano mailalarawan ang pagkakaiba ng Globalisasyong Ekonomiko at Globalisasyong Sosyo-Kultural?
. Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakatuon sa palitang ng produckto at serbisyo habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay tumutukoy sa pagbabago ng kultura at pamumuhay ng tao sa isang bansa.
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakatuon sa pagpapa-unlad ng teknolohiya habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay napokus sa pagpapayabong ng kasaysayang at kultura.
Ang Globalisasyong Ekonomiko ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya habang ang Globalisasyong Sosyo-Kultural ay pagbibigay-pansin sa musika,sports at drama.
Paano nakatutulong ang Globalisasyong Pulitikal sa kaunlaran ng isang bansa?
Nagiging simbolo ito ng pagkakaroon ng mabuti relasyon sa ibang bansa na syang nagbibigay-daan sa pandaigdigang kaligtasan at pakikipag-ugnayan tungkol sa mas maunlad na ekonomiya.
Nakakabawas ito sa suliranin ng ating bansa ukol sa mga isyung may kinalaman sa LGBT community.
Nagiging daan ito sa bukas na komunikasyon at usapang pangkapayapaan.
Ito ay ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama sa pagitan ng mga tao, mga kompanya at mga pamahalaan sa buong mundo.
Globalisasyon
Kooperasyon
makabagong kalakalan
Ang lahat ng pangungusap ay nagsasaad ng pinaniniwalang pinagmulan ng globalisasyon MALIBAN sa isa________.
Ang globalisasyon ay pinaniniwalaang dumaan sa anim na “wave”
o panahon.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay mula sa partikular na
bahagi ng kasaysayan na marami ang pinag-ugatan.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan
ng ika-20 siglo at walang kaugnayan sa mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng dahilan kung bakit lumago ang kaisipang globalisasyon?
Sa pagsulong ng teknolohiya, politika at transportasyon
Sa pagsulong ng kooperasyon, bayanihan at
komunikasyon
Sa pagsulong ng transportasyon, teknolohiya at
komunikasyon
Ang globalisasyon ay proseso ng pakikipag-ugnayan ng mga tao, mga kompanya, at mga pamahalaan sa buong mundo.
Tama
Mali
Ang globalisasyon ay tumutukoy din sa integrasyon ng ekonomiks, kultura, politika, relihiyon at sistemang sosyal ng iba’t ibang lugar na umaabot sa buong mundo.
Tama
Mali
Walang silbi ang globalisasyon sa panahong kasalukuyan.
Tama
Mali
